Nang tuluyan na siyang nakalabas sa tagong lagusan ay mabilis ang kanyang mga hakbang na nilakad ang daan patungo sa lugar na mas nararamdaman niya ang paggalaw ng black core. Hindi niya alintana ang malagong mga damu na sumusugat sa makinis at makintab niyang mga binti. Maliban sa paggalaw ng crystal ay nararamdaman din niya ang hapdi dulot ng nahiwa niyang mga laman, subalit mistula namamanhid ang buo niyang mga paa. Hindi siya sanay na pinapahirapan ang katawan at lalo na ang pinapagod ang sarili. Tumatakbo siya ngayon nang matulin at tanging punterya ang Lugar na hindi pa niya napupuntahan sa tanang taon na kanyang pananatili sa Sekluded. “Senior Xa, paparating na ako. Pakiusap, hintayin mo ako sa pagkakataong ito,’ saad niya sa kanyang isipan. Malinaw pa sa kanyang alaala na hindi na

