Kasabay ng natanggap ni Logan na notification na completed na ang kanyang quest four ay ang pagsulpot ng malaking puno ng Spirit blood tree sa ibabaw. Ito na ang isa sa naging bunga ng pagpunta niya sa kailaliman ng Haven. Nakita ni Logan nang maayos kung paano kainin ng Spirit blood tree ang lahat ng nakapalibot dito na negatibong enerhiya. Katulad ng maliit pa lang ito na parang may buhay na kumakain. Maging ang namamatay ng Haven tree ay kinain din nito. Hindi niya alam kung ayos lang ba ’yun o hindi. Ngunit naging payapa na rin siya dahil wala namang nagbago sa enerhiya, positibo pa rin ito at tila mas lalong lumakas. Makalipas ang ilang sandali ay wala ng natira sa paligid kung hindi ang malaking puno ng spirit tree at si Logan na nasa tuktok nang nasabay siya sa pagsulpot nito galing

