“YOU first, Miss Gomez,” saad sa akin ni Prof. Asia matapos ang klase. Sabay niya kaming dinala ni Jules sa nook niya pero ako ang una niyang gusto na na makausap. Nagkatinginan kami ni Jules tapos ngumiti ito. Nakakangiti pa ito samantala ako, hindi na halos maintindihan ang mararamdaman. Ngayon pa lamang, naiisip ko na ang kahihinatnan nito. I'm gonna be a big disappointment to Mommy Eula and Daddy Frank. Anong sasabihin nila sa akin nito? Ayokong isipin nila na sinasayang ko ang perang ginagastos nila pang-paaral sa akin. Tumango ako kay Prof. Asia. Nauna na itong pumasok sa loob. Dumating naman si Vans na nag-aalala ang mukha. “Anong sinabi sa inyo ni Miss Asia?” “Wala pa. Kakausapin ko pa lang. Ako ang gusto niyang makausap,” malungkot kong sabi. Hinaplos nito ang likuran

