“ILANG oras mo ba ako pag-aantayin dito?” Pikon na pikon na ang itsura ngayon ni Reed habang nakaupo sa labas ng opisina ni Prof. Asia. Paano ay inip na inip na. Samahan pa ng mga estudyanteng kulang na lang ay maglaway sa binibigay na titig kay tingin kay Reed. Hinihintay kasi namin ito pero sabi ng assistant nito ay wala raw ito at may klase pa. At dahil ngayon ko lang naman napakiusapan si Reed, hindi pwedeng ipagpaliban ang plano. “Hintayin na lang natin. Malapit na siguro matapos ang klase no'n." Napatingin ako sa orasang nasa pulso ko. “Hindi ako mamatay sa death threaths kundi sa mga titig ng mga estudyante rito. f**k. I shouldn't agreed with you to go here. Kaya nga ako nag-home schooled para iwas sa mga fantards and here I am. And I'm not even look like a parent. Si Mom at

