“BAHALA siya sa buhay niya. Ako na nga itong nakikipaglapit sa kanya tapos ganoon pa ang ugali niya. Bwisit siya!” Panay ang himutok ko habang naglalakad sa baybayin ng dagat. Narinig ko lang na may dagat pala dito mula sa mga staff na nanggaling din dito kanina. Wala talaga akong ideya noong una, pero pinuntahan ko na lang para masulit ang araw na 'to. Pero imbis na gumanda ang mood ko dahil sa magandang tanawin ay mas lalo lamang ako nabibwisit. Sinipa ko ang sea shell na nakaharang sa daraanan ko. At ganoon na lang ang gulat ko nang may narinig akong umaray mula sa malayo. Nakahawak ito sa likod ng ulo niya at nakatalikod mula sa akin. Pagpihit niya paharap ay napanganga ako nang makita na ang artistang si Vitto. Naku, patay. Mukhang dumugo yata ang ulo niya dahil napansin ko'ng may

