PANAY ang hikab ko habang nanonood sa pang-ilang eksena ng mga artista sa harap ng kamera. Halos magsara na ang mga mata ko sa sobrang antok. Nagising lamang ang diwa ko nang sumigaw ang direktor. “Cut! Good take everyone!” anunsyo nito. Masayang masaya ang anyo nito na tila naka-jackpot sa lotto. Paano ay napakaganda naman kasi ng scene at ang gagaling panng mga artista. Mula sa kumpulan ng mga PA ay gumaya na rin ako sa kanila nang maglakad ang mga ito patungo sa kaniya-kanyang alagang artista. Hawak naman ang panyo ay lumapit ako kay Reed at saka pinunasan ang pawis nito sa mukha. “Good job, Reed. Bagay na bagay talaga sayo ang karakter mo sa eksena. Very equisite and timing. Kaya sayo talaga ang boto ko pagdating sa awarding night,” mabulaklak na puri nang direktor nang makala

