“MISS, can you please throw this anywhere?” Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin. Ito 'yong artistang si Barbie Wattanabe. Napadaan kasi ako sa harapan nito galing sa lugar na ipinag-utos sa akin ni Reed. May dala akong photo copy para sa script ng binata. Natapunan ko kasi ng kape iyong binabasa nito kaya ngayon ay nakapaghanap pa ako ng zerox shop ng wala sa oras para lang makapagkabisa ito. “O-Of course. Akina, ako ng bahala magtapon.” Ngiting-ngiti ko'ng kinuha ang hawak nitong tissue. Nang matanggap ko ay kaagad itong nag-sanitize ng kamay. She didn't even bother to say thank you. Medyo na-off ako roon pero keri lang naman. Atlis ngumiti siya pabalik. Itinapon ko iyon sa malapit na trashbin at saka nagtuloy sa van ni Reed. Well, kumpara sa mga naritong artista, ito lang ang

