2

2005 Words
REMMY Matapos ang dalawang oras na talakayan ay umalingawngaw na ang bell sa buong campus, hudyat na breaktime na. Saka lamang ako nakahinga nang maayos matapos ang pangalawang asignatura namin sa umagang ito. Mabuti nga't naisipan kong mag-review kagabi dahil kung hindi, sigurado na wala akong naisagot sa pa-surprise test ni Si'ir Adam. Kanya-kanyang labasan ang aking mga kaklase ko bitbit ang kani-kanilang bag. Nagpasya na lamang akong manatili sa loob ng classroom namin at dito na lamang magpalipas ng ilang oras bago ang susunod na subject. Nagmamadali kong kinuha ang notebook sa loob ng aking bag pati na rin ang manila paper kung saan nakasulat ang topic na irereport ko sa susunod naming subject. Kinakailangan ko kasing i-recheck ang lahat ng isinulat ko upang maiwasan ang anumang kapalpakan. Dinalaw na kasi ako ng antok kagabi kaya hindi ko na masyadong namalayan ang ibang detalye na isinulat ko rito. Nakasalalay kasi sa report na ito ang magiging final grade ko sa statistics ngayong midterm. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa oras na bumagsak ako nang dahil lamang sa aking kapabayaan. Nagsimula na akong magsulat nang mapansin ko si Kate. Hanggang sa mga oras na ito ay nasa sariling upuan pa rin ito at mukhang may malalim na iniisip. "Hindi ka ba lalabas para kumain?" tanong ko ngunit umiling lamang ito. "May gagawin ka ba bukas, Remmy?" tanonh nito na nasa katabing upuan ko lamang. "Wala naman, bakit?" tanong ko at nagbaba na ng mukha para ipagpatuloy ang aking ginagawa. "May gusto sanang makipagkilala sa 'yo at ipinapatanong kung okay lang daw na lumabas kayo bukas ng hapon." Narinig kong sabi ni Kate na ikinagulat ko. Sandali akong natigilan. Tama ba ang narinig ko? May lalaking gustong makipagkilala sa akin. Halos gusto kong tumawa nang ubod lakas sa sinabing iyon ni Kate. Maituturing iyon na pinakamalaking biro na natanggap ko ngayong taon. Hindi ko matiyak kung ano ang aking itutugon kay Kate. Marahil ay iyon ang dahilan kung kaya ganoon na lamang ang itsura ng kanyang mukha. Siguro naaalangan siyang sabihin sa akin dahil panigurado na pagtatawanan ko lamang siya. Sino naman kaya itong bulag na lalaki na nagkaroon ng interes sa isang tulad ko? Panigurado na wala itong ka taste-taste pagdating sa mga babae dahil ang isang katulad ko ang pumasa sa kan'yang panlasa. Nag-angat ako ng mukha at tiningnan si Kate. "Ayan ka na naman, Kate. Nagpapatawa ka na naman," tugon ko at pilit na pinapanindigan ang aking sinasabi ng loob ko. "Saan ba napunta ang dalawang itlog ng lalaking iyan at ikaw itong nagsasabi sa akin ng mga bagay na dapat sana ay siya ang gumagawa," dagdag ko na bahagyang nakaangat ang kabilang sulok ng aking kilay. "Buti pa 'yong itlog ng manok may pakinabang, samantalang yung itlog ng lalaking tinutukoy mo ay mukhang wala." At inikot ko pa ang aking mga mata. Tinapunan ako ni Kate ng masamang tingin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang mga bagay na sinabi ko sa kan'ya. "Mukha ba akong nagpapatawa, Remmy?" tanong ni Kate na may katigasan sa tono ng pananalita niya na halos hindi na maipinta ang reaksyon sa mukha. Paano naman ako maniniwala gayong sa simula't sapul pa lamang nang pagtapak ko sa tarangkahan ng kolehiyong ito ay wala ni kahit isang lalaki ang nagpakita sa akin ng anumang interes. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang tulad ko na plain lamang? Kung sa pagkain ba ay walang sahog, at puros gulay lamang ang lagay, wala pang flavor enhancer kaya sino ba naman ang kakain sa ganitong klsyeng putahe? At kung meron man siguro ako na no choice siya dahil kumakalam ang sikmura niya dahil sa labis na gutom. Wala akong alam sa anumang bagay na trending pagdating sa fashion kaya naman kung minsan ay napagkakamalan pa akong manang dahil sa pamamaraan ng aking pananamit. Kung hindi naman three fourth sleeves ay may manggas na damit ang palagi kong isinusuot, itiniterno ko pa sa pantalon o kahit anumang kasuotan na pambaba basta natatakpan ang aking mga binti o 'di kaya naman ay mahabang bestida na lampas tuhod ang laylayan. Kulang na lamang ay itago ko pa pati mga daliri ko sa kamay at paa. Wala rin akong hilig sa pagpapaganda. Ni kahit nga pulbos ay hindi ako naglalagay sa aking mukha. Sapat na ang lumabas ako sa bahay na bagong paligo at nakasuklay ang buhok. Maging ang anumang burluloy sa katawan ay wala din akong hilig. Pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ang mga arte sa katawan magmukha lamang akong maganda at kaaya-aya sa paningin ng iba. Bagay na ayaw kong baguhin sa aking sarili. Masaya at kuntento na ako sa ganitong itsura, kahit magmukha man akong manang sa paningin ng iba. At kung sakali man na dumating ang araw na may lalaking magpakita sa akin ng interes ay mas gugustuhin ko pang makita niya ako sa ganitong ayos. Dito ko lamang kasi masusubukan kung nagpapakatotoo nga ba ito sa akin o sadyang pinagtitripan lang ako para makuha ang isang mahalagang bagay mula sa akin. "Magseryoso ka nga Remmy. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa biro," mariing wika ni Kate. Minabuti kong huwag nang magsalita at manahimik na lamang. Hindi mo gugustuhin na makitang galit itong si Kate dahil siguradong magkakaroon ng World War 3. At kapag nangyari iyon ay ikaw na mismo ang unang susuko sa laban. Ganoon katapang itong si Kate, bagay na nagustuhan ko sa kanya. "Bakit hindi mo subukang makipag-date sa kanya? Wala namang masama kung susubukan mo, 'di ba? Uuwi ka pa naman ng buo. Malay mo mag-click kayong dalawa," saad nito. "Isa pa, matagal ko na siyang kilala." pahabol ni Kate. Sa tono pa lamang ng pananalita ni Kate ay halata naman na kilalang-kilala niya nga ito ng lubos dahil kung hindi ay hindi niya ipagpipilit na makilala ko ang lalaking ito. Kilala ko si Kate at hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakapahamak ko, nang ikakapahamak namin pareho. "Ayaw mo bang magkaroon ng lovelife?" napaawang ang bibig ko sa sinabing iyon ni Kate. Sino ba naman ang aayaw na magkaroon ng love life, lalo na at nasa bente anyos na ako. Wala akong ibang inatupag kundi ang magsunog lamang ng kilay. Halos wala na rin akong oras na mag-enjoy kahit isang araw sa loob ng isang linggo. Nahihiya man akong aminin ang bagay na ito ay iyon ang riyalidad na pilit kong tinatakasan. Ayaw kong magmukhang katawa-tawa at desperada sa paningin ng iba lalong-lalo na sa harapan ni Kate na matalik kong kaibigan. Ngunit ang masakit na pagsampal sa akin ng katotohanan ay mas lalo pang nadadalas. Naiinggit ako sa tuwing nakakakita ako ng magkasintahan na naglalakad ng magkahawak ang mga kamay. Masayang nagtatawanan habang naglalambingan. Naiinggit ako dahil ni minsan ay hindi ko iyon naranasan. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito magawang iwaksi sa aking puso't damdamin. Inggit na nagmistulang makapal na libag sa aking buong katawan. Kahit na nga ilang beses ko pang kuskusin gamit ang steelwhool ay napaka-imposible nang maalis at mananatili na lamang na nakadikit. Nais ko rin namang maranasan na magkaroon ng boyfriend. 'Yung tawagin akong bhe, babe, hon at kahit ano pang klaseng endearment meron ang magkasintahan. Tumanggap ng chocolates, flowers, cards at kahit ano pa mang regalo sa mga espesyal na araw. Ang ipagdiwang ang tinatawag na monthsary, maging anniversary. Ang matikman ang unang pagdampi ng halik sa aking mga labi. Ang ikulong ako sa yaring mga bisig at ituring bilang prinsesa. Gusto ko ring malaman kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig ay kung gaano ito kaganda. At higit sa lahat ay gusto ko ring maranasan ang umibig at ibigin din ng iba. Bagay na lahat naman tayo bilang nilalang ay hinahangad. Lahat ng ito ay nais kong maranasan sa piling ng lalaki na siyang magmamahal sa akin ng tunay at wagas. Ngunit, sadya yatang maramot sa akin ang tadhana. Pakiramdam ko ay parang ayaw akong bigyan ng pagkakataon na maging masaya. Mukhang magtatapos na naman ang isang yugto sa aking buhay ng walang tinatatawag na boyfriend. Nasa plano pa yata ng tadhana na paabutin pa akong trenta anyos bago ko matagpuan ang lalaki na siyang magpapatibok sa aking puso. Ang lalaki na siyang nakatadhana para sa akin. Natahimik si Kate at biglang nangulimlim ang mukha. Ang mga mata niya'y may gustong ipahiwatig. At kung ano man iyon ay nais kong malaman. KATE Simula pa lamang high school ay matalik na kaming magkaibigan nitong si Remmy. Kung magturingan kami ay halos tunay na magkapatid. Kaya ganoon na lamang ang naramdaman nitong kasiyahan at excitement nang malaman na sa iisang unibersidad lamang kami mag-aaral ng kolehiyo. Ang mas ikinatuwa pa ni Remmy ay pareho pa ang kurso na kinuha namin at kapwa pa kami napabilang sa iisang klase. Mabait at magpagmahal na anak si Remmy, at napaka-maalalahanin bilang isang kaibigan. Medyo nga lang may topak kung minsan, ngunit masasabi ko na sadyang napakabuti niyang tao. At isa ako sa mga taong magpapatotoo sa bagay na iyan, kaya naman abot-langit ang aking pasasalamat na nagkaroon ako ng isang mabuting kaibigan na tulad niya. 'Yun nga lamang, kung minsan ay hindi maiiwasan na magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Gaya ng mga usapin hinggil sa love life na batid kong matagal niya ng gustong maranasan, ngunit palagi niya na lamang iting ide-dinideny ang kahit na sobrang obvious na. Iniwas ko na lamang ang tingin at ibinaling ito sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko matiyak kung dapat ko bang sabihin kay Remmy ang bagay na nasa aking kalooban. "Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa 'yo, Remmy. And I want him to be happy bago pa man siya tuluyang mamaala, " mapait na wika ko na medyo may pangininig sa aking boses. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mariin ko lamang siyang pinagmasdan mula sa aking kinauupuan. Hinihintay kung ano ang kanyang magiging reaksyon. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lamang nakita ang ganoong reaksyon sa kanyang mukha. "Nagbibiro ka lang, hindi ba?" narinig kong sabi niya sa mahinang boses. Nakita ko ang kanyang kamay na nakahawak sa tapat ng kanyang dibdib, kapagkuwa'y bahagya nitong iniyuko ang ulo niya. "Hindi, Remmy. Walang dahilan upang gawin kong katatawanan ang sakit ng isang tao. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo ang bagay na ito ngunit ayaw ko nang palampasin ang pagkakataon na ito na maging masaya ang kapatid ko. Alam kong mali, pero..." putol na sabi ko nabg nang unti-unti ko nang maramdaman ang pagpatak ng aking mga luha. Nito lamang nakaraang Pebrero ay diagnose si kuya na may stage 4 colon cancer, vagay na ikinabigla naming lahat. Huli na ang lahat nang ma-detect ito at nagbigay na ng taning ang doktor na aabot na lamang si Kuya ng anim dalawa o tatlong buwan, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap. Sa kabila ng labis na sakit at pighati na nararamdaman nina mama at papa ay buong lakas at tapang naman itong hinaharap ni kuya. Hindi niya na inalintana ang kanyang kondisyon at nanatiling matatag. Alam ko kung gaano siya nasasaktan, ngunit walang sandali na nakita ko siyang pinanghinaan ng loob, bagkus ay mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang kalooban. Palaging nakaguhit sa kanyang mukha ang pag-asa kahit unti-unti na siyang tinatangay ng sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ko na nagawang pigilan ang emosyon na kumawala sa aking dibdib. Gusto kong samantalahin ang lahat nang nakikita kong pagkakataon, maging masaya lamang ang nag-iisang kapatid na meron ako, kaya ganoon na lamang ang aking kasiyahan nang malaman ko na matagal niya na palang gusto si Remmy. Abot kamay ko lamang ang babae na lihim niyang nagugustuhan. Wala akong ibang hiling kundi ang makita ko siyang nakangiti kahit sa aking kaloob-looban ay unti-unti akong dinudurog sa labis na sakit. "Please, Remmy. Kahit ngayon lang," pagmamakaawa ko kay Remmy at kahit anong pagpipigil na gawin ko ay patuloy lamang sa pagbuhos ang aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD