Remmy's POV Kasalukayan akong naka-upo sa sofa habang si mama naman ay nasa loob ng aking silid at abalang inaayos ang aking higaan. Hindi ko pa kayang ikilos nang maayos ang aking braso kaya si mama muna ang hinayaan ko na mag-ayos nito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si mama ng silid. Nagpaalam muna ito na pupunta sa kusina para ipaghanda ako ng makakain. Nabaling ang tingin ko sa mapupulang rosas na ibinigay sa akin kanina ng misteryosong lalaki. Sa sobrang taranta ay nakalimutan na ni mama na ilagay ang mga ito sa plorera. Ayaw ko sanang tanggapin ngunit iniwan ang mga ito ng lalaki sa ibabaw ng mesa bago tuluyang nagpaalam sa akin. Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin kung sino ang lalaking iyon. Sa paraan ng kaniyang pananalita at pakikitungo sa akin ay

