Remmy's POV "Makinig kang mabuti, Remmy Cuesta. Isang malaking pagkakamali ang namamagitan sa inyo ni Yuri dahil maituturing ka lamang na isang malaking kahihiyan para sa kaniya," mariing sabi nito habang pinapalo-palo ang hawak na tubo sa kaniyang palad. "Hindi mo ba nakikita? Napakalaki ng agwat ni'yo sa isa't isa. Langit si Yuri samantalang ikaw ay lupa. Ano na lamang ang sasabihin ng mga magulang niya sa oras na malaman nila ang tungkol sa 'yo? Sa tingin mo ba ay mas pipipiliin ka ni Yuri kesa sa sarili niyang pamilya?" dugtong nito. Yumuko ako. Gusto kong depensahan ang aking sarili ngunit mas pinili ko na manahimik na lamang. Kahit ilang beses ko pang ipagtanggol at ipaliwanag ang aking sarili ay hinding-hindi na magbabago ang pagtingin nila sa akin. Isang basura. Mananatili la

