Remmy's POV "Bakit ganiyan ang mukha mo? Daig mo pa ang nakakita ng multo, Remmy," sabi ni kuya nang ilapit nito ang mukha sa akin. Muli akong napaatras mula sa aking kinatatayuan habang dilat na dilat ang aking mga mata na nakatitig sa mukha ni kuya. Mas lalo pa nitong inilapit ang kaniyang mukha dahilan para mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Tumigil pati ang pagdaloy ng hangin sa aking ilong dahil ilang pulgada na lamang ang lapit ng mukha nito sa aking mukha. Simula pa pagkabata ay magkasama na kami ni kuya ngunit ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha nito sa malapitan, ng ganito kalapit na halos magdikit na ang aming mga labi. Pati mabangong hininga niya na tumatama sa aking pisngi ay naaamoy ko rin. Para bang hininga ng bagong silang na

