Tristan's POV Buong akala ko ay tuluyan na akong mag-iisa ngayong wala na ang mga taong pinagkaka-utangan ko ng aking buhay, ang mga taong pinaghuhugutan ko ng lakas sa bawat araw na ako'y nabubuhay sa mundong ito, ang mga taong nagmamahal sa akin at nagpapahalaga, ngunit nagkamali ako. Ngayon ko lamang napatunayan sa aking sarili na matapos ang masaklap na pagkamatay nina mama't papa ay hindi ako pinabayaan ng Dios dahil may mabubuting tao na dumating para kupkupin ako at ituring na sarili nilang anak. Kung nasaan man ngayon sina mama't papa, sigurado ako na masaya na sila. Mapapanatag na ang loob nila ngayon na nasa mabuting palad na ako kapiling ng bago kong pamilya. "Napag-isipan ni'yo na po ba kung ano ang ipapangalan natin kay baby, mama?" tanong ko kay mama habang hinihimas-hima

