Georgette It’s been a while since I decided to go here in London. Maraming mga nangyari nitong mga huling araw lalo na ang nangyari sa pagitan nina Wigo at Kinne sa Switzerland. Isa ako sa mga saksi kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. And now, they are finally happy. Ang masaklap lang ay nabaril si Wigo sa tagiliran dahil nga naman sa pagprotekta kay Kinne at sa magiging anak nila. Naroon kaming lahat na sumuporta sa kanilang pag-iibigan pero kami ni Tristan ay wala na talagang pag-asa. Sa huling pagkikita namin sa Switzerland ay hindi na rin maganda ang tagpo namin. At sa tuwing nagku-krus ang landas namin ay hindi na rin maganda ang pagkikita namin. Bumabalik lang kami sa pagbabangayan sa isa’t isa at ang sakit ay nanatili pa rin sa puso ko. I want him to

