Tristan Maaga akong tumungo sa firm ni Raven dahil ang chimpanzeeng si Stephen ay nag-file nga ng kaso laban sa akin. Wala akong balak na patulan ang mga katulad niya but since reputasyon ko rin ang nakataya rito, kailangan kong ipanalo ang kaso. At ang naisip kong lapitan ang isa sa mga unggoy kong kaibigan. “Good morning, Sir Tristan. Mukhang napaaga yata ang dating mo,” bungad sa akin ni Eunice, ang sekretarya ni Raven. “Good morning,” bati ko naman. Kailangan kong maging maaga at mahirap hagilapin iyang boss mo.” “I see. Talagang hectic nag schedule ni Sir Raven these past few days. Marami ang mga kliyente niya. Halika na, Sir. Hinihintay ka na niya sa office niya.” Tumango lang ako bilang pagtugon sa kaniya. Pinasadahan ko pa ng tingin si Eunice at ni hindi pa rin siya nagbago. A

