Kagaya nung nakaraang araw ay maaga kami nakauwe ni Cait at dumerecho kami sa kanila.
And to our surprise. Yung pangalawang kapatid ni Kai na nakatira sa States e andito na ulit ngayon. I can feel how Aiwa tensed while he's in front of us kanina ng kumakain kami ng meryenda with their family.
Kahit ako ramdam ko yung bawat bigat sa tingin na binibigay nya sa best friend ko.So totoo talagang sya pa rin ang sinisisi nito sa pagkawala ng kapatid nila ni Kai.
Niyakag ko si Ai na pumunta sa studio ng kuya Kai nya para manood ng practice nito at ng mga kabanda nito para ma divert ang utak nito.
Crush na crush Kasi nya si Haniel, yung drummer ng banda ni Kai.
Sabagay Ang gwapo Naman talaga at mukang Ang bango bango palagi, neat looking pa at muka pang mabait. Unlike Kai na mukang, hays nevermind!
Natugtog na Ang mga ito ng dumating kami, at pag trip ka nga naman ni Tadhana, abay andon din si Dirk na iniiwasan ni Aiwa..
Nang matapos tumugtog ang mga ito ay nagsilapitan sa amin. Feeling ko parang gustong tumakbo palabas ni Ai e.
"Hi Aiwa!" lumapit samin si Kelvin at inakbayan pa nito si Ai. Kasunod Naman nito Ang iba pa.
"Uh, Hi.." bati din dito ni Ai
"Hey, hands off." Lumapit din si Haniel sa mga ito, parang gusto Kong kiligin , sinabihan lamang ito ni Kelvin ng possessive.
Aiwa's blushing. Kaya kinurot ko ito ng bahagya sa tagiliran nito. Haba ng hair ng bruha.
Kaya pala si Dirk ang natugtog sa rhythm kanina ay dahil wala pa si Pius, late na Naman daw..
Nagdala ng merienda para sa mga bisita Ang katululong nila Ai, nakikain din kami syempre.
Nag excuse samin si Aiwa dahil may tumawag yata sa phone nito.
"Who's that?" narinig kong tanong ni Kai kay Aiwa.
"Ah ka workmate namin ni Cait Kuya."
"Si Neon?" singit ko
"Bakit naman tumawag sa'yo?" muling Tanong ni Kai dito. Echusero talaga.
Napatingin tuloy lahat Kay Ai parang nag aantay din ng sagot nya.
"Hoy ano ba! Alam mo ikaw sandok, kaya di magkaron ng lovelife ang best friend ko dahil sa kagaganyan mo." inis ba baling ko dito. Balak pa yata kasing gisahin si Aiwa.
"So you mean, manliligaw ba ni Ai yung tumawag?" Ang kulet talaga nitong Kai na 'to sarap sabunutan!
"What? No!" halos nagpapanic na sagot naman ni Ai.
"Good, bawal ka pang mag boyfriend Ai-"
"Alam mo ikaw kontrabida ka talaga sa lovelife ni Aiwa, palibhasa Kasi wala ka pang nagiging girlfriend yata. Pero meron nga pala no, yung artista?"
Nagtawanan naman ang mga kabanda nito sa sinabi ko.
"Aba't! bakit ikaw ba nagka boyfriend na ha? Malamang sa malamang wala din dahil wala Naman magkakagusto sayo." ganti nito sakin
"Hoy, f.y.i! kapal mo ha, may nanliligaw sakin at malapit ko ng sagutin! Bitter ka lang!"
Kita ko pa ang tawang pilit na pinipigilan ni Ai She knows me very well.
Natigilan si Kai sa sinabi ko, pero muli din Naman nakarekober at nagsalita.
"Kawawa naman, no choice na siguro yung sinabi mong manliligaw sa'yo." ayaw talaga nitong patalo.
"Tss. Inggit ka lang kaya pati si Aiwa ayaw mong magka lovelife."
"Bata pa si Ai kaya bawal pa-"
"Turning 22 na sya, so di na sya bata, ikaw palibhasa gurang ka na." Nagtawanan Naman Ang mga kabanda nito dahil sa sinabi ko.
"Ikaw na babae ka sumusobra kana-"
"Hi guys! Sorry na late ako may emergency kanina e."
Sakto Namang dumating na si Pius. Saved by the bell!
"Pasaway ka talaga bru, ginagalit mo na Naman si Kuya" bulong sakin ni Aiwa.
"Nakakainis Kasi e, masyadong kontrabida."
Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap ni Kai sa gawi namin. Marites talaga, Akala siguro nya kung ano na naman pinag uusapan namin ni Ai.
Lumabas na din kami ng studio dumating na rin Kasi yung sundo ko.
Nagpaalam na ako Kay Aiwa na uuwe na.
May event today sa Mansion ng mga Arevalo, at nagpapatulong sa akin si Aiwa para mag ayos sa mansion.
Before lunch palang ay pumunta na ako dito. Nakikitulong kami sa paglalagay ng mga decorations at mga halaman at bulaklak sa paligid.
Good thing na wala ang asungot na si Kai dahil panira lamang ng araw ko ang lalaking 'yon.
"Kamusta naman pakitungo sa'yo nung Dirk na yun" I ask Aiwa out of nowhere.
Luminga linga Naman ito sa paligid to make sure na walang nakakarinig sa kanya.
"Ganun pa rin, napakasungit nya sakin bru."
Kinuwento din sakin ni Aiwa ang ginawa nitong pagpapaalis sa kanya sa swing, pati ang pagsabi nitong wag syang tatawaging Kuya.
The nerve of that guy! Mas ok pa ang ugali ni Kai sa kanya ha?
Kung ano ano pa ang pinag usapan namin ni Aiwa hanggang sa sumapit na nga ang gabi kung kailan ay magsisimula na ang event. Welcomeback Party daw for Dirk.
Nag aantay kami ng mga papasok na bisita ni Aiwa dito malapit sa entrance ng gate, busy pa Kasi si Tita Kath kaya kami muna ang inutusan nya para mag estima at bumati sa mga bisitang dumarating.
Almost 7 pm na ng mamataan naming padating na sina Kai at ang buong banda nito.
Pero kanina pa naman naka set up ang mga instruments na gagamitin nila mamaya.
"Hi Aiwa cutiee!" bati ni Kelvin kay Ai sabay akbay pa dito.
I even saw Ai and Haniel exchanging their smiles.
"Kow katam-es!" dagdag asar pa ni Kelvin sa dalawa.
Tinapik Naman ni Kai ang kamay ni Kelvin na nakaakbay pa rin pala Kay Aiwa.
"Hands off Valderama!" utos nito Kay Kelvin
"Ba mukang tao ka yata ngayon bansot ah?" baling naman nito sakin na nakangisi pa.
"Tss. Ikaw, muka ka pa ring sandok! May pa hikaw hikaw ka pa? bakla ka ba?" segunda ko Naman dito
Nagtawanan ang mga ito.
"Bakla ka daw dude?" si Rhayvid
"Bat mo alam? bakla nga yan." sumakay din si Pius sa pang aasar ko dito na lalong ikinatawa ng mga kabanda nito.
"Luma na yang style mo Caitlin. Sasabihan mo akong bakla para sabihin ko sa'yong baka gusto mong halikan Kita dyan para patunayan ko sa'yong di ako bakla. Gusto mo lang yatang halikan Kita e." nakangising sagot nito sakin.
Halos umusok Naman Ang ilong ko sa sinabi nito. Napaka feeling talaga!
"Hoy sandok! Ang kapal ng muka mo, di Kita type no! At wag ka feeling na gusto Kong magpahalik sa'yo dahil may boyfriend na 'ko!" pagigil na sabi ko dito.
Sarap hambalusin!
Natigilan naman ito sandali sa sinabi ko.
"A-anong sabi mo? Boyfriend? May boyfriend ka na?" di makapaniwalang tanong nito.
"Oo! So dream on! As if gusto Kong magpahalik sa'yong sandok ka! Cheh!" Then I walked out.
Walang lingong likod ko silang iniwan don.
Bwiset kasing lalaki yan nakakapag sinungaling tuloy ako. Lakas Kasi mambwiset e!
Naglakad lang ako ng naglakad. Pesteng Kai ka talaga.
Napansin ko nalang na andito na ako sa may swing. Sa favorite spot ni Aiwa dito. Naupo ako don.
Pero ilang saglit lang ay biglang dumating ang damuhong si Kai na magkasalubong pa ang mga kilay.
"Ano ba! Umalis ka nga dito panira ka ng moment!" Singhal ko dito.
"Totoo ba?" seryosong Tanong nito
Kunot noo ko itong tiningnan.
"Alin Ang totoo ba?" Sa dami ko kasing sinabi dito , diko na alam kung alin Ang tinutukoy nya
"Na may boyfriend kana ?"
Napanganga ako sa tanong nito literal.
"Oo, at ano Namang pake mo?"
Nanlaki Ang mga mata ko ng bigla nalang ako nitong hilahin sa aking batok at halikan sa aking mga labing nakaawang pa dahil sa sobrang gulat.
What the hell??!