"Bastos!" agad kong itinulak si Kai at sinampal ito!
Halos maiyak ako, that was my first kiss! Ang iniingat ingatan kong first kiss!
Hinimas naman nito ang pisngi nitong tinamaan ng sampal ko.
"Ang kapal ng muka mong nakawin ang first kiss ko bwiset ka!" nilapitan ko pa ito at pinaghahampas pero sinasalag lang naman nito iyon at tila proud na proud pang tumatawa.
"You should be happy then, dahil ako ang first kiss mo." Nang aasar na sabi pa nito.
Halos maiyak ako sa sobrang inis ko dito, kung nakamamatay lang ang titig ay baka kanina pa ito bumulagta sa harap ko.
"Ang kapal talaga ng muka mong sandok ka! Never kong pinangarap na maging first kiss ka!
that's for Tyrone!" gigil na bulyaw ko dito.
"Tyrone?" humalakhak pa ito "Di ko akalaing wala ka palang taste, e mukang bakla nga yon e."
"Ikaw ang bakla! napaka feeling-" di ko na namab natapos ang aking sasabihin ng bigla na naman ako nitong hawakan sa batok ang halikan,.
This time mas agresibo ito at mas tumagal ang halik na yon kahit pa itinutulak ko ito, sadyang ang lakas nya.
Nang bitawan nya ako ay muli ko sana syang sasampalin pero nasangga nito iyon at nahawakan ang kamay ko.
"Your lips are addicting and sweet, I'll be tempted to kiss you again so tigilan mo na yang pagsusungit mo sakin." he smirk.
Kanina pa nagsisimula ang party kaya naman kahit gustong gusto kong bugbugin ang walangyang Kai na yon e nagpigil ako.
"Damn you! May araw ka rin sakin!"
Iniwanan ko ito sa may swing, I heard him laugh kahit malayo na ako dito.
Pero ang impakto talagang sumunod pa.
Naupo ako sa tabi ni Cait at bakas ang pagtataka sa muka nito ng makita nyang sambakol ang muka ko.
"San kayo galing?" tanong Ai
"Dyan lang sa may swing bru kaso may epal, asungot talaga!" sabi ko na tiningnan pa ng masama ang bwiset na si Kai
Pero makapal na yata talaga ang muka ng Kai na 'to dahil nagawa pang maupo sa tabi ko habang nakangisi.
Sarap sapatusin! Leche talaga!
"Ako na kukuha ng food naming dalawa." anito na nakangising aso pa rin.
Tumayo na ito at sinundan ko pa ng masama kong tingin.
Pagbalik nito ay halos mapanganga ako sa dami ng pagkaing nilagay nito sa pinggan ko.
"What do you think of me? A pig?" inis na singhal ko dito. Anong palagay nya sakin patay gutom?
"Para tumaba ka ng konti." May mapang asar na ngiti na naman ito.
"Abat-"
"Hep, kumain na muna kayo maya maya mag start na ang para sa performance nyo Kuy ." awat ni Ai samin.
Pasalamat talaga ito at nakakapagpigil pa ako!
Sarap tusukin ng tinidor talaga at todo ngisi pa rin ito sa akin. Magnanakaw naman ! Magnanakaw ng first kiss!
Maya maya pa ay tinawag na nga ang grupo nito para tumugtog sa stage, Mayabang pa itong kumindat sa akin bago pumunta sa stage na naroon.
Nagsimula na ngang tumugtog ang mga ito.
"Ang ganda talaga ng boses ni Kuya no bru?" ani Ai
"Tss. Maganda nga, mayabang naman."
"Palagi nalang kayong nagbabangayan, baka mamaya kayo ang maglatuluyan." dagdag pa nito
"Never! Mas bet ko pa si Kelvin kesa sa kanya!"
"Ibig sabihin si Kelvz na ang crush mo?" tila gulat pa na tanong nito sakin
"No, What I'm trying to say is mas magugustuhan ko pa si Kelvin kesa sa kanya, Palagi nyang pinapakulo ang dugo ko!"
Tinawanan pa ako ng bruha sa sinabi ko.
Pero in fairness talaga, dahil maganda talaga ang boses ng sandok na 'to, walang duda don. Nagtitilian pa nga ang ibang bisita e, nagfa fan girling sa party hahaha.
Tumingin ako sa stage kung san sila tumutugtog. I saw him staring at me. He even smirked! I rolled my eyes literally! He's so conceited! Grrr.
Nang matapos tumugtog ang mga ito at naupo na ulit sa table namin ay nagulat kaming lahat ng i announce ng host na magkakaron daw ng isa pang performer as surprise performance kay Dirk and it's no other than Aiwa!
I can literally see how shock my best friend were.
"Alam mo ba 'to Ai?" I heard Kai ask Aiwa. Kahit naman kasi ubod ng kulit at yabang tong si Kai ay over protective ito kai Ai.
"N-No Kuya.." Halata ang takot sa boses ng bff ko.
Tinawag na ulit ng host ang pangalan ni Ai para umakyat sa stage. Nag ngingitngit ang kalooban ko, I looked at that dork and he's even smirking looking how my bestfriend tensed out.
He's a f*****g asshole!
"K-Kuya anong gagawin ko?" I feel pity for my friend. I know gusto lang syang ipahiya ng Dirk na 'yon. Well kung mapapahiya nga ba nya si Ai.
May ibinulong si Kai sa kinakapatid.
"Don't give him the satisfaction na ipahiya ka. I know you can sing, proved him wrong by doing this to you."
Napangiti ako. That's the thing I like about Kai. He loves Aiwa as his own real sister. He's always there for Ai. I smile.
I know that Aiwa can sing, no! Erase that! She's actually really good at that genre, She's a very talented person. That dork, for sure will lost at this game that he started.
Hinila ni Kai si Aiwa paakyat ng stage, he even get his guitar then later on Aiwa started singing.
I look at Dirk at kitang kita ko ang gulat sa muka nya, well maging ang mga kabanda ni Kai ay nagulat din in knowing that my best friend has this very beautiful voice.
Dirk's jaw dropped! Boom! Pahiya ka no? Kala mo ha?
I look at Hans too, and he's just there staring at Aiwa, 'If only Aiwa see this idiot's reaction for sure kikiligin na naman ang bruhang yon.'
Well Haniel is her crush since we're seventeen I guess?
After that performance they went back to our sits. Kai is one proud Kuya.
The event went well.
"Bru, uwe na ako.. it's past 11, I'm sleepy na rin." Paalam ko kay Aiwa.
"Susunduin ka ba ng driver nyo?" she ask.
"No, baka mag taxi nalang ako." I stand up get my sling bag.
"Ihahatid na kita." Kai said in a flat tone.
I glared at him.
"No need! Kaya kong umuwe mag isa." Inirapan ko ito
"Highblood ka na naman sakin." May pang asar na ngiti pa ito sa labi.
"Bru, magpahatid kana lang kay Kuya." Napalingon ako ng wala sa oras kay Aiwa. if only she knew what this idiot did kanina Urgh!
"Wag na bru, gabi na rin maaabala ko pa yang sandok na yan." Pagdadahilan ko.
"Well it was just fine with me." Ngumisi pa ang walangya.
Pinaningkitan ko sya ng mata! He's really annoying! He's getting into my nerves!
"Please bru? Mas panatag ako pag hinatid ka ni Kuya, it's late na rin kasi." Oh no she uses those puppy eyes na.
"Gawd! stop that Aiwa! Fine, magpapahatid na ako!"
She hug and kissed me on my cheek.
"Take care bru, see you tomorrow!"
"Let's go!" ani Kai na pinapaikot ikot pa sa daliri ang hawak na susi.
"So How's my kiss hmmm?" Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng magsalita ito.
Ang kapal talaga ng muka nitong magtanong at ipaalala iyon sa akin.
"You even have the guts to ask ha? You asshole!" I half scream.
"Why? You don't like it?" nang aasar pang humalakhak ito.
"Alam mo bwiset ka talaga!" Pinaghahampas ko ito.
"Hey stop! baka mabangga tayo." tumatawa pa ito habang sinasalag ang paghampas ko sakanya ng aking bag.
"You jerk!"
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin, bubuksan ko na sana ang pinto saking tabi pero I can't open it. He locked the door nga pala.
Nilingon ko ito at nakangisi na naman ang siraulong Kai na ito sakin.
"Open the damn door habang nakakapagtimpi pa ako." I warned him.
"Chill Cait! Bakit ba galit na galit ka, that was just a kiss.
"That was my first kiss! and you just stole it!" nanggigigil na naman ako dito.
He smiles widely kaya lalo kumulo ang dugo ko.
"Well you're lips tastes sweet."
"Kaisser Anthony! You jerk!"
He held up his both hands na animoy sumusuko sa mga pulis.
Then I heard a click of the car at dali dali kong binuksan ang pinto ng kotse sa side ko.
"Goodnight Caitlyn Faith Evangelista, dream of me!" pang asar pa nito ng makalabas ako ng sasakyan nya.
"Dork! I hate you!" then I slamed his car door.