"Besh, okay ka lang ba talaga? Gusto mo ipasok na kita sa mental hospital dito sa New York?" tanong sa akin ni Maria. Inismiran ko siya. Inakbayan pa ako nito. "Bakit nandito ka? Di ba may halloween party kang pupuntahan?" sa halip na tanong ko sa kanya. "Aalis na din naman ako. Naradar kase nitong korona ko na kailangan mo ako. Na kailangan mo ng kausap. Bakit ba ang lungkot lungkot mo. Hindi pa ba nakaka move on?" sabi pa nito. Inirapan ko siya. Nagising kase ako dahil sa masamang panaginip ko. Iyong nakaraan. Hanggang ngayon napapanaginipan ko iyong araw na iyon. Malinaw na malinaw sa isip ko. Lahat lahat! Pati ang tunog ng baril! Malinaw na malinaw. Nagmomoment ako dito sa bintana ng apartment na tinutuluyan namin ni Maria. Ang hindi ko matake sa kanya na gustong gusto niyang suot

