Nakakailang doorbell na ako pero walang nagbubukas sa pintuan ng condo unit na tinutuluyan ni Ekang. Buti nalang ibinigay sa akin ni Maria iyong susi niya. Dahan dahan ko itong binuksan na hawak hawak ko pa rin iyong halaman na binili ko sa isang kamay ko. Maingat iyong bawat galaw ko dahil baka mamaya may tumama nalang bala sa katawan ko. Lalo na ngayon na alam kong galit na galit pa rin ito sa akin. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko iyong nagkalat na patak ng dugo sa sahig. Sa veranda nag umpisa iyong patak ng dugo. Dinagsa ako ng kaba. Napamura nalang ako ng ilang beses sa isip ko. Maingat na ibinaba ko muna iyong halaman na hawak ko. Tapos kinuha ko iyong baril sa likod ko. Sinundan ko iyong patak ng dugo hanggang sa makarating ako sa bathroom at doon nakita ko si Rizza Mae n

