Kagagaling ko lang sa laboratory dahil kinuha ko iyong resulta ng DNA sample ni Sta. Maria at ng Papa ni Emperor. Nililigalig ako ng leader namin dahil nagagalit na daw si Big Boss at wala pang resulta iyong ipinagagawa niya sa akin. Gusto kong mapasimangot dahil mukang hindi na daw maganda ang performance ko. Paano naman akong sisipagin kung ang ipinagagawa naman nila sa akin ay wala manlang kathrill thrill? Madali ko lang sana itong matatapos kaya nga lang iniisip ko si Sta. Maria. Ayokong maging wrecking ball siya sa pamilya Fontanilla. Edi sana kung gusto kong agad makakuha ng resulta agad agad, tapos ko na siya. Ako pa ba naman? Kahit kaliit kong babae matinik ako. Kita nyo naman najiu jutsu ko si Mik Mik na kalahi ni Sta. Maria. Pero may isa pa akong napansin at iyon nalang ang hi

