Maaga akong nagising kase tumawag si Pinky. Iniinform lang ako nito na napaaga daw iyong start ng pageant ni Maria para sa Binibining Pilipinas. Ikondisyon na daw namin iyong pera namin na walang iba kung hindi si Sta. Maria nga. Paano naman ang gagawin ko? Hindi ko naman macontact si Sta. Maria dahil wala nga itong cellphone. Tapos sigurado na ikukulong ito ni Doc Pogi sa kwarto dahil may pornever na nga sila. Siguradong babawi ito. Unli s*x sila ngayon. Napangiwi ako sa naisip ko. Mukang ilang araw hindi makakalakad si Sta. Maria na punong puno ng grasya.
Busangot iyong muka ko na bumalik ako sa pagkakahiga. Iyong bwusita ko ay himbing na himbing sa pagkakatulog. Bahagya pa ngang nakaawang iyong labi nito. Hindi naman siya tuloy laway.
Maliwanag naman na sa labas kaya naaninag ko na ng mabuti iyong muka niya. Napangisi ako ng makita ko na nangingitim na iyong isang bahagi ng pisngi niya. Mukang napuruhan si Mik Mik. Ang gatas na nakakasamid. Mamaya nga makabili nun. Para kapag nagkita kami nito ay may ipang aasar ako ulit dito dahil naniniwala ako na hindi ako nito tatantanan sa asaran kapag nagkita kami.
Umayos ako sa pagkakadapa sa kama ko at Nangalumbaba pa ako na pinagmasdan ito. Ang kinis ng pes niya. Napahawak tuloy ako sa sarili kong pisngi. Napanguso ako kase mukang hindi uso sa lalaking ito iyong salitang pores saka black heads and white heads. Mukang alagang Belo! Yayamanin! Kutis palang ulam na. Arghhh!
Umayos pa ako ng pagkakadapa at mas lalo itong pinagmasdan. Mahahaba iyong pilik mata niya. Matangos iyong ilong. Napahawak din ako sa ilong ko na sakto lang iyong tangos. Iyong kay Mik Mik kase ay matayog talaga na nagmamayabang. Iyong bang kapag nilagyan mo ng salamin ay siguradong walang laglag. Tapos iyong labi niya ang pula pula tapos ang nipis nipis. Masarap humalik. Hinalikan na ako, paano nga?
First kiss ko tapos siya din iyong first na nakakita kay hello kitty. Buti nalang hindi si dora iyong suot ko. Tapos ang ganda pa ng height niya pang mowdel. Anong sinabi ni Tom Cruise at Brad Pitt? Waley!
Sigurado ako na may abs din siya. Ipupusta ko si MJ. Dahil sigurado ako na ang mga ganitong klaseng lalake ay may pandesal! Pang amusalan, tanghalian at hapunan. May kasama pang pang midnight snack.
Enebeyen! Ang aga aga ang halay na ng utak ko. Nahahawa na ako sa kahalayan ni Sta. Maria! Virgin pa ako. Magagalit si MJ.
Pero Lintik talaga! Magandang lalaki talaga siya. Iyon nga lang hinding hindi ko iyon aaminin sa kaniya. Dahil sigurado matatalo ako sa asaran dito at baka magfeeling pa siya na may crush ako sa kanya. Beri Wrong! Beri wrong! Ayokong ayoko na matatalo sa asaran lalo na kapag siya ang involve.
Pero Papa yummy talaga siya. Hindi ko alam na bukod kila Emperor ay meron pang isang perfect na tao. Tama nga ang tawag sa kanila. The Big Five. The perfect five. Edi sila na!
"Gwapong gwapo ka na naman sa akin. Baka mainlove ka." He even smirked at me tapos ay tuluyan na siyang dumilat.
Mukang kanina pa siya gising at talagang nakikiramdam lang siya para makapang handa sa pamumwusit ng araw ko.
He gave me a mischievous smile. Okay na sana kaya lang nagising na naman iyong damuhong ito at mukang nakapag charge na siya para sa pakikipag asaran sa akin. Tapos nagsalita na naman.
"Huwag ganun, cutipie. Hindi pa ako nakakamove on. Sinasabi ko sayo na huwag ka munang mainlove sa akin. Not now. Masasaktan ka lang. Saka na kapag okay na ako." sabi pa nito.
Hindi ko alam kung seryoso iyong sinasabi niya o pinaglololoko na naman niya ako. Iisipin ko na crush ako nito kung hindi niya lang lagi na ipinangangalandakan na nag momove on siya. Kase ganyan iyong mga teenager sa panahon ngayon. Papansin sa mga crush nila. Aasarin kunwari pero type naman pala. Pero matanda na kaming pareho para sa mga crush crush na iyan.
"Excuse me lang ha? Wala akong pakialam dyan sa sinasabi mong kagwapuhan mo. Wala akong pake! Hindi ako mabubuhay at mabubusog niyang sinasabi mo. Panget!" saka ko siya tinalikuran.
Pero hindi siya magiging si Sta. Maria the second kung wala siyang smart comeback. Talagang trip na trip niya akong asarin. Kumbaga sa putahe ay ako ang paborito niya.
"It's a small world after all
It's a small world after all
It's a small world after all
It's a small, small world"
Kanta na naman nito sa akin. Lagi niyang nauubos iyong pasensya ko. Si Sta. Maria naman ay lagi akong inaasar pero hindi ganito ako napipikon. Pero siya! Bwusit!
Sa inis ko ay sinipa ko siya. Pero magaling talaga itong damuho na ito dahil nasangga na naman niya iyong sipa ko at nagpatuloy sa pagkanta. Inis na inis ako sa kanya. Feeling niya talaga isa akong kindergarten.
"Uy! Nakita ko na naman si Hello Kitty. Goodmorning hello kitty!" sabi pa nito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tang ina much ka talagang lalake ka! Wala ka ng ginawa kung hindi ang asarin ako simula ng magkakilala tayo! Yamot na yamot ako sayo!" inis na sabi ko dito.
Bumelo muna ako at sinipa ko siya gamit iyong isa ko pang paa. Pero magaling talaga ito dahil hawak na niyang pareho iyong binti ko. Ang awkward lalo ng posisyon namin dahil para akong sanggol na kalalabas. Inis na inis ako sa kanya ngayon.
Napasinghap ako at nanlaki iyong mga mata ko. Kase Iyong birdy niya katapat ko pa. Morning nga pala kaya may flag ceremony! Matayog na matayog iyong watawat ng pilipinas!
"Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala ng legs mo kahit mahigsi ang biyas mo." sabi pa nito.
Patay malisyang nag iwas ako ng tingin at Naghalukipkip ako kahit feeling ko ay lahat yata ng dugo ko ay umakyat na sa ulo ko.
"Huwag mong masyadong titigan ng ganyan. Baka mainlove ka sa akin. Huwag ganun. May boyfriend ako." sabi ko pa dito.
Ngumisi na naman siya sa akin at inginuso iyong tinitingnan niya. Napasinghap ako ng sundan ko iyong tinitingnan niya. Agad kong hinawakan pataas iyong laylayan ng short na suot ko dahil nakita na naman niya si Hello Kitty.
"Ay, sumilip na naman si Hello kitty sa akin! Mukang nagpapacharming!" sabi pa nito at humalakhak ng tawa.
Sinuntok ko siya sa dibdib kaya nabitiwan nito iyong isang binti ko. Pagkakataon ko na kaya sinikmuran ko na din siya.
"Kame! Hame! Wave!" sabi ko pa dito.
Bibigyan ko pa sana siya ng upper cut pero nakalayo na agad ito sa akin. Dinuro ako nito habang hawak hawak ng isang kamay niya iyong nasaktan niyang sikmura.
"You know what? Hinding hindi talaga ako magkakagusto sa lamang lupa na kagaya mo! Baka sa halip na mapatay mo ako sa sarap. Sa bugbog ako mamamatay sayo! Napakabayolente mo! Kaliit liit mong babae!" inis na sabi nito.
Iyong muka niya pulang pula sa inis.
"Mas lalong hindi naman ako magkakagusto sa engkantong kagaya mo! Kapreng mapanget! f**k you!" Binelatan ko siya at nauna na akong lumabas ng kwarto.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinila ako nito at isinalya sa kabinet na naroon. Napasinghap ako at hindi makagalaw.
"Sinasabi ko sayo na huwag na huwag mo akong matawag tawag na panget. Kung hindi hahalikan ulit kita." banta nito.
Taas noo ko siyang tiningala at ngumuso.
"Sige hayan! Halik na! Kunwari ka pa! Aminin mo na kase na type mo lang ako. Mukang ikaw yata ang nagpapacharming sa akin! Ano na? Ikiss mo na ako? Oh ha! Oh ha! Mukang naliliitan ka yata sa akin?" maangas na tanong ko dito. Pero iyong dibdib ko parang may nagkakarera sa bilis ng t***k.
Natahimik ako ng makita kong seryosong nakatitig ito sa akin. Tapos iyong muka niya unti unting lumapit. Tapos hinaplos niya pa iyong pisngi ko.
"Napakatalas ng dila mo para sa isang maliit na babae." he even smirked. Tapos inayos nito iyong gulo gulo kong buhok.
"Maganda ka naman sana iyon nga lang masyado kang taklesa. Kaya ang dapat sa iyo tinuturuan ng leksyon."
Akmang magsasalita ako ng pigilan nito iyong pagsasalita ko gamit iyong hintuturo niya.
"Hssst! Don't say a single word." sabi nito.
Nanlaki iyong mga mata ko ng dahang dahang bumaba iyong muka niya. Napapikit nalang ako kase. Tang ina much! Hahalikan na naman ako nito. Hindi ako ready! Huwahhh!
Pero napadilat ako ng tumawa ito ng malakas. Halos umusok iyong ilong ko sa asar dito lalo na ng magsalita na naman siya.
"Bakit ka nakapikit, cutiepie? Akala mo ba hahalikan kita? Tsk! Inabot ko lang itong wallet ko. Sinasabi ko na nga ba ikaw itong nakakuha ng wallet ko. Ikaw ha? Masyado kang nagpapahalata na type mo Ako. Anong sabi ko sayo? Masasaktan ka lang." sabi nito at tumawa na naman.
Sinipa ko siya sa tadyang at siniguro ko na hindi niya iyon maiiwasan. Napadaing ito. Tapos katakot takot na mura iyong sinabi niya.
"f**k you!" sabi ko nalang at nilayasan ko siya sa kwarto.
Nakasunod naman ito sa akin. Isa rin siya sa mga lalakeng pahopia! Ang pambansang mirienda ng mga kababaihan.
"Naku, ikaw na kutong lupa ka. Kung hindi ka lang sexy!" bubulong bulong ito pero hindi ko naman maintindihan iyong mga sinasabi niya.
"Lumayas ka na nga dito at maglilinis pa ako sa kalat na ibinigay mo sa akin kagabi. Buhat ng nakilala kita wala ka ng ibinigay sa akin kung hindi sakit sa ulo." sermon ko dito. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Anong gusto mong ibigay ko sayo? Anak?" tanong nito.
Sa inis ko ay binato ko siya ng tsinelas ko na nasalo nito. Kung mafafall kaya ako? Sasaluhin niya rin kaya ako?
Ipinilig ko iyong ulo ko ng dahil sa kalokohan na pumapasok sa isip ko. Can't be barrow one! Tulad ng laging sabi ni Sta. Maria.
Napasimangot na naman ako ng makita ko na sinipat sipat niya iyong tsinelas ko. Sigurado may ipang aasar na naman siya sa akin.
"Cutiepie, ano ba itong tsinelas mo? Tsinelas ng bata? Bakit si Elsa naman itong nakadrawing? Iyong panty mo si Hello Kitty, tapos itong tsinelas mo Disney? Iyong totoo? Kindergarten ka ba talaga o tumatanda ka lang ng paurong?" maang na tanong nito.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil naistress ako sa kakatanong niya sa mga bagay bagay. Lalo na iyong imention niya pa iyong panty ko. Grabeh talaga siya?
"Gusto mo bigyan din kita ng hello kitty? Mukang type na type mo?" inis na tanong ko dito.
Tumawa lang siya tapos ay nagdiretcho sa kusina ng condo. Maang na sinundan ko nalang siya.
"Makikigulo na ako dito sa kusina nyo." sabi niyo at nag umpisa ng iransak iyong kusina namin.
"May magagawa pa ba ako nandyan kana. Palitan mo lahat ng gagamitin mo. Wala akong pera." sabi ko pa dito at naupo ako sa kitchen chair na naroon at pinagmasdan ko siya.
Tuloy iyong laway ko ng isuot nito iyong pink apron ni Maria na may lace lace pa. Pero bakit kay Mik Mik ang hot niyang tingnan. Muntik na nga akong malaglag sa kinauupuan ko ng kindatan pa ako nito. Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. Tapos tinawanan niya lang ako.
"Pati ba naman itong apron nyo kulay pink? Tapos si Barbie naman ang drawing. Iyong totoo cutiepie, mga bata ba iyong nakatira dito?" patuloy na tanong nito.
Hindi ko siya pinansin kase nakakapaglaway iyong hotness niya habang naka apron. Tang ina! Kung chef siya baka siya ang tagurian hottest chef in the world.
Sa kakatitig ko pala sa kanya ay nakayari na siyang magluto. Pero iyong pag titig ko palang sa kanya ay nabusog na ako. Tapos parang may slow motion na lumapit siya sa akin at nakangiti. Parang nagkaroon ng rainbow sa background niya.
Okay na sana e. Iyong may background music pa ni Kim Chui. Kaya lang nasira iyong music ng magsalita na naman ito. Tapos itinikop iyong nakaawang ko na palang bibig.
"Hoy! Iyang bibig mo baka mapasukan ng masamang hangin. Lalong hindi ka lumaki." iiling iling na sabi nito at naupo sa tabi ko at nagumpisa na siyang kumain.
Ako naman ay hindi pinansin iyong pang aasar niya at nakatingin lang ako dito. Kase iyong titigan ko palang siya busog na talaga ako. Napatigil siya sa pagkain at nginitian ako. Iyong ngiti niya napalitan ng ngisi. Tapos humirit na naman siya.
"Gwapong gwapo ka talaga sa akin. Umamin kana. Crush mo ako hano?" he even wiggled his eyebrow.
Iyong muka ko nalukot sa sinabi nito. Inirapan ko siya at nag umpisa na rin akong kumain.
"Huwag mo akong kausapin baka hindi ako lumaki." inis na sabi ko dito. Tumawa lang siya sa sinabi ko.
Napahinto ako sa pagkain ng matikman ko iyong pagkaing iniluto niya kase ang sarap. As in! Promise! Kasing yummy nung nagluto. Kaya siguro binababy boy ito ni Maria kase masarap siyang magluto. Patay gutom pa naman iyon kaya magka eating buddy sila ni Hermes. Mga PG!
Mukang nasiyahan siya sa reaksyon ko dahil umayos pa ito ng upo at ngiting ngiti sa akin.
"Masarap?" tanong pa nito.
Hindi ako kumibo kase kapag pinuri ko siya sigurado yayabang na naman siya ng todo.
"Saan ka natutong magluto?" sa halip na tanong ko dito.
"I'm a chef. Kaya sanay akong magluto." mayabang na sabi nito.
Muntik na akong masamid. s**t lang! Ibig sabihin siya na ang mag mamay ari ng titulong hottest chef in the world. Ay! grabeh siya oh?!
"Hindi mo alam?" inis na tanong nito.
Umiling ako kaya nalukot iyong gwapo niyang muka at napapalatak pa. Mukang isang krimen na hindi ko alam na isa siyang magaling na chef.
"Pagkatapos nito lumayas kana!" masungit na sabi ko dito.
Sa halip na maofend siya ay tinawanan niya lang ako. Hindi na kami nag imikan hanggang sa makayari kami sa pagkain. Ayoko nalang iyong nagligpit ng pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ako ay alam kong hindi pa siya umaalis kase ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Hinarap ko siya kaya huling huli ko na titig na titig siya sa akin. Patay malisya siyang nag iwas ng tingin. Inismiran ko siya.
"Umalis kana. May pasok pa ako sa botique ni Miss Cassandra saka sa school! Huwag mong sirain ang buong araw ko." inis na sabi ko sa kanya.
"So, isa ka pala sa mga empleyado ni Cassandra. Pero sa pagkaka alam ko tapos ka ng mag aral." sabi nito. I sighed.
"Kailangan lang para maitago ang tunay kong pagkatao. Siguro naman alam mo rin kung anong klase ng trabaho meron ako." sabi ko dito at ipinagpatuloy ko iyong ginagawa ko.
Laking pasasalamat ko ng hindi na ito nagtanong.
"Hihintayin na kita. Hatid kita sa botique." sabi pa nito.
"Huwag na. May motor ako." ismid ko dito.
"Anong motor mo? Iyong di battery? Iyong tinatapan para umandar?" pang aasar nito.
"Bakit ba hindi ka pa umalis?" inis na tanong ko dito.
Sumandal pa siya sa pader tapos ay humalukipkip.
"Saka na kapag napaiyak na kita sa pambubully." sabi pa nito.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kaya nagtaas lang siya ng dalawang kamay tapos napamaang ako dito nang para siyang penguin na maglakad palapit sa akin tapos sabay kanta ng.
"Bulilit bulilit ang liit liit!" kanta nito.
"f**k you ka talaga!" inis na napapadyak pa ako.
"Ang cute mo kase. Kamuka mo iyong si Cha Cha sa isang commercial sa tv. Magkasing height kayo." sabi pa nito.
"Gago ka! Hindi ako ganun kaliit!" inambaan ko siya ng suntok.
Pero hinawakan niya lang iyong kamay ko tapos hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi. Saglit lang iyon. Hindi ako nakaimik sa pagkabigla.
"Bye bulilit liit!" Tinitigan niya ako saglit tapos kumindat pa siya.
Tapos lumakad na naman siya na parang si Cha Cha doon sa commercial at kumanta na naman siya ng
"Bulilit, bulilit
sanay sa masikip
kung kumilos, kumilos
ang liit liit
bulilit...
kung kumilos
ang liit liit
Bulilit bulilit ang liit liit!"
Kanta niya habang palabas ng condo ko.
"Tang ina ka talaga! Mamatay kana!" tili ko.
"Hala! Nagmura ka na naman. Iyong mata ng guardian angel mo magang maga na kakaiyak!" hirit pa nito.
Napapadyak nalang ako sa pagkainis dito. Ito naman ay tawa ng tawa habang palabas ng unit.