"MJ! MJ! MJ!" tawag ko sa pangalan ng cactus ko habang papasok ako sa loob ng unit ng condo na tinutuluyan namin ngayon ni Maria.
"Tang ina! Mj! Bakit ayaw mong sumagot!" inis na tanong ko ng makapasok ako sa kwarto ko.
Napangisi nalang ako sa kalokohan ko dahil hindi nga pala ito sasagot kase halaman lang siya. Isang mapag pang ganap na halaman ayon kay Sta. Maria.
"MJ, si Sta. Maria may forever na may pornever pa! Hinakot niya iyong award. Mga Pbb Teens kanina sa baba. Tapos iyong kapre, hinalikan ako! Huwahh! MJ iyong first kiss ko wala na! Kinuha na ng engkanto!" napapadyak pa ako sa inis at inalog alog ko iyong maliit na paso na pinaglalagyan ni MJ.
"Laman lupa na nga ang tingin sa akin ng mga tao dahil sa height ko kukuha pa ba naman ako ng kauri ko? Ano ito pandak saka higante? Relationship goal? Tae nila! Don't me! Beri wrong! Beri Wong!" Ipinilig ko pa iyong ulo sa nangyayari sa akin.
"Iyong si Sta. Maria, nag uumpisa na siguro sila ni Doc Pogi na magdyugdyugan! Mga walang puso! Iniwan nila akong mag isa dito sa condo ko! Utang na loob Lord! Bigyan nyo rin naman ako ng bonus!" sabi ko pa.
Napahinto ako sa kabaliwan ko ng may kakaiba akong kaluskos na narinig na alam kong nagmumula sa living room ng condo. Naging alisto ako. Agad kong itinago si MJ sa isang safe na lugar. Pagkatapos ay kinuha ko iyong glock 43-9mm kong baril na nasa kailaliman ng damitan ko. Agad kong ikinasa iyon at kinabitan ng silencer. Walang akong kaingay ingay na lumabas ng kwarto.
Tama nga ang hinala ko mukang may talipandas ngang pumasok dito. Sigurado ako na hindi kay Maria o kay Doc Pogi ang nagmamay ari ng mga yabag na iyon. Agad kong pinatay iyong switch ng ilaw sa buong unit kaya binalot ito ng dilim. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay iyong ilaw na nang gagaling sa labas ng bintana.
Mas lalo akong naging alisto ng marinig ko na nagmura iyong intruder. I smirked! Mukang mali yata siya ng pinasok na condo unit dahil ako si Rizza Mae ngayon. Hindi si Ekang ang siraulong kaibigan ni Maria. Buti nalang at wala si Sta. Maria dito kaya mailalabas ko ang tunay kong katauhan.
Maingat akong lumapit dito ng walang kaingay ingay at tinutukan ko ito ng baril sa ulo. Medyo alangan kase ang tangkad niya pala. Napangisi ako ng manigas ito sa kinatatayuan niya.
"Who the f**k are you?!" I hissed. Pero hindi manlang ito nagsalita o gumalaw manlang.
Mukang mangangawit iyong kili kili ko sa pagtutok dito ng baril. Pero ang bango niya, infairness. Amoy macho at gwapo. Amoy yummy.
Pero dahil sa kalanturan ko, hindi ko inaasahan ang gagawin nito. Dahil tinabig nito iyong baril na hawak ko kaya ito tumilapon sa kung saan.
Muntik na akong hindi makaiwas sa sipa nito kung hindi ako nakayuko agad. Tang ina! May advantage din pala ang maliliit. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay ako naman ang nagpaulan ng suntok at sipa dito pero lahat ng iyon ay nasasalag lang nito. Mukang hindi basta basta itong kalaban ko dahil sanay din ito sa dilim. Advantage pa na sobrang laki nito sa akin. Ang haba kase ng biyas niya. Talagang may dis advantage iyong maliliit! Putcha! Kinapos sa cherrifer! Hindi pa kase noon uso iyon. Hanggang star margarine lang ako.
"Putang ina mo! Sino ka ba?!" Inis na tanong ko habang nagpapalitan kami ng suntok at sipa sa isa't isa. Pero hindi naman ito kumikibo.
"Ikaw?!" gulat iyong boses nito at napahinto siya sa pagsuntok sa akin.
Ako din ay biglang napahinto ng parang pamilyar iyong boses niya. Pero ipinilig ko iyong ulo ko at agad ko itong sinugod. Hindi pwedeng madistract ang s*x appeal ko ngayon sa gitna ng labanan. Ayoko pang mamaalam sa mundong earth. Virgin pa ako saka kawawa naman si MJ hindi pa niya nakikilala iyong kaforever niya.
"Stop it!" sabi nito habang sinasalag niya iyong mga sipa at sutok ko.
"Gago! Hindi mo ako malilinlang! Asshole!" sabi ko at jiu jitsu ko ito.
"Damn it!" he hissed ng mapahiga ito sa sahig.
Inipit ko sa magkabilang hita ko iyong katawan niya tapos inipit ko naman iyong leeg niya sa braso ko. Nagpapapalag ito. Akala niya siguro makakaya niya ako. Small but terrible kaya ako.
"Sinong nag utos sayo?" seryosong tanong ko dito.
Dahil malakas ang kutob ko na isa siya sa gustong magpapatay sa akin. Hindi ko na hahayaan na maulit pa ang nakaraan na may madamay pa na ibang tao dahil lang sa akin.
"D-damn it! W-what....are...you...talking about?" tanong pa rin nito habang ipit ipit ko pa rin iyong leeg niya sa braso ko.
Mas hinigpitan ko iyong pagkakaipit dito kaya mas lalo itong nagpapalag. Handa ko na sana siyang patayin ng magliwanag iyong buong paligid at magsalita iyong nakakakilabot na boses.
"What the hell Ekang!?"
Nang lingunin ko kung sino iyon ay walang iba kung hindi si Hermes. Agad itong lumapit sa akin at inilayo ako ng sapilitan sa kabuno ko. Pero hindi ako paawat. Mas diniinan ko iyong pagkakaipit ko sa leeg niya.
"Stop already!" He hissed at hinila ako nito palayo.
Napangisi pa nga ako ng marinig ko na napaubo ubo pa iyong kalaban ko. Napailing at napapalatak nalang si Hermes. Nagmuka na naman akong unano dahil nakatabi ko itong super hot kong amo. Tinaasan ako nito ng kilay ng makita niya siguro na titig na titig ako sa kanya. Patay malisya akong nag iwas ng tingin at bahagyang lumayo dito. Ito naman ay nilapitan iyong tao na kaaway ko at agad na tinulungang makatayo.
"Okay ka lang?" tanong pa nito.
Hindi ko makita iyong muka ng kaaway ko dahil nakatalikod ito sa akin.
"Damn it! Muka ba akong okay, Hermes? Akala ko katapusan na ng lahi ng mga Cruz sa akin!" he hissed.
Napangisi ako ng malawak dahil talagang katapusan na niya kung hindi dumating si Hermes. Ang bag ni Jinky na nag uumapaw sa s*x appeal.
"Who the hell-" hindi na nito naituloy iyong sasabihin ng humarap ito sa akin.
"Ikaw!" sabay naming bulalas sabay turo sa isa't isa.
Napamura na naman ito ng makailang beses. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko ng makilala ko itong muntik ng makipag meet sa kumpare ni Maria na si San Pedro. Ito iyong engkanto na nang halik sa akin sa ibaba, na nagkataon na isa rin pala sa mga kaibigan nila Emperor at Hermes. Dinuro ko siya. Gusto ko siyang ihawin ngayon at gawing sisig.
"Tang ina mo! Dapat pala tinuluyan na kita ng matapos na ang lahi mong hayok ka!" inis na sabi ko dito. Dahil naalala ko na naman kung paano nitong nakawin ang first kiss ko.
Ito naman ay parang tuwang tuwa pa sa pagkainis ko at nagawa pa akong ngisihan at kindatan kahit na may iniinda ito. Isa rin siyang malandi! Si Hermes naman ay ngingisi ngisi lang sa tabi nito.
"Kung hindi lang ako pinigilan ni Herme-"
"Wow! Close kayo? First name basis talaga?" pang iinis pa nito.
Natameme ako. Oo nga pala at hindi niya kilala ang buo kong pagkatao. Kahit pala magkakaibigan sila may mga hindi rin sila sinasabi sa isa't isa. At mukang kasama ako sa isa sa mga lihim na iyon.
"Oh, eh. Ano naman? Ako iyong nawawalang nanay niyang si Hermes. Kaya Hermes lang ang tawag ko. Kaya rin kami close." palusot ko. Sumimangot naman ito sa sinabi ko.
"Nanay? Muka ka ngang nawawalang bata sa ampunan sa height mo. Tapos anak mo pa si Hermes? Sus! Walang maniniwala sayo. Kaliit liit mong babae. Ni hindi ka nga umabot kahit sa kilikili niya." patuloy na pang aasar nito sa akin.
"Ouch! Damn it!" daing nito at hinilot hilot iyong leeg niya.
Napahagikgik nalang ako dito at binelatan siya. Pumalatak ito.
"Makakaganti rin ako sayo Rizza Mae Pascual." sa pagkakataong ito ay ito naman ang tumawa sa akin.
Ako naman ay napatayo ng diretcho at sumeryoso. Mukang mali ang hinala ko na may itinatago dito si Hermes at Emperor. Mukang lahat silang magkakaibigan ay alam na ang tungkol sa buong pagkatao ko.
Seryoso akong napatingin kay Hermes na nakatitig rin pala ngayon sa akin at mukang hinihintay talaga ang reaksyon ko. Agad kong pinulot iyong baril ko at itinutok dito sa Mikhael James Cruz na ito.
"Isang banggit pa sa tunay kong pangalan. Kahit nandito si Hermes, hindi ako mangingimi na pasabugin iyang bungo mo. Hindi ka maililigtas ng nakakasilaw niyang s*x appeal." seryosong sabi ko dito.
Ngumisi lang siya sa akin at dumekwatro pa. Si Hermes ay iiling iling na dinampot iyong nag iisang mansanas sa lamesita. Patay gutom talaga ang isa sa mga amo ko.
"Staring is rude Riz-" hindi ko na pinatapos sa sasabihin niya ito ng paputukan ko iyong vase na nasa tabi niya.
Pero hindi manlang ito natinag sa kinauupuan niya at hindi manlang kakabakasan ng takot. Mukang tuwang tuwa nga siya sa nangyayari. Nakipag high five pa ito kay Hermes.
"Huwag mo kaseng inaasar, Mik Mik. Hindi ka niyan sasagutin. Hindi ganyan ang tamang panliligaw." sabi ni Hermes at nagtawanan silang dalawa.
Tingnan mo itong amo ko, marunong din palang tumawa. Hindi puro pagkain ang alam.
"Wala ka pa ring reaksyon? Poker face lang? Lady Gaga ikaw ba iyan?" tanong pa nito sa akin at nagtawanan na naman sila.
I smirked. Mukang may Sta. Maria sa katauhan nitong Mikhael James Cruz na ito. Napabusangot ako. Mukang hindi naman nito sineseryoso iyong pagbabanta ko sa kanyang buhay. Napapalatak ako.
"Kung unahin ko kaya si Emperor?" nakangising tanong ko dito.
Muntik na akong mapaatras ng magbago iyong reaksyon nilang dalawa. Iyong tawanan nila kanina ay nauwi sa seryosong tingin sa akin. Mukang mali yata ako ng sinabi. Feeling ko nag aapoy iyong paligid at mag lalabas sila ng asul na apoy katulad ni Goblin at sasaksakin ako ng espada. Tapos susunduin ako ni grim reaper. Huwahhh!
"Choss!" sabay bawi ko.
Ayoko naman kaseng mamaalam sa mundong ibabaw. Para lang namang inaasar ko si Mik Mik na ito, pero sumali rin si Hermes. Kaya akala ko hihilahin na nila akong dalawa sa ilalim ng empyerno. Mukang si Emperor ang magic word sa kanila. Napangiwi ako ng seryoso pa rin silang nakatingin sa akin.
"Joke lang kase! Haler?" sabi ko pa at namewang pa ako sa harapan nila.
"Don't say that again." seryosong saway sa akin ni Hermes. Napalunok ako.
"Kung ayaw mong mamaalam ng maaga." seryoso ring sabi ni Mik Mik sa akin at itinuro iyong dibdib ko.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Mas lalo akong napalunok ng makita ko iyong pulang ilaw na nakatutok sa tapat ng puso ko. I sighed. Mukang mali talaga na isama sa biro ang mahal na emperador. Padabog akong naupo sa harapan nilang dalawa at hinagis ko lang sa tapat nila iyong baril ko.
"Ibiro mo na ang lahat huwag lang ang Emperador!" sabi pa ni Mik Mik at nagtawanan na naman sila.
Nagtataka ko lang silang tiningnan. Mukang hindi naman ako ang sira ulo sa amin dito. Mukang sila pa ngang dalawa. Partido pa wala dito iyong si Emperor at si Gabriel yata iyon. At mukang tama nga ako. Nagkaroon ng Sta. Maria the second sa katauhan nitong Mikhael James Cruz na ito.
"Akala ko si Sta. Maria lang ang baliw. Pati pala kayo." bulong ko.
Pero mukang narinig nilang dalawa dahil kakaiba iyong ngiti nila sa akin. Lalo akong napakunot ng nuo ng biglang kumanta si Mik Mik ng:
It's a world of laughter, a world of tears
It's a world of hope and a world of fears
There's so much that we share, that it's time we're aware
It's a small world after all
It's a small world, it's a small world
It's a small world, it's a small world
"Bakit mo ako kinakantahan niyan?" inis na tanong ko sa kanya.
Ngumiti pa ito ng tinatawag nilang makalaglag panty. Kaya napahawak ako sa sofa dahil feeling ko pilit na hinihila pababa iyong suot kong underwear.
"Bagay kase sa iyon." sabi pa nito.
Gusto kong kiligin pero ipinilig ko iyong ulo ko kase kilala ko ito. Isa rin itong mapang asar na engkanto.
"At bakit?" hamon ko dito. Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Muka ka kaseng kinder garten. Bagay na bagay sa iyo." sabi pa nito at nagtawanan na naman sila ni Hermes.
"Aba'y putang ina much ka pala!" inis na sabi ko dito.
Aabutin ko sana ulit iyong baril ko ng sipain nito iyon palayo at pumalatak pa sa akin.
"Huwag ganun, cutiepie. Nakakabawas ng kacutan iyang masyado kang pikunin. Sige ka, baka mabawasan iyang hinaharap mo." patuloy na pang aasar nito sa akin.
Binato ko nga siya ng throw pillow na nahawakan ko.
"Ano ba kaseng ginagawa nyo dito? Wala naman dito si Sta. Maria. Nag uumpisa na siyang gumawa ng pornever kasama si Doc Pogi." sabi ko sa kanilang dalawa. Nakita ko pang napangiwi si Hermes.
"Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko." sabi nito at basta nalang umalis.
Napanganga ako at nasundan ko nalang ng tingin si Hermes.
"Lintik naman? Anong gagawin ko sayo?Wala naman akong mapapala sayo kung hindi sakit ng ulo." inis na tanong ko sa kanya.
"Baka anakan kita dyan kaya tumahimik ka muna." sabi pa nito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
"Asus! Kung ikaw lang din naman ang magiging ama ng mga anak ko. Hoy! Huwag nalang! Hindi ko pinangarap makapag asawa ng kapre na kagaya mo. Lumayas layas ka nga dito!" Inis na pagtataboy ko dito.
Hindi ako nito pinansin at nagtuloy tuloy siya sa kwarto na naroon. Dalawa lang naman iyong kwarto sa unit na ito. Iyong kwarto ni Sta. Maria at kwarto ko. Pero dahil naka lock iyong kay Sta. Maria ay sa kwarto ko ito pumasok. Akala mo bang siya iyong may ari nito at agad na nahiga sa kama ko.
"Bwusit ka! Lumayas ka nga dito. Kwarto ko ito!" inis na sinipa ko siya pero nahawakan lang nito iyong binti ko.
"Kasya ka dito sa kama? Ang laki laki nito para sa kagaya mo. Magmumuka ka kang sanggol dito." patuloy na pang iinis nito sa height ko.
Idiniin ko iyong binti ko para masipa ko na ito pero mukang alam na agad nito iyong mga galawan ko. Napakunot iyong nuo ko ng sumipol pa ito.
"Ganito nalang tayo forever. Nice view!" sabi pa nito.
Nang sundan ko iyong tinitingnan niya ay muntik na akong mabuwal dahil sa flower ko pala siya nakatingin. Kitang kita niya iyong underwear ko na hello kitty pati iyong singit ko!
"Putang ina mo talaga!" sigaw ko dito at kinubabawan ko siya at sinakal.
"Lintik ka talagang gatas na nakakasamid ka! Papatayin na talaga kita! Walang hiya ka talaga! Iyang adams apple mo, hihilahin ko iyan ng hindi kana makapagsalita tapos ipapakain ko kay chow chow!" galit na galit ako ngayon dito kase nakita niya iyong si Hello Kitty.
"Ang dapat sa mga kagaya mo, ipinabibitay kay Duterte!" mas diniinan ko iyong pagkakasakal ko sa kanya.
Pero mas malakas nga yata talaga siya sa akin dahil siya na ngayon iyong nasa ibabaw ko at hinawakan iyong dalawang kamay ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas at mas malaki siya sa akin.
"Gago ka! Ninakaw mo na nga iyong first kiss ko! Pati ba naman si Hello Kitty ikaw rin ang unang nakakita! Isinusumpa talaga kita!" inis na inis na sabi ko dito.
Siya naman ay hindi kumibo at nakatitig lang sa akin. Inismiran ko siya.
"Mamatay kana! Mamatay kana! Mamatay kana!" sabi ko pa dito.
"Sino ka? Si Budang?" sabi pa nito.
"Hindi ako isinuka. Inire ako. Inire!" Binelatan ko nalang siya kase ang awkward ng posisyon namin.
Nahiya naman si Maria Clara sa posisyon namin ngayon.
"Huwag ka sabing masyadong maingay kase baka makalimutan kong nag momove on pala ako at maanakan kita ng hindi oras. Saka na kapag ready na ako." sabi pa nito.
Umalis ito sa pagkakakubabaw sa akin at hinila iyong komporter at inilatag niya sa sahig at kumuha ng isang unan. Tapos nahiga na siya doon at tinalikuran ako.
"Puta! Huwag mong sabihing dito ka matutulog?" maang na tanong ko.
Pero hilik lang iyong isinagot niya sa akin kaya sinipa ko siya sa may puwitan niya.
"Putang ina naman! Ano bang problema mo?" Inis na hinarap ako nito.
"Marunong rin palang magmura sa tagalog iyong mayayaman." baliwala kong sabi dito. Inismiran niya ako at nahiga na naman.
Sinipa ko lang ulit siya sa puwetan pero kagaya kanina ay hinuli nito iyong binti ko. Tapos sinamaan niya ako ng tingin. Nginisihan ko lang naman siya.
"One more hit from you. Sinasabi ko sayo, sa kama ang bagsak natin." banta nito sa akin.
Patay malisya ko nalang hinila iyong paa ko at nahiga na rin. Tapos ini off ko na iyong sitch ng ilaw.
Naguguluhan pa rin ako kung bakit nandito siya at talagang dito pa matutulog. Napasimangot ako ng magsalita na naman ito.
"Kung ano man iyang kalokohan na tumatakbo sa isip mo. Itigil mo iyan kung hindi hahalikan na talaga kitang tyanak ka! Nagtitimpi lang ako dahil nakakagwapo iyong pagiging gentleman." banat pa nito.
"Kapre!"
"Duwende!"
"Higante!"
"Unano!"
"Panget!" hirit ko pa rin.
"f**k s**t! Sinong panget!?" inis na tanong nito na sinagot ko rin siya ng hilik katulad ng ginawa niya kanina.
Nagtaka pa ako kung bakit hindi na ito kumibo .
"Bakit ka ba kase nandito?" hindi makatiis na tanong ko.
"Wala. Baka kase kunin ako ni sadako. Isasama kita." sagot naman nito kaya natawa ako.
Oo nga pala. Kung ano ang ikinagwapo at matcho at laking lalake nito ay siya namang ikinaduwag niya. Napapalatak pa ako.
"Kalalaki mong tao duwag ka?" pang iinis ko pa.
Pero sa halip na makipag inisan siya sa akin ay iba ang isinagot nito.
"May phobia lang ako sa mga nakakatakot na bagay. Kaya hindi mo ako masisisi kung duwag ako sa mga multo mong sinasabi. Hindi ko naman ikinahihiya iyon. Kaya nga ako nandito para may kasama ako. Kawawa naman ang kagwapuhan ko kung kukuhanin lang ng mga multo na iyan." sabi nito kaya hindi ako nakakibo.
"Kaya kung pwede sana matulog na tayo. Masyadong mahaba itong araw na ito para sa akin. Goodnight bulilit liit." sabi pa nito.
Hindi na ako kumibo dahil kahit ako ay napagod sa pakikipagbuno dito kanina at lalo na sa pakikipagtalakan sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na kakaiba iyong t***k ng puso ko.
"MJ, kakanta na ba ako ng "Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life?" tanong ko at tuluyan na rin akong tinangay ng antok.