"Mik Mik, please help me with Mattheo!" Pakiusap sa akin ni Samantha.
Nagulat nalang ako ng basta nalang siyang pumunta dito sa private office ko sa isa sa mga restaurant na pagmamay ari ko. Tapos ibubungad niya sa akin ang pangalan ni Mattheong torpe! Si Doc Lumot! f**k! Ang tagal ko siyang hinanap tapos si Mattheo lang ang sasabihin niya sa akin!
"Wow! Really Samantha? Pinuntahan mo lang ako dito para sabihin sa akin ang bagay na yan? Just wow! Ang tagal kitang hinahanap!" I hissed.
Sinimangutan niya lang ako at hindi pinansin ang sinabi ko.
"I need your help! Balita ko may bago siyang babae at Maria ang pangalan! Kapangalan niya pa iyong ex niya! Ilang buwan lang akong nawala meron ng ganito? Gusto ko si Mattheo, Mik Mik! Help me!" giit nito.
I sighed. Mukang itong si Samantha ay kailangan ng magpatingin sa doctor. Mukang susunod siyang maging isa pang Ysabell.
"Your insane!" I smirked.
"That's not insane!" giit niya pa rin. She's already mad.
Napailing nalang ako. I love her calling me by that nickname she gave. Pero iba ngayon. Naiinis ako. Maaalala niya lang ako kapag may kailangan siya sa akin. Kumbaga sa drama ng mga pabebe girls. She take me for granted.
Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil lahat ng gusto niya ay pinagbibigyan ko. Pero tama na. Sobra na.
"Please, huwag ka ng dumagdag sa problema ngayon ni Mattheo. Nagkakagulo na nga silang tatlo. Gusto mo pang sumingit sa eksena?" frustrated ng tanong ko dito. Pumitik pa ito sa ere.
"Iyon naman pala! Nagkakagulo na sila kaya dapat masama ako sa eksena nila! Kaibigan mo siya-"
"Enough Samantha!" I hissed at sinamaan ko siya ng tingin. Napatigil naman ito.
"Kailan ka ba matatauhan? Hindi ka gugustuhin ni Mattheo! Lalo na ngayon na may mahal na siyang iba! Hindi mo pa ba napapansin? Nasa iisang ospital nalang kayong dalawa nagtatrabaho pero ni kausapin ay hindi niya ginagawa! Dapat doon palang alam mo na na hindi ka niya magugustuhan!" Hindi ito nakaimik.
"Kung gustuhin nga hindi niya magawa. Mahalin ka pa kaya? Hindi lahat ng gusto mo ay mangyayari! Why can't you just forget about him?!" dagdag ko.
"Bakit ikaw?! Kailan ka matatauhan na hindi rin kita gugustuhin tulad ng gusto mo? Hindi rin kita mamahalin tulad ng gusto mo? Pareho lang tayo!" balik tanong nito.
Napatigil kaming pareho sa sinabi nito. I sighed. Parang hiniwa ang puso ko sa sinabi nito. I love Samantha. Noon hanggang ngayon. Hindi nagbabago iyon pero masakit na sa kanya na mismo manggaling na hindi niya ako kakayaning mahalin. Pero dati sinabi niya na susubukan niya kaya umasa ako.
"Mik I'm s-sorry, I didn't mean to say those words." hinging paumanhin niya sa akin.
I clenched my fist and smirked at her. Kung dati ay kayang kaya niya akong mauto, iba na ngayon. I already learned my lesson. Ginagamit niya lang ako and I hate her for that.
"You know what Samantha? Mahal na mahal kita kaya lahat ng gusto mo ginagawa at sinusunod ko kahit nagmumuka na akong tanga. Pero iba ngayon, kaibigan ko si Mattheo at Maria. They deserved a happy ending after all. At hindi ikaw ang forever na bagay kay Mattheo!" mariing sabi ko dito.
"At kanino ako bagay? Sayo?" inis na tanong nito.
I sighed para pakalmahin ang sarili ko dahil baka makalimutan ko na mahal ko itong babaeng nasa harapan ko. At makalimutan ko na ang mga magagandang lalakeng kagaya ko ay hindi dapat nagagalit.
"Hindi! Walang nababagay na lalake sa babaeng katulad mo! Sariling kaligayahan mo lang ang iniisip mo. Wala kang paki alam kung may ibang tao ka nang masasaktan basta makuha mo lang ang gusto mo!"
"You don't know anything!" She hissed at me.
"Trust me, I know everything!" I smirked and walked away. Pero bago ako makalayo ay nagsalita pa siya.
"Kapag wala kang ginawa, mawawala ako ng tuluyan sayo Mikhael James Cruz!" nagtaas baba pa ang dibdib nito sa galit.
I clenched my fist. Sumosobra na talaga siya.
"Mas mabuti pa nga Samantha na putulin na natin ang kung ano man ang nag uugnay sa ating dalawa. It was hard to lose you. But it was harder when I lost myself because of you." I said and walked away. I had enough with her.
Hindi ko ito pinansin ng habulin niya ako. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinasibat ang kotche ko.
Itinext ko lahat ng mga kaibigan ko na magkita kita kami sa Marina. I need to breath. Para akong sinasakal at hindi ako makahinga. And that is because of Samantha.
Mahal ko si Samantha pero kailangan ko ng matauhan na ginagamit niya lang ako para mapalapit kay Mattheo. At hindi ko ito hahayaan na guluhin ang buhay ng kaibigan ko. She need to learn her lesson. At mabuti pa nga na mawalan na kami ng ugnayan sa isa't isa.
Huminga muna ulit ako ng malalim bago ako umakyat sa yate ni Emperor. Mukang wala pa dito sila Cassandra. Hindi ko pa kase nakikita sila Nardo at parang wala pang martial law. Napailing nalang ako.
"Mik! Pahinging pagkain!" bungad sa akin ni Hermes. Napasimangot ako dito.
"Hindi pa ba pagkain iyang nasa harapan mo?" Ngumisi lang siya sa akin. Ako naman ay padabog na naupo sa couch na naroon.
"Hindi masarap itong dalang pagkain ni Gabriel at Liway. Mas masarap iyong luto mo." dagdag pa nito. Ako naman ang ngumisi sa kanya.
"Gago! Ikaw na nga ang pinagdala ng pagkain, ganyan ka pa! Nasaan ang hustisya?!" Gabriel hissed.
Hindi ko sila pinansin at tahimik lang ako sa isang tabi. Naririnig ko pa iyong lagay ng relasyon ni Maria at Mattheo dahil iyon ang topic na usapan nila Liway at Hermes. Mukang wala pa ring nangyayari.
Baka makigaya na ako sa camp hopia ni Maria dahil sa nangyari. Sabi nga niya napa asa sa pag ibig. At isa ako doon, inaamin ko na. Natauhan naman na ako.
"Whoa, we have a special guest guys. Na hindi naman invited." Anunyo ni Gabriel ng makitang palapit sa amin si Matt.
I smell trouble ng makita ko ang itsura ni Mattheo. Sumulyap ako kay Hermes na nakatingin din pala sa akin. Nagtanguan kami. Mukang mapapasabak kami ni Hermes sa bugbugan nito. Si Mattheo pa naman ay nag aala incredible Hulk kapag nagagalit. Minsan lang magalit pero matindi! Kung ano ang ikinahinahon nito sa pagsasalita siya naman ang lakas nito kapag nagalit.
Ngumisi lang kami sa kanya ng mabaling ang atensyon nito sa amin ni Hermes.
"Welcome ka ba dito?" Inis na tanong dito ni Hermes habang patuloy ito sa pagkain.
Napangiwi ako. Mukang stress na naman ang Bag ni Jinky ayon na rin kay Maria.
"Hindi ako nandito para sa inyo. I need to talk to the Emperor. Hindi kayo." Pag susungit nito sa amin.
"Tingin mo gusto ka ring kausap ni Emperor?" Dagdag ni Gabriel at sumulyap sa akin. Tumango lang ako.
Hindi naman kami talaga galit dito kay Mattheo. Inis lang kami kase torpe talaga at slow pag dating sa pag ibig. May lumot na nga't lahat ay ayaw pang umamin na si Maria Angelette ang mahal niya. Nakakabwusit lang. Kaya nga gusto siyang bigyan ng leksyon ni Emperor.
Hindi naman kami nito pinansin at naupo lang siya sa isang tabi na kagaya ko ay tahimik lang. Lalapitan sana ako nito ng ihagis dito ni Gabriel ang isang cellphone. Kakaiba ang ngisi nitong si Gabriel. Pasimpleng sinenyasan pa ako nito. Napailing nalang ako.
Lalo akong napailing ng nakita ko ang reaksyon ng kaibigan ko. I smirked.
"What is the meaning of this, Gabriel?" Seryosong tanong nito kay Gabriel. Nakikiramdam lang naman ako sa pwepwedeng mangyari.
"Wala kang ibang reaksyon?" Gulat na tanong nito.
"Ano bang dapat na maging reaksyon ko?" Inis na balik tanong nito. Dito na nabaling ang buong atensyon ko.
"Wala naman." Makahulugang agot ni Gabriel dito tapos nagtinginan sila ni Hermes. I just shrugged my shoulder ng tingnan ako ni Gabriel.
May hinagis na naman ngayong isa pang cellphone si Gabriel dito. Napapalatak na naman ako ng makita ko ang papadilim na anyo ni Mattheo. Mukang ubos na talaga ang pasensya ni Doc Lumot at mag eevolve na siya.
At hindi nga ako nagkakamali dahil galit na galit nitong ibinato sa sahig ang cellphone tapos ay tinapaktapakan pa nito. He was really mad.
"Guys, be really! Here comes the monster!" anunsyo ni Gabriel sa amin.
"Ano ba talagang gusto nyong mangyari? Di ba sinabi ko na layuan at huwag na huwag nyong hahawakan si Maria? Ano bang mahirap intindihin sa mga sinasabi ko? At talagang hinalikan nyo pa siya!" Sigaw nito sa amin. Sinenyasan ako ni Gabriel.
"Ano bang paki alam mo?" Pang aasar ko pa dito.
Nakakabwusit na itong si Mattheo. Napaka slow! Napailing pa ako. Hindi ako nakapaghanda ng bigla nalang akong suntukin nito. Hindi pa ito nasiyahan ay hinawakan niya pa ako sa kuwelyo at sinuntok ulit. Si Hermes na sumubok umawat ay siya namang binalingan ng galit na si Mattheo.
"Ikaw ang may pakana nitong lahat, Gabriel. Magagalit na naman nito si Emperor!" sabi ko kay Gabriel at Liway na preteng nakaupo at akala mo nanunuod sila ng isang action movie.
Dahan dahan akong tumayo at pinunasan ko ang dugo sa labi ko. Ang gwapong muka ko pa talaga ang ginasgasan ni Matt.
"Huwag kang maki alam dito Hermes! At pwede ba! Huwag na huwag ka ngang lumalapit kay Maria. You are already married!" He hissed.
"Wala kaming naiintindihan. Di ba mas pinili mo si Maria Fabby? Bakit ngayon galit na galit ka sa amin ni Mikhael dahil lang hinalikan namin si Maria? What's wrong with you?!" Hermes hissed.
Hindi siguro inaasahan ni Hermes na sisipain siya ni Matt kaya hindi ito nakaiwas. Sadsad ito sa railing.
"What is wrong with me? You don't understand, dahil wala kayo sa sitwasyon ko! Layuan nyo siya kung ayaw nyong magpatayan tayong tatlo dito." Galit na galit na dinuro pa ni Matt si Hermes.
"I will going to kill you first!" dagdag pang aasar dito ni Hermes.
Susugurin na naman sana nito si Hermes pero mabilis ko siyang nahawak sa magkabilang braso.
"Not too fast, Mattheo. Binangasan mo ang gwapo kong muka kaya dapat ikaw din. Go Papa Hermes! Resback para kay Baby Girl!" Nakangising sabi ko dito.
Pumipiksi ito pero hindi ko siya pinapakawalan. Bahala na si Hermes dito. Pero nakakailang suntok palang si Hermes ng sipain na naman siya ni Matt. Tapos ako naman ay siniko nito kaya siya nakawala sa pagkakahawak ko. Mukang gigil na gigil sa akin si Matt dahil hindi pa ito nasiyahan ay sinuntok pa ako nito. Mukang may lihim na galit siya sa kagwapuhan ko.
"Mga gago kayo! Kahit pag tulungan nyo akong dalawa hindi nyo agad ako mapapatulog! Hindi ako si Gabriel!"
Susugod sana ako dito ng makaganti manlang ako sa pag gasgas nito sa kagwapuhan ko pero may pumagitna sa amin at hawakan ako sa kamay. Kaya lang kami natigil na tatlo. Natahimik kaming lahat.
"Liway, puntahan mo si Casey. She's in the kitchen." Utos nito kay Liway.
Nang makaalis ang asawa ni Gabriel ay saka lang kami nito hinarap na tatlo.
"What is happening here?!" Dumadagondong ang boses nito.
Walang gustong magsalita sa aming magkakaibigan. Iyong mga mata niya ang nakapagpatahimik sa amin.
"Gabriel!" Tawag nito kay Gabriel.
Agad namang ikwenento nito ang naganap sa aming tatlo. Napabuntong hininga ito at nilapitan kami. Hinila ako nito sa kuwelyo pati si Matt at pasalya kaming pinaupo sa couch na naroon. Si Hermes naman ay bumalik sa pagkain na akala mo walang nangyari.
"Anong problema nyo at kulang nalang magpatayan kayo?!" Mahina pero seryoso itong nakatingin sa amin.
"It's about her! They kissed Maria!" Giit ni Matt. Sinamaan pa kami nito ng tingin ni Hermes.
"Hinalikan din naman namin si Maria Fabby pero hindi ka manlang nagalit. Tapos ng si Baby Girl ang nakita mo. Galit na galit ka? Incredible Hunk ang peg mo? Anong hugot mo sa buhay?!" I hissed at hinilot ko ang nasaktan kong panga.
Nadadagdagan ang pagkainis ko dito dahil siya ang mahal ni Samantha at hindi ako.
"Don't called her Baby Girl. Hindi mo Baby Girl si Maria!" Sinamaan ko siya ng tingin kase masakit iyong pagkakasuntok niya.
"At sino ka ba para pagbawalan ako? Sa pagkakaalam ko. Pinaasa mo lang siya. Kaya siya nasasaktan!" sagot ko naman dito. Bwusit ako kay Doc Lumot to the highest level.
"Shut up! You two!" Emperor hissed.
"You know what, Mattheo. Pinakawalan mo iyong babae na alam mong mas makakapagpasaya sayo. Akala ko pa naman ikaw ang pinakamatino sa ating lima. Akala ko pa naman hindi na kita proproblemahin. But I think I'm wrong. Kung gago na si Gabriel, mas gago ka pa pala, Mattheo!" Kulang nalang ay tirisin kami ni Matt ni Emperor.
Daig niya pa iyong mga Tatay namin kung pagalitan kami. Ito na naman iyong pagiging Kuya niya.
"Wow? Emperor, ako na naman? Hindi makamove on? May favoritism?" Asar na sabad ni Gabriel.
"Shut up, Gabriel! Gusto mo pabugbog ulit kita kay Hermes? Lumayas layas ka nga dito."
"Joke lang! Dyan kana nga agiw! Loveydove, matagal pa ba kayo? Yuhuu?!" Sabi ni Gabriel at agad na umalis. Napabuntong hininga pa si Emperor.
"Sa inyo palang apat, nakukunsumi na ako. Hindi pa man lumalabas ang mga anak ko. Tatanda na yata ako sa asar sa mga kagaguhan nyo!" Pagkatapos pagalitan si Matt ay ako naman ang hinarap nito.
Ngumisi sa akin si Matt pero hindi ko siya pinansin. Hindi lang naman siya ang may problema sa puso. Ako rin napahopia din naman ako. Hindi lang halata pero nag uumpisa na ako nitong mag move on.
"Ikaw, Mikhael! Kailan ka ba matatauhan na hindi ka gugustuhin ni Samantha? Move on with your life. Gwapo, mayaman at makapangyarihan ka naman. Bakit ipinagsisiksikan mo iyang sarili mo sa isang babae na ayaw naman sayo? Gusto mo iuntog ko nalang iyang ulo mo ng magising ka?!" Frustrated na sabi nito sa akin.
Napabusangot nalang ako. Bakit lahat ng bagay alam niya kahit hindi namin sabihin? Wala manlang ba kaming maisesekreto dito? Edi siya!
Natigil lang ito kakasalita ng dumating ang asawa nito kasunod si Gabriel at Liway.
"Gusto nyo si Cassandra ang magdisiplina sa inyo?" Nakangising tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Matt at sabay na umiling. Napangiwi ako ng maalala ko ang mga sampal na ibinigay nito kay Gabriel ng mga panahon na loko loko pa ang kaibigan namin. Kapag naiisip ko iyon at ako iyong masasampal baka hindi kayanin ng gandang lalake ko.
"What's going on here?" Nakapamewang na tanong nito. Napangiwi kami ni Matt.
"Kindly asked them, Babe. Ikaw yata ang gustong magtanong sa kanila. Mukang nahihiya sa akin." Sagot ni Emperor at prenteng naupo sa tapat namin.
May ngisi sa labi nito. Iyong pagtritripan ka niya habang buhay. Mariin akong napalunok ng tingnan ako ni Cassandra at ngumiti sa akin.
"Anong bang problema nyong dalawa at muka kayong pinagsakluban ng langit at lupa? Saka napano iyang pasa nyo sa pisngi?" Nakangiting tanong nito at tumabi kay Emperor na ngingisi ngisi sa amin.
"He's inlove!" Sabay turo ko kay Matt.
Ayokong malaman nila ang problema ko. Not now! Sigurado makiki alam na naman sila, worst malaman pa ni Lola Margs at sabihin sa Mama ko. Madadagdagan na naman ang Pabebe girls. Huwag na! Utang na loob. Napasinghap ako ng suntukin ako ni Matt sa braso.
"Aray! Sumosobra kana, Mattheo!" Sinuntok ko din ito sa braso. Sumosobra na siya. Pipingasan ko na ang mala Superman niyang kagwapuhan.
Mag aaway na naman sana kaming dalawa ng pumaswit si Emperor. We know that kind of whistle. And it gave me goosebumps. Nagpalitan nalang kami ng masamang tingin ni Matt. Gigil na gigil ako ngayon dito.
"Well, congratulation! I'm happy for you Mattheo. Finally." Tuwang tuwang sabi ni Cassandra.
Napangisi ako sa sinabi ni Cassandra kay Mattheo. Tingnan lang natin kung hindi pa umayos ang utak ni Doc Lumot.
"So what would be the problem here? Kung inlove si Matt, bakit parang pasan naman niya ang buong mundo? Nakausap na ba ulit niya si Maria? Okay na silang dalawa? Bati na sila?" Narinig kong tanong nito sa asawa.
"It's complicated, Babe." Malambing na sagot naman nito kay Cassandra.
Buti pa si Emperor may Cassandra na. Si Gabriel may Liway. Tapos itong si Mattheo hindi magtatagal magkakaroon na siya ng Maria. Si Hermes na PG ay may Liza na. Ako kaya? Pucha! Puro pagkain nalang ba ang kaforever ko?
"Tanga kase!" hindi ko maiwasang ikomento. Nakakabwusit siya.
"Damn it, Mikhael! Hopia!" Bulong din nito sa akin.
"What did you say?!" Angil ko dito. Konting konti nalang talaga ang pasensya ko. Hindi lang siya ang broken hearted!
Pumaswit na naman si Emperor kaya tumahimik na naman kami.
"Why? Hindi siya talaga mahal ni Maria? Ganoon ba? Pero alin sa dalawa? Iyong past ba o present?" Gulong gulo na tanong nito sa asawa habang kumakain ng french fries ng isang kilalang fast food chain.
"Something like that."
"Ha? Anong something like that? Ang gulo? Mahal ni Maria si Matt. Kitang kita sa mga mata niya. Kaya nga siya nasaktan di ba?" Giit nito at binalingan si Matt.
Ako naman ay preteng naupo. Mukang nakalimutan na ni Emperor ang sintemyento ko sa buhay. Napangisi ako.
"Ano ba talagang problema Mattheo? I don't really understand what is happening?" Alanganing tanong nito. Si Mattheo naman ay umayos ng upo.
"Umamin kana kase. Wala ka ng magagawa. Tinanong kana ni Cassandra." Nakangising sabi dito. Sumimangot lang ito sa akin.
"Yes! I'm inlove with....them!" Sagot ni Matt.
"Inlove with them?!" Sabay sabay na bulalas namin sa sinabi nito. Napamura nalang ako. Talaga nga namang tanga!
"Oh, my God! What are you saying, Mattheo? Pwede ba iyon?" Gulat na tanong ni Liway. Hindi naman kumibo iyong katabi ko.
"Ay, talaga nga naman gago pa sayo Gabriel!" Emperor hissed. Napailing iling pa ito.
"Si Mattheo ang topic dito, Emperor. Huwag mo akong isama." Umirap pa si Gabriel.
"Bakit ako lang? Pati si Mikhael!" Giit ni Matt at itinuro pa ako. Inismiran ko lang siya.
"Ikaw ang usapan. Huwag mong ipasa sa iba. Saka ko na kakastiguhin iyang si Mikhael kapag lumuha na ng dugo. Sa ngayon ikaw muna." Nakangising saad sa dito ni Emperor.
Napapailing nalang ako habang sinasabi nito ang sintemyento niya sa buhay. Siya na ang bida! Ako na ang sawi ngayon. Ako ang escort ni Maria sa camp hopia nito.
"Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung paano ko titimbangin ang nararamdaman ko. Wala kayo sa sitwasyon ko." giit nito sa amin. I smirked.
"Nalilito ka pa ng lagay na iyan? Sa reaksyon mo lang sa picture kanina. Alam na namin kung sino ang mas matibang. Slow talaga nito." bulong ko. Ito yata ang kailangang iuntog ni Emperor para matauhan.
Nagpayo na si Cassandra kaya ewan ko nalang kay Mattheo kung hindi pa siya matauhan.
"Naiisip mo lang na inlove ka sa una dahil iyon ang gusto mong isipin at iyon ang nakasanayan mo. Naniniwala ka na iyon ang tama. Hindi mo pinagtutuunan ng pansin iyong nararamdaman mo sa pangalawa dahil sa paniniwala mo na mahal mo pa iyong una." Paliwanag ni Cassandra.
"May nabasa nga ako. At sabi nung author na iyon sa isang sikat na website. " Mahirap talikuran ang nakasanayan na.". Bagay na bagay sayo iyan, Mattheo." dagdag nito.
Pati ako ay napatuwid ng upo sa sinabi ni Cassandra. Sa akin kaya pwedeng iapply iyong sinabi niya? Baka nga kaya naniniwala lang ako na mahal ko pa rin siya kahit hindi naman na.
Ano bang dapat na isipin ko? Pati ako naguluhan sa nararamdaman ko. Nahawa na yata ako ng katangahan kay Matt. Kanina ok naman na ako sa move on. Pero bakit bumabaliktad na naman ang isip ko. I sighed and walked away.
Hindi ko pinansin iyong pagtawag nila sa akin. Masakit ang ulo at puso ko sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Napamura nalang ako ng mapapreno akong bigla. Parang may pusang dumaan at muntik ko nang masagasaan.
Agad akong bumaba at tingnan ko ang sasakyan ko kung may gasgas ba. Pero napatalon nalang ako ng may humawak sa binti ko.
"s**t!" I hissed. Sinubukan kong hawakan itong maliit na nilalang na nasa harapan ko.
"Huwah!" sigaw nito.
Napaupo nalang ako sa sementadong kalsada sa gulat ko.
"Damn it! Damn it!" Sunod sunod na mura ko.
Tang ina! Hindi ako naniniwala sa engkanto pero ano itong nilalang na nasa harapan ko. Maliit at mahaba ang buhok.
"Ako si Sadako! Huwahh!" sabi pa nito at hinila iyong isang paa ko. Napamura na naman ako.
"Kakainin kita! Gutom na gutom pa naman ako! Rawr!" saka ito tumawa ng parang sa mga napapanuod ko and it gave me goosebumps.
Gwapo lang ako pero duwag talaga ako sa mga ganitong bagay.
"Ahhhhh!!!" sigaw ko.
Akmang hihilahin na naman nito iyong paa ko pero pumiksi ako. Nanlaki iyong mga mata ko at nagmamadali akong tumayo at mabilis na pinasibat ko iyong kotche palayo sa lugar.
Napamura na naman ako ng marinig ko ang matinis na tawa nito. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalaho ako sa lugar. Pero napakapa nalang ako sa bulsa ko ng maramdaman ko na wala na ang wallet ko.
"s**t! This is the worse day of my life!" I hissed.
Hahanapin ko ang baliw na babaeng nanakot sa akin. At sisiguraduhin kong siya naman ang kakaripas ng takbo sa gagawin ko.