"Ano na naman bang problema mo? Ngumangawa ka na naman? Ganyan ba talaga ang mga hopia? Tututusin ko nalang iyang bibig mo, parang iyong sako ng palay. Tutal ay anihan naman na sa Nueva Ecija." tanong ko sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa kokote ng kaibigan ko at nag primetime bida na naman siya. Wala na naman sigurong magawa sa botique ni Miss Cassandra kaya ako na naman ang hinanap at lumayas nalang agad sa trabaho. Di ba ang galing niya?
Iisipin ko naglilihi iyong si Empress kase tuwang tuwa siya kay Sta. Maria. Ginagatungan niya pa iyong pagkahopia ni Maria. Sukat ba namang sinabi na sila daw ang resback. Sigurado tigok si Doc Matt kapag nagkataon.
"Tang ina mo! Bansot! Kinulang sa star margarine! Kinulang sa Cherrifer! Kinulang sa tulog!" sagot nito sa kabilang linya. Napasimangot ako.
"Walang boobs! Walang puwet! Puro buto!" sagot ko naman.
"Puro boobs!" sagot pa rin nito. Napangisi ako.
"Atleast sexy? Ikaw hopia! Asa pa more Sta. Maria! Push mo pa iyan! Araw arawin mo. Gawin mo na din breakfast, Lunch at Dinner. Mukang kulang pa na ginawa mong mirienda. Lubus lubusin mo na!" pang aasar ko pa.
Hindi ko mapigilan ang tumawa ng ngumawa na naman ito sa kabilang linya. Sabi niya kase nasa puntod siya ni Matet ngayon at kinakausap niya ang kapatid niya para multuhin si Doc Matt dahil pinaasa nga daw siya.
Berat nga kase. Tapos baliw pa. Tapos nagatungan pa noong Nanay ni Doc Matt kaya lalong lumala iyong saltik ni Maria. Lalong parang hindi niya alam ang huminga kapag nagsasalita.
"Tang ina mo talaga Ekang! Mamatay kana! Mamatay kana! Mamatay kana! Nang aanu ka! Ipapasa ko ito sa f*******:!" ngawa pa rin nito.
"Sino ka si Budang!? Tigil tigilan mo nga ako Sta. Maria. Tatahiin ko na iyang bibig mo! Sinabi ko na kaseng huwag mong pangarapin ang langit dahil lupa ka lang! Ikinumpara na nga kita pero hindi ka pa rin matauhan. Ano pa bang kailangan kong ipaintindi sayo? Impaktita nito! Isipin mo muna iyong Binibining Pilipinas kaysa iyang puso mo! Move on! Uso iyon! Huwag mong ikumpara iyang puso mo sa haba ng traffic sa EDSA dahil hindi ka talaga makakausad! Wala nang pag asa iyon." napapalatak pa ako.
"May hugot ka rin sa buhay?"
"Gaga! Totoo lang ang sinasabi ko. Bakit? Hindi ba?" Natahimik naman ito sa kabilang linya.
"Ipakita mo kay Doc Matt kung sino ang ipinagpalit niya sa babaeng lumaklak ng suka! Kahit wala kang dede at puwet at hindi kita kasing sexy, mas maganda ka doon! Iyon nga lang puro ganda ka lang! Tapos iyong korona mo pang probinsya lang kaya dapat ilevel up mo! Sungkitin mo iyong Binibining Pilipinas Universe! Itayo mo ang bandera ng mga sawi sa pag ibig! Ikaw ang representative ng Camp Hopia dahil ikaw ang Presidente." dagdag ko. Napangisi ako ng tumahimik ito.
"Makinig ka, napakarami ng pera nating maiuuwi kung sakaling mananalo ka. Sponsor palang doon sa pageant, Fifty K na daw ang ibibigay. Makakuha ka lang kahit dalawa may pang tuition na naman tayo next sem! Pang buong isang taon pa! Tapos makakapunta tayo sa ibang bansa-"
"Tayo talaga? Di ba ako lang? Bakit kasama ka?"
"Tanga mo! Kasama mo ako! Ako ang dakila mong alalay remember? Sipain kita dyan! Matapos kitang suportahan?! Gupitin ko iyang super long hair mo! Hindi kana magiging Diwata!" sita ko sa kanya.
Kahit hindi ko ito kaharap alam ko na nakangisi ito ngayon sa akin. Tapos kakaiba iyong ngiti niya. Ngiting may kalokohan. Sa tagal ko itong kakilala. Ewan nalang! Gustong gusto niya iyong pinupuri ang kagandahan niya.
"Pero Ekang, masakit kase talaga! Magbibigti na ako sa puno ng ampalaya! Ang bitter ko! Huwahhh!"
Napamura nalang ako at nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa boses nito. Baliw talaga at sa puno ng ampalaya magbibigti. Tingin niya mamamatay siya doon? Iba talaga ito. Hindi mo aakalaing Binibining Nueva Ecija siya at nakapasok sa Binibining Pilipinas.
"Sige na. Magbigti kana. Hindi na kita pipigilan. Go! Gusto mo ba ihanda ko pa iyong lubid? Iyong sisiguraduhin ko na sa ilalim ng lupa ang bagsak mo?" pang aasar ko pa dito.
"f**k you ka talaga! Mamatay kana! Mamatay kana-"
Napaayos ako ng upo ng pumasok ang Leader namin at senyasan ako. Marami na naman itong sinabi si Maria pero hindi ko na inintindi ito.
"f**k you ka Sta. Maria! Tatawag nalang ako! Bye!" paalam ko dito at agad kong inioff ang cellphone ko.
Pagharap ko dito ay blanko na ang ekspresyon ng muka ko at maayos akong tumayo. May ibinigay itong isang papel sa akin at lumabas na ng wala manlang sali salita.
Agad kong binasa iyong papel na hawak ko. Nanlaki iyong mga mata ko at napamura ako kaya napatingin sa akin ang ilan sa kagrupo ko. At nakibasa sa papel na hawak ko.
"Magdasal kana! Mukang katapusan mo na!" pananakot sa akin ni Agent A.
"First time nagpatawag ng tauhan niya si Bossing! Swerte mo. Ikaw palang ang unang makakakita sa Big Boss." dagdag ni Agent K.
Hindi ko siya pinansin. Ilang beses ko pang binasa iyong papel na hawak ko at ilang beses din akong napalunok. Feeling ko pati iyong ngipin ko nalunok ko na. Bigla akong kinabahan.
Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ng Big Boss pero sa totoo lang kinabahan ako kase ngayon ko lang siya makakaharap at ngayon lang nagpatawag ng tauhan niya para makausap siya ng personal.
Ilang taon na ako sa samahan na ito pero ngayon lang daw may pinatawag at gustong makausap ng personal ang Big Boss.
"Paktay kana! Mukang malaking mission ang ibibigay sayo ngayon at talagang si Bossing pa ang kakausap sayo." pananakot sa akin ni Agent C.
Nginisihan ko lang siya. At nagtuloy tuloy ako sa lagusan kung nasaan naroon ng private office ni Bossing.
Oo lagusan talaga siya. Para siyang isang kuweba. Ito ngang office namin nasa ilalim ng lupa kaya niloloko ako ng mga kasamahan ko dahil bagay na bagay daw ako dito. Dyosa daw ako. Iyon nga lang Dyosa ng mga lamang lupa. Lagi nila akong pinagkakatuwan dahil sa height ko na 4'9. Muka daw kase akong duwende sa edad kong bente sais.
Napalunok ako habang papasok ako sa lagusan. Siguradong kapag may nagtangka sa buhay nito ay hindi pa man nakakapunta sa gitna ay tigok na. May kakaiba sa lagusan na ito na nakakapagpataas ng balahibo ko. Feeling ko ang daming mata na nakatingin sa akin at kulang nalang ay sentensyahan ako. Kakaiba iyong aura dito. Nakakangilabot.
Iyong feeling na pumasok ka sa isang lugar na alam mong marami ng pinatay at kaluluwang pagala gala.
Malaki pa naman ang problema ko dahil ang magaling kong kaibigan ay broken hearted at nagtayo na siya ng pederasyon niya. Pati tuloy ako naliligalig sa kanya. Sukat ba naman kaseng nainlove sa taong may hinihintay pala. Edi bokya siya ngayon. Nganga pa.
Napabuntong hininga nalang ako. Nagulat pa nga ako ng makita ko na nasa dulo na pala ako at nakaharap ako ngayon sa isang metal na pinto. Parang iyong mga pinto sa kaha de yero. Iyong takot manakawan. Ganern!
Sabi pa ni Agent C. Hindi daw ito basta pintuan lang kase may mga hidden chorva daw dito. Iyong hawakan mo lang daw, pag gising mo kaharap mo na si San Pedro. Ang bestfriend ni Maria. Inshort tigok ka agad. Ewan!
Napalunok pa ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tapos nagulat nalang ako ng bumukas bigla iyong dingding sa kanan ko. Kung hindi ako sanay baka nagtatakbo na ako palabas sa gulat.
"Tang ina much lang!" pabulong kong mura.
Aba't peke lang pala ang pintuang bakal sa harap. Sabi ni Agent C maraming chorva. Samantalang wala naman pala.
"Agent RM!"
Napapitlag pa ako ng may magsalita sa kung saan. Napakunot iyong noo ko. Parang pamilyar kase sa akin iyong boses niya.
"Baka gusto mong pumasok?" sabi pa nito.
Ilang beses pa akong napalunok at dahan dahang pumasok sa bumukas na dingding. Tapos ng makapasok ako ay mabilis itong sumara.
"Tang ina much version 2.0!" bulong ko.
"Sit down!" utos nito.
Tumalima ako agad. Kanina pa kase ako nagugulat. Hindi ko lang ipinahahalata at baka nalaman ni Pinuno. Paktay na. Parusa much na naman sa kasexyhan ko.
"Rizza Mae Pascual aka Bakekang Polipitasyo aka Agent RM!"
Napaangat ako ng tingin at sumeryoso iyong muka ko. Hindi ko makita kung sino siya dahil nakatalikod sa akin ang kinauupuan niya. Pero talagang pamilyar sa akin ang boses niya. Narinig ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
At bakit alam niya lahat ng sekreto ko na itinago ko sa organisasyon na ito? They don't know who is Bakekang. They only knew me as Rizza Mae because that is my real name at sila ang nagbigay ng code sa akin na RM.
Kaya paano nilang nalaman na ako din si Bakekang. Ekang for short?
"Don't looked confussed. I'm the Big Boss. Actually, pangalawa lang ako. Hindi talaga ako ang amo nyong lahat. Tamad kase siyang pumasok dito kaya ako nalang. Kaya alam ko ang lahat ng secreto ng mga tauhan ko kahit gaano pa kayo kagaling magtago. Alam ko ang lahat ng baho ninyo." dagdag nito.
Napakuyom ako sa kamao ko. Hindi nila dapat malaman dahil ayokong madamay ang kaibigan ko kung sakaling manganib ang buhay ko. Siya lang ang meron ako. Siya lang ang matatawag kong pamilya.
"I'm not confussed, Sir!" matigas na sagot ko.
Humalakhak ito kaya parang nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Tapos unti unti siyang humarap sa akin. Napasinghap ako pero agad rin akong nakabawi sa pagkabigla.
"Hermes Samuel Montes!" banggit ko sa buong pangalan nito.
"Ikaw ang Big Boss?" di ko maiwasang itanong. Ngumisi siya at umiling.
"I told you. Hindi ako. Pangalawa lang ako. Malalaman mo kung sino siya sa tamang panahon. But for now."
"Sir Hermes!"
"Hermes nalang. Tutal naman ay tayong dalawa lang dito." sagot nito at may kinuha sa drawer at inilapag sa harapan ko.
Kunot noong kinuha ko iyong black envelop na nakaseal pa at binuksan. Lalong kumunot iyong noo ko ng makita ko iyong picture ni Mariang Baliw. Nagtatakang binalingan ko si Hermes. Nakangisi siya sa akin.
"Know everything about her. Lahat lahat! Lalo na kung sino ang Tatay niya." utos nito sa akin.
"Don't tell me, nagtataka rin kayo kung bakit berde ang mga mata niya kaya nyo siya pinaiimbestigahan?" kunot nuong tanong ko dito.
Tinasaan niya ako ng kilay tapos tinitigan niya akong mabuti. Pinagsalikop niya pa iyong dalawa niyang kamay. Napalunok tuloy ako but I remained poker face. Nakakatakot iyong itim niyang mga mata.
"Did I gave you the right to asked question about your new mission, Agent RM?" seryosong tanong nito. He even smirked.
"No, Sir!" sagot ko naman. He grinned at me.
"Good! Siguro naman magiging madali sayo ang bago mong misyon?" mapang asar pang tanong nito. Hindi ako sumagot.
"I see." Tumango tango pa ito.
Nagtitigan lang kaming dalawa. Feeling ko lalamunin ako ng impyerno kapag matagal akong nakatitig sa mga mata niya.
"Can I ask some question, Sir? If you don't mine?" hindi makatiis na tanong ko.
"Pag iisipan ko pa?" saka siya ngumisi tapos ay may pinindot na button sa ibabaw ng mesa niya.
Para iyong isang hologram tapos ilang segundo lang ay lumitaw doon ang isang nakatalikod na imahe.
"Uno!" banggit ni Hermes dito.
Dahan dahang humarap sa akin iyong imahe ng isang taong nakatalikod. Sumalubong sa akin ang isang pamilya na pares ng berdeng mga mata. Emperor na nga ang tawag sa realidad. Tapos uno naman ngayon? Mukang hindi din ito papahuli ng buhay kapag nagkataon. Napamura ako.
"Tang ina much! Sagad much!" bulong ko.
"Good to see you Ekang!" nakangising bati nito sa akin.
He even leaned on his seat. I sighed. Isa lang ang masasabi ko maliit ang mundo at punong puno siya ng mga taong makasabog ang obaryo. Hindi siya bilog.
"Meet the Big Boss!" sabi pa sa akin ni Hermes.
Nakakatang ina talaga ang mga taong ito. Sinasabi ko na nga ba! Malakas ang kutob ko na kasama na naman dito si Emperor! Putcha! Walang kaligtas ligtas. Sinong mag aakala na siya ang pinuno nitong Organisasyon na ito?
"Siguro naman nasabi na sayo ni Hermes ang bago mong misyon?" seryosong tanong nito.
Hindi ako makakibo. Para nila akong nahuli at inilagay sa hawla at sinigurado na hindi ako makakawala hanggat hindi ko nagagawa ang gusto nila.
"I think you got the wrong person, Tres." Napapalatak pa itong si Emperor.
Napatayo ako at kumunot iyong noo ko. Napahigpit din ang hawak ko sa envelop na hawak hawak ko. Luka Luka ako sa labas nitong organisasyon pero kapag dating na sa trabaho ko hindi nila pwedeng kuwestyunin iyong kakayahan ko. Maliit lang ako pero maalindog ako este madiskarte pala.
"What do you want me to do?" I asked him.
He smirked. And his smirk turned into grinned. Iyong nakakakilabot. Feeling ko bumukas iyong pintuan ng impyerno at lalamunin ako anumang oras. Mas nakakatakot pala iyong mata ni Emperor kapag tinitigan mo kase para siyang nagkukulay pula. Iyong parang sa mga halimaw na kakainin ka nalang ng buo.
"Know everything about Maria Angelette Sta. Maria. Everything! Lalo na kung sino ang Tatay niya. I need it, Asap agent RM. ASAP!" sabi pa nito.
Gusto kong mapasimangot talaga. Kase iyong tawag sa kanya bagay na bagay! Makapag utos wagas! Kung hindi lang kabawasan sa Pilipinas ang kagwapuhan niya inupakan ko na siya. Pero syempre joke lang. Kase bago ko pa man magawa ang bagay na iyon baka kaharap ko na iyong manok ni San Pedro.
"Give me a week or two." sabi ko.
"Mukang humihina na yata ang mga tauhan mo." baling nito kay Hermes na tahimik lang.
"Nah, mahirap talaga ang pinagagawa mo. Just gave her the time she needs. Agent RM won't dissapoint us." sabi ni Hermes at binalingan ako.
"Right, Ekang?" tanong pa nito. Tumango nalang ako.
"Good!" tumango tango pa si Emperor.
"Wait!" sabi ko ng akmang iooff na ni Hermes iyong hologram.
"Why do you need this impormation about her? I have the right to know. Kase kaibigan ko ang involve dito." sabi ko.
"Explain everything, Hermes. You have my permission. See you later at the Marina. Alam ko na pupunta si Doc." makahulugang sabi nito at nawala na ang hologram.
"Now, you know who is the big boss?" Tumango nalang ako.
"Why you need the details about her?" tanong ko agad.
Putek! English! Kaya ayoko silang kahalubilo lumalabas iyong katotohanan.
"Iba daw ang kutob ni Emperor about Maria. Gusto lang niyang siguraduhin kung may ibang kapatid o nawawalang kamag anak sila. Hindi pa namali ng kutob si Emperor. Kaya alamin mo kung sino ang Tatay ni Maria. Matutulungan mo siya kapag nagkataon. You will gave her the life that she deserves." sabi nito. I sighed.
"Bakit lahat ng gusto ni Emperor sinusunod nyo agad agad? Lahat ng utos niya ginagawa nyo agad agad?" hindi ko maiwasang itanong.
Napatuwid iyong upo ni Hermes at tinitigan na naman ako sa mga mata. Napaatras tuloy ako ng bahagya. Nagbago iyong reaksyon niya. Mas lalong nakakatakot ngayon. Mukang namali yata ako ng tanong.
"You really wanna know?" Hindi ako kumibo.
Nag iwas lang ako ng tingin. Nakakamatay na kase iyong kagwapuhan niya este iyong tingin niya. Pero pag tingin ko ulit sa kanya ay nakatayo na siya tapos may hawak siyang parang remote control. Ilang minuto lang ay nagdilim iyong buong paligid. Naging alisto naman ako. Mukang namali nga yata ako ng tanong at talagang sesentesyahan na ako.
Napatigil ako at napatingin sa isang screen na nasa harapan ko. Si Emperor iyong nakahiga sa isang hospital bed at may mga aparato na nakakabit sa katawan nito. Mukang batang bata pa siya dito. Hindi pa man ako nakakapagtanong ay lumiwanag na ulit ang buong paligid.
"That was Emperor thirteen years ago. We're just fiveteen by that time. I am the reason why his there, lying in a hospital bed and comatose for a months. He take the bullet na para sa akin. Hindi nyo nalang makikita ang mga peklat niya sa katawan dahil ipinaalis ni Tita Corset kahit ayaw ni Simon. Even Gabriel, na dapat siya ang makikidnap when we're just Eight years old. Siya ang kinuha ng mga kidnappers dahil nagpanggap siya na siya si Gabriel para walang mangyari sa kaibigan namin. Marami siyang isinakripisyo para sa aming magkakaibigan." He said and sighed.
Natameme na naman ako. Too much pasabog like a primetime bida teleserye in ABS-CBN! I can't handle it anymore! Gesh!
"Kaya huwag nyong kwekwestyunin kung bakit ganito kami kay Emperor. May kanya kanya kaming storya kung bakit ganito katindi ang respeto namin sa kanya. Kaya hindi nyo kami masisising magkakaibigan kung bakit kahit buhay namin ay ibibinigay namin kay Emperor maprotektahan lang siya. So better shut up your mouth, Ekang." hindi iyong pakiusap kung hindi isang utos.
"Hindi naman ako nagsasalita dito Hermes. Huwag kang ano nga!" sabi ko nga sabay irap. Sumimangot siya.
"Charus lang!" sabay bawi ko. "Anong hugot mo sa buhay?" bulong ko.
Ang dami niyang sinabi. Mukang madamdamin talaga ang istorya ni Hermes. Pang MMK yata talaga iyong bag ni Jinky! Hugot na hugot sa buhay niya! Mukang sa storya niya maraming pasabog.
"Do your job now!" utos nito at itinuro iyong dingding na nilabasan ko.
Mukang gutom na naman siya kaya mainit ang ulo. Mukang may LQ na naman sila nung jowa niya na sa pangalan palang ay banal at pinagpala na parang si Maria Angelette Sta. Maria. Bwusit!
Sumaludo lang ako at agad na umalis. Daig ko pa iyong nagmaraton ng makalabas ako. Tuloy tuloy ako sa paglabas at nagtuloy ako sa cr at nagkulong sa cubicle.
Pakiramdam ko talaga sinentensyahan niya ako. Iyong tuhod ko nanginginig. Hindi lang pala tuhod ko, kung hindi ang buong katawan ko. Nagsanib kase sila ng pwersa ni Emperor at hindi yata kinaya ng obaryo ko. Tang ina talaga!
"Putch ka talaga Sta. Maria! Punong puno ka talaga ng grasya! Pinagpala sa babaeng lahat! Kapag nagkataon isa ka palang Fontanilla!" kausap ko sa picture nito na nasa akin.
Nang mapakalma ko iyong sarili ko ay lumabas na ako. Tapos bumalik ako sa mga kasamahan ko na parang walang nangyari. Hindi naman sila nagtanong. Wala naman kaseng mga chismosa at chismoso dito dahil wala si Sta. Maria.
Binuklat ko iyong papel na kasama sa black envelop. I sighed. Mukang mahaba habang oras ang gugugulin ko para sa mission ko na ito. Mukang walang thrill ngayon dahil walang action. I smirked.
Mukang kailangang doble ingat ako ngayon para walang makaalam kung ano at sino talaga ako.
Inayos ko lang iyong maiiwan kong gamit bago ako lumabas ng punso. Este ng head quarters pala namin. Sa Ilalim kase ng lupa tapos malapit pa sa kagubatan at dagat. Matindi talaga sila.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga pasabog nila kanina. Hindi ako nainform. Iyong kasexyhan at kagandahan ko tuloy hindi kinaya.
Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko napansin na nasa malapit na pala ako sa kalsada. Tumalon ako pero malas nga ako ngayon araw ay namali ako ng pagbaba kaya gumulong ako sa lupa. Hindi ko namalayan na may nakahinto na palang kotche sa harap ko ang nakipag lips to lips ako sa isang mayabang na sasakyan. Tapos may narinig akong nagmura.
Nang tingnan ko ay isang higante at nakatingin at ini inspeksyon iyong kotche niyang nagmamayabang. Napasimangot ako. Sa halip na ako na muntik na niyang masagasaan hindi manlang tiningnan.
Napangisi ako ng may pumasok sa isip ko. Ako pa naman ay matalinong estudyante ni Maria. Mukang hindi pa ako nito napapansin. Iyong mahabang buhok ko ay ginulo ko at itinaklob sa muka ko. Tapos hinawakan ko siya sa binti. Palihim akong napangisi ng mapatalon ito.
"s**t!" He hissed. Sinubukan ako nitong hawakan.
"Huwah!" pananakot ko dito.
Napaupo ito sa sementadong kalsada sa gulat sa ginawa ko.
"Damn it! Damn it!" Sunod sunod na mura nito.
Mukang sa laki nitong tao ay sobrang duwag din nito. Kaya lalo akong napangisi dahil makakaganti ako sa kanya dahil sa pambabalewala niya at sa muntik na niya akong maaksidente. Muka lang akong duwende pero tao kaya ako! Haler!?
"Ako si Sadako! Huwahh!" sabi ko pa at hinila iyong isang paa nito.
Napamura na naman ito. Bwusit! Inglesero rin ang walang hiya!
"Kakainin kita! Gutom na gutom pa naman ako! Rawr!" saka ako tumawa ng parang sa mga napapanuod ko na pelikula.
Gusto kong humalakhak ng naging maputla ang gwapo nitong muka. I smirked. Gwapo nga sobrang duwag naman.
"Ahhhhh!!!" malakas na sigaw nito.
Hihilahin ko sana ulit ang isang paa nito ng pumiksi siya. Tapos ay nagmamadali itong nagtatakbo pasakay sa kotche niya. Tapos ay humarurot iyon palayo.
Inayos ko iyong buhok ko at umayos ako ng tayo.
"Ang gwapo pa naman. Saksakan naman ng duwag. Sa ganda kong ito? My God ha? Sexy sexy ko pa kaya. Saan siya nakakita ng laman lupa na malaki ang boobs? Baliw!" napapailing nalang ako at pinulot iyong nalaglag kong bag.
Napakunot iyong nuo ko ng makita kong may isang bagay pa roon na alam kong pagmamay ari niya. Isang wallet. Hindi lang basta wallet. Mukang ginto ito dahil sa dami ng credit cards at cash. Napangisi ako! Mukang yayamaning tunay si Pogi. Kinuha ko iyong isang i.d.
"Mikhael James Cruz." malakas na basa ko habang pasakay ako sa motorbike ko.
Napaisip ako. Parang narinig ko na iyong pangalan niya o nabasa ko na sa isang magazine. Hindi ko lang alam kung saan at kailangan. Pero alam ko na narinig ko na iyon.
"Mikhael! Mikhael! Bwusit! Saan ko ba siya narinig?"
Tinitigan ko pang mabuti iyong picture niya sa id.
"Tang ina much!" Mura ko.
Kase iyong puso ko parang bumilis. Iyong para akong tumakbo sa maniningil namin ni Maria. Ganern!
Putcha! May crush pa yata ako dito sa lalakeng duwag na ito! Enebeyen! Magdadalaga na din ba ako?