Valerie POV “May gagawin ba kayo mamaya?” tanong ko sa tatlong bruha nang magkita-kita kami sa cafeteria ng hospital. Sabay-sabay silang huminto sa pagnguya at pag-inom. Tumigil sa ere ang kutsara ni Sarah, napahinto si Stella sa pagnguya, at si Cathy nama’y ibinaba ang baso, saka silang nagkatinginan na parang may tahimik na pag-uusap na naganap sa pagitan nila. “Hmmm… wala naman,” sabay-sabay ding sagot ng mga ito. Tumango ako, saka walang paligoy-ligoy na sinabi, “Inom tayo.” Sa sinabi ko, halos mabilaukan silang tatlo. Umubo si Sarah at napahampas sa dibdib, napahawak si Stella sa mesa na parang nahilo, at si Cathy literal na napaluwa ang iniinom, buti na lang at hindi tumalsik sa tray. “Ano sabi mo, Val?” si Cathy ang unang naka-recover, bakas pa rin ang gulat sa mukha. Napaiko

