POV: VALERIE Dahan-dahan siyang lumapit, parang ayaw akong takutin. “Are you okay?” Napatigil ako. Ang boses niya. Parang— Umatras ako, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala. Baka isa rin siyang masamang tao. Baka palabas lang ang ginawa niya kanina. Baka kasama siya ng tatlong lalaki. “Are you okay?” muli niyang tanong, mas malumanay. “Please, gusto ko lang—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang unti-unti niyang tanggalin ang helmet niya. Parang bumagal ang mundo. “Kazuki?” halos pabulong kong sabi. Tinanggal niya ang gloves niya, at doon ko nakita ang mukha niyang ilan araw ko na hinahanap, miss na miss ko na. Nanlaki ang mata ko. Parang hindi ako makahinga, at makapaniwala narito ito sa harapan ko. “Val,” tawag niya sa panga

