Pasado alas-otso ng umaga nang unti-unti akong gumising. Wala akong tulog kagabi, pero kahit pagod na pagod ang katawan ko, alam kong kailangan kong bumangon para ipaghanda ang almusal ni Kazuki. Para sa iba, simpleng bagay lang ang magluto ng almusal, pero para sa akin, ito ang munting paraan para ipakita ang pasasalamat ko—sa kanya at sa mga kaibigan niya na sa kabila ng lahat ay tinanggap ako. Hinayaan ko muna si Kazuki na pansamantalang manatili sa kama. Pinanood ko siyang mahimbing na natutulog, at napansin ko na sa mga sandaling iyon, tila naging mas maamo at inosente siya. Ang kanyang buhok na bahagyang magulo, at ang mga kilay na bahagyang nakataas sa pagkakahiga—parang batang naglalaro. Napangiti ako nang maramdaman ko ang init ng damdamin ko sa kanya, at dahan-dahan kong hinila

