POV: VALERIE Nakauwi na kami sa bahay, madaling-araw na nang makarating kami. Nahihiya talaga ako sa mga kaibigan ni Kazuki. Kahit hindi nila responsibilidad, sila pa ang tumulong sa amin lalo na sa mga kaibigan kong lasing at emosyonal. Hindi ko maiwasang maramdaman ng hiya para hindi pa naman sila sanay sa ganon. Pagpasok namin sa loob agad sila umupo sa Sofa. Seryoso, tahimik, at halatang pagod sa nangyari. Si Darkness nakasandal, naka-cross ang braso, si Lucien tahimik lang, at si Zadan… nakaupo nang tuwid, walang emosyon, parang hindi naapektuhan ng lahat. Nakatayo ako sa tabi ni Kazuki, hawak ang baso ng tubig, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Pasensya na,” mahina kong sabi. “Nakakahiya… nakita ninyo pa ang mga pinagagawa namin.” “At salamat dahil sinamahan ninyo kami,” “It’

