3rd pov Kabanata 46 Malakas na kalabog ang yumanig sa loob ng maluwang ngunit malamig na silid. Tumama ang isang kristal na plorera sa marmol na sahig, basag-basag ang salamin, kasabay ng galit na hindi na kayang pigilan. “No… this isn’t true!” sigaw ni Henagin habang nanginginig ang buong katawan. “You’re lying to me, Dad!” Nakatayo siya sa gitna ng silid magulo ang buhok, luhaang mga mata, at halos wala nang kulay ang mukha. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakakuyom, parang anumang oras ay may sisirain na naman siyang bagay para lang mailabas ang sakit. “Henagin, calm down,” mariing pakiusap ni Don Heroic Aoyama habang pilit na inaabot ang anak. “This isn’t helping you.” Pero umatras si Henagin, para bang nasusunog ang balat niya sa simpleng paglapit ng ama. “Don’t touch me!”

