POV: Kazuki Tahimik ang buong mansion, pero ang utak ko ay parang giyera. Kahit tapos na ang habulan, kahit ligtas na si Val at ang anak namin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Vesper. He crossed the line. Nakatayo ako sa labas ng kwarto namin, nakasandal sa pader habang nakatitig sa saradong pinto. Sa loob, mahimbing na natutulog si Valerie. Nawalan siya ng malay kanina sa sobrang shock at pagod, at hanggang ngayon hindi pa rin siya ganap na nakakabawi. But she’s alive. Our baby is alive. At iyon lang ang mahalaga. Ngunit kasabay ng pasasalamat ko ay ang galit na hindi ko kayang ipaliwanag. Vesper. He was never just a businessman. He was never just a rival. He was my mortal enemy. Lumaki kami sa parehong underground world. Magkabilang panig ng sindikato. Pareho kam

