POV: Valerie Tahimik akong pumasok sa guest room. Hindi ko isinara nang malakas ang pinto parang natatakot akong marinig niya ang bigat ng dibdib ko kahit nasa kabilang kwarto siya. Umupo ako sa gilid ng kama at sandaling nakatulala sa dingding. Wala akong masyadong maramdaman o baka pagod lang ang isip ko sa lahat ng nalaman ko ngayong gabi. Mafia lord. Dangerous world. Secrets. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ang katotohanan, o ang katotohanang hindi niya sinabi agad sa akin. Huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa tiyan ko. “Okay lang tayo, anak,” mahina kong bulong, hinahaplos ko ng dahan-dahan ang tiyan ko habang kinakausap. Hindi ako umiiyak nang malakas. Tahimik lang ang luha, masagana tumutulo sa pisngi ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ako galit kay

