POV: Valerie Nakatingin ako sa labas tahimik ang buong bahay, pero ang dibdib ko parang may sariling ingay. Nakatayo ako sa tabi ng bintana ng silid namin, nakatanaw sa malawak na hardin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong ganoon nakapikit, humihinga nang malalim, sinusubukang ayusin ang isip ko. Oo nakapag usap na kami ni Kazuki kanina pero may gumugulo. Pa rin sa isipan ko. Hindi naman agad maalis ‘yun. Ang lalaking mahal ko, ang ama ng dinadala ko ay isang mafia lord. Akala ko isnag simple lamang Business Man. Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto sa likod ko. Hindi ko na kailangang lumingon. Alam ko kung sino iyon. Hindi siya nagsalita agad. Ramdam ko lang ang presensya niya, dahan-dahan ang lakad nito pato sa akin hindi ganon kalapit. At gaya ng inaasahan ko, tumigi

