POV: Vesper Walang nagtangkang magsalita tahimik ang pribadong silid, pero ang tensyon ay halos bumabalot sa loob. Nakatayo si Vesper sa gitna ng kwarto, ang mga kamay ay nakapamulsa, ang likod ay tuwid. Sa harap niya, nakahilera ang ilan sa kanyang mga tauhan lahat nakayuko ang ulo. Walang nagsasalita. Walang humihinga ng malakas. Isang tablet ang mahigpit na hawak niya. Sa screen, malinaw ang kuha ng sasakyang tinamaan ng bala. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tablet sa mesa. Walang sigaw. Walang pagmumura. Mas delikado ang katahimikan. “So,” he said calmly, his voice low but sharp. “Explain to me why she was almost hurt.” Walang sumagot. Isang tauhan ang bahagyang umubo, parang gustong magsalita pero natigilan. Isang maling galaw lang, alam nilang tapos sila. “I gave one rule

