Kabanata 44: The Promise by the Sea Val pov “Saan ba tayo pupunta, Kazuki?” mahina kong tanong habang dahan-dahan niya akong inaakay palabas ng sasakyan. Nakapiring pa rin ang aking mga mata, at hawak niya ang balikat ko na para bang natatakot siyang madapa ako kahit isang hakbang lang. Katatapos lang naming magsimba. Araw ng kaarawan ko ngayon, at akala ko’y iyon na ang buong plano isang simpleng misa, isang tahimik na salu-salo. Ngunit pagpasok pa lang namin sa kotse kanina, maingat na niyang itinakip ang piring sa aking mga mata. May surprise raw siya. “Ssssh… we’re almost there, Anata,” mahinahon niyang sagot, ramdam ko ang ngiti sa boses niya kahit hindi ko man ito makita. Napabuntong-hininga ako. “Hmm, baka kalokohan na naman ang binabalak mo? Hay naku, lalaki ka talaga. Nakal

