Lumabas ako ng banyo na nakasuot ng simpleng damit. Wala nang bakas ng hilo, pero nananatili pa rin ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang lumabas ng silid. Sandali akong nagdalawang-isip kung babalik na lang ba ako sa kama o lalabas ng kwarto. Nahihiya akong makaharap si Kazuki. Hindi ko alam kung paano kikilos kung normal lang ba o may dapat ba akong ipaliwanag. Pero wala rin naman akong takas. Iisa ang bahay namin. Iisa ang mundong kailangan naming galawan. Kaya dahan-dahan akong naglakad palabas ng silid. Habang bumababa ako ng hagdan papunta sa living room, may narinig akong mahinang tunog banayad, malinaw, at pamilyar. Unti-unti kong nakilala ang himig. Piano. Napahinto ako sa kalagitnaan ng hagdan. Sinundan ng mga mata ko ang pinanggagalingan ng tuno

