Valerie POV Nagising ako na para bang may kumukurot at pumipintig sa loob ng ulo ko. Napangiwi ako at dahan-dahang napabangon sa higaan. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, parang ayaw makisama ng bawat galaw. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, napapikit muli habang hinahawakan ang sentido ko. “s**t… ang sakit ng ulo ko,” mahina kong sambit. Parang umiikot ang mundo kahit nakapikit lang ako. May kung anong humihila sa loob ng ulo ko isang halo ng pagod, hilo, at alaala na pilit umaahon pero hindi ko pa kayang harapin. Hindi agad ako dumilat. Nanatili akong nakapikit, pilit inaayos ang gulo sa isip ko. “Haist… ang bigat ng ulo ko,” bulong ko ulit, halos daing na. Huminga ako nang malalim. “Bakit ba kasi ako uminom?” “Kaya ayaw ko talaga sa alak,” irita kong sabi sa sarili k

