Kabanata 38 Val POV “Kilala mo ba si Vesper?” tanong ko kay Kazuki nang makasakay kami sa kotse. Napansin ko na halos hindi niya ako binitawan mula pa kanina. Sobra ang lapit niya mahigpit ang yakap sa akin na parang may kinatatakutan siyang mawala ako. “May problema ba?” marahan kong tanong nang mapansin kong tila may bumabagabag sa kanya. Nasa back seat kami dalawa, habang tahimik na nagmamaneho ang driver namin. Huminto ang sasakyan sa isang traffic light. Saglit siyang napatingin sa akin bago muling tumingin sa daan, tila sinusuri ang paligid. “Nothing, Anata,” sambit niya. Hinawakan niya ang aking mukha at marahang hinaplos ang pisngi ko, tila sinusubukang pakalmahin ako. “He’s just someone I don’t know well. I don’t like you talking to people you barely know.” Napakunot ang

