kabanata 37

1810 Words

“KABANATA 37 POV: Valerie “Mister,” tawag ko kay Kazuki matapos kong ayusin ang sarili ko. Humarap ako sa kanya at halos mapatulala sa nakita ko. Suot niya ang itim na tuxedo na bumagay sa matangkad at matipunong pangangatawan niya. Ang balikat niya ay malapad, ang tindig ay tuwid at may natural na awtoridad na parang sanay siyang sundin ng lahat. Ang buhok niya ay maayos na nakasuklay, bahagyang nahuhulog sa noo niya, dagdag sa misteryosong anyo niya. Ang mga mata niyang kulay dark brown ay malamig kapag seryoso, pero kapag nakatingin sa akin, nagiging banayad at mainit. Matangos ang ilong niya at ang mga labi niya ay madalas may bakas ng mapaglarong ngiti—ngiting kayang paikutin ang ulo ko kahit hindi niya sinasadya. Yeta, bakit sobra ang gwapo ng lalaking ito? ani ko sa isipan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD