Kabanata 17 Valerie pov Napatigil ako sa paghakbang palabas ng banyo nang makita ko si Kazuki na nakaupo sa sofa sa loob ng silid namin. Naka–black satin robe siya at pajama pants, bahagyang nakabukas ang suot kaya lantad ang tattoo niyang dragon na nakapulupot sa dibdib niya. May hawak siyang baso ng alak, tahimik na nakasandal, pero ramdam kong alam niyang naroon na ako. “Are you done?” tanong niya habang muling sumisimsim ng alak. Tumango lang ako at agad nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya masyadong diretso, masyadong mainit, parang binabasa ang bawat iniisip ko. Tahimik akong naglakad papunta sa tokador at umupo sa harap ng salamin. Kinuha ko ang suklay at dahan-dahang inayos ang buhok ko, pilit nagpapakatatag kahit ramdam kong nakatutok pa rin ang mga m

