KABANATA 7 Valerie POV Naalimpungatan ako na tila may mahigpit na yakap sa akin. Parang may mabigat na braso ang nakapulupot sa aking baywang mainit, matatag, at hindi pamilyar. Bahagya akong napakurap, saka dahan-dahang bumaling ang paningin sa side table sa gilid ng higaan. Nang makita ko ang oras, halos mapasinghap ako. Lagpas ala-una na ng madaling-araw. Bumaling ako sa kabilang panig. At doon halos manglaki ang aking mga mata makita kung sino ang nakayakap. Si Kazuki. Mahigpit ang yakap niya sa akin, parang natatakot na mawala ako kahit sa panaginip. Sisigaw na sana ako, pero napahinto ako nang mapansin kong naka-business suit pa siya. Gusot ang amerikana, nakaluwag ang kurbata, at bakas sa mukha niya ang matinding pagod. Imbes na mainis, bigla akong natahimik. “Saan ba gali

