Kabanata 6 (Dagdag na Eksena) Valerie POV “Anoooo?!” Sabay-sabay na sigaw ng tatlo kong kaibigan ang sumabog sa maliit na café na pinili naming tagpuan. Napapikit ako at agad na hinawakan ang sentido ko. Para akong binagsakan ng malakas na speaker sa magkabilang tenga. “Grabe naman kayo,” iritang saad ko habang dahan-dahang humihinga. “Kailangan ba talagang sabay-sabay? Para akong nabingi.” Pero imbes na humupa, lalo pang lumaki ang mga mata nila parang mga batang nakakita ng multo. “Ano ba naman ’yon!” si Stella ang unang nakabawi. “Pumunta lang tayo sa bar, Val! Isang gabi lang! Tapos may asawa ka na agad?!” “Instant wife!” singit ni Sarah, halos tumalon sa upuan. “Girl, unfair! Makapunta nga ulit sa bar. Baka sakaling ako naman ang magising na may asawa!” “Sira ulo,” maikling sa

