KABANATA 5
Valerie POV
Haist.
Tinanggap ko na ang nangyari sa akin. Kasal na hindi ko pinili, ang buhay na biglang nagbago pero hindi ibig sabihin noon ay papayag akong magkaanak kami. Hindi sa ayaw ko pero masisi ninyo ba alo kung bigla na lang may dumating tapos humihingi ng anak diba kahit sino mabibigla.
“Kaya Never!”
Paulit-ulit kong inuusal iyon sa isip habang maingat na humahakbang pababa ng kama. Maaga akong nagising. Gutom na rin, at may pasok pa ako sa ospital mamaya. Dahan-dahan akong bumangon, sinisigurong hindi makalikha kahit kaunting ingay.
Napasilip ako sa kabilang side ng kama.
Tulog pa si Kazuki.
At doon ako natigilan.
“Bakit ganon?” bulong ng isip ko. “Para siyang anghel kapag tulog.”
Tahimik lang ang paghinga niya, pantay at mabagal. Wala ang malamig at matalim na presensiyang palagi niyang dala kapag gising. Ngayon, payapa lang ang mukha niya halos hindi mo akalain siya ang lalaking bigla na lang naging asawa ko.
Napailing ako.
“Makababa na nga,” bulong ko. “Mahirap na, baka isipin pa ng lalaking ’to na minamanyak ko siya.”
Bakit, hindi ba? singit ng isa pang boses sa utak ko.
Muli akong napailing, mas mabilis ngayon, na para bang kaya kong iwaksi ang kung anong delikadong ideya.
Habang pababa ng hagdan, hindi ko maiwasang humanga sa loob ng bahay. Malawak, elegante, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye.
Ito ang pangarap ko.
“Haist iba talaga kapag mayaman,” bulong ko sa sarili. “Wala kang hirap-hirap na magpatayo ng ganito kalaki at kaganda.”
Napabuntong-hininga ako.
“Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?”
Pero agad ding sumunod ang inis.
“Malaki nga ang bahay, pero isang kwarto lang ang hindi naka-lock,” irita kong bulong. “Lahat sarado. Kaya ayun magkatabi tuloy kami ng kumag na ’yon.”
Wala naman akong magawa. Alangan namang matulog ako sa sahig. Kaya kahit labag sa loob ko, napilitan kaming magtabi.
Malawak ang kama, oo.
Pero hindi ibig sabihin noon ay komportable ako.
Nilagyan ko ng maraming unan ang gitna namin isang improvised na pader. Isang malinaw na hangganan. Para alam niya kung hanggang saan lang siya pwedeng lumapit.
Tatlong buwan lang, paalala ko sa sarili.
Tatlong buwan para makahanap ng paraan para makalaya.
“Paano kung hindi?” bulong ng isip ko.
“Papayag ka na lang bang magkaanak kayo?”
Napapikit ako saglit, saka mariing umiling.
Hindi.
Pagdating ko sa kusina, bahagya akong napangiti.
Kumpleto ang laman ng ref sariwang gulay, itlog, tinapay, gatas, at iba’t ibang rekado. Halatang bagong grocery. Kumpleto rin ang mga kagamitan: mamahalin, maayos, at halos hindi pa nagagamit.
Ang kusina ay malawak, maliwanag, at tahimik halos kasing laki ng buong apartment na tinitirhan ko noon.
Hindi ko napigilang matuwa.
Masaya akong nagluto ng almusal. Bilang nutritionist, kabisado ko ang tamang balanse ng protina, carbs, at vitamins. Medium-cooked eggs, whole-grain toast, at fresh salad na may cherry tomatoes, spinach, at kaunting olive oil drizzle.
“Haist…” mahina kong bulong.
Hindi ako sanay na may ipinagluluto. Dati, mag-isa lang ako. Ngayon, dalawa na kami sa loob ng isang napakalaking mansyon.
Paano ko haharapin ang lalaking ’to?
At paano ko mapigilan ang sarili kong hindi maaakit sa kanya?
Napatingin ako sa salamin sa gilid ng kusina at muntik nang mapailing.
Hindi ako papayag.
Never.
Biglang may nagsalita sa likuran ko.
“What are you doing?”
Napatalon ako sa gulat.
“Ang gwapo hipon!” sigaw ko sabay hawak sa dibdib, mabilis na humarap.
Halos lumuwa ang mga mata ko.
Sa pangalawang pagkakataon, muli kong nakita ang katawan niyang iyon sa liwanag ng umaga. Simple lang ang suot puting T-shirt at itim na pantalon pero kahit gano’n, hindi maikakaila ang tindig niya. Matikas, malinis, at may presensiyang parang pinupuno ang buong kusina.
Yeta. Umagang-umaga, busog na agad ang mga mata ko.
Mabilis kong inilihis ang tingin.
“Don’t shout,” kalmado niyang sabi. “It’s too early.”
“Eh bigla ka bang sumulpot!” singhal ko. “Wala ka bang yapak?”
“I walked normally,” sagot niya. “You were just distracted.”
“Hindi ako distracted,” depensa ko habang bumabalik sa kawali. “Nagluluto lang ako.”
“For what?”
Lumapit siya sa counter, pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
“Breakfast. Malinaw naman.”
Sinuri niya ang pagkain, saka ako.
“You don’t have to. There are staff.”
“Ay, pass,” sagot ko agad. “Ayokong may ibang taong gumagalaw sa paligid ko. Isa ka na nga lang, sapat na.”
Tinitigan niya ako, tila may gustong sabihin, pero piniling manahimik.
Tahimik kaming dalawa ng ilang segundo hanggang sa maramdaman kung masyado na siyang malapit.
“Pwede bang umatras ka ng kaunti?” sabi ko. “Hindi ako sanay na may tao sa likod ko habang nagluluto.”
Dahan-dahan siyang umatras. Isang hakbang lang.
“Better?”
“Medyo.”
Inayos ko ang mga plato, maingat ang bawat galaw. Nang ihain ko ang pagkain
“Kain na tayo,” sabi ko.
Nakatingin lang siya sa akin.
“Ayaw mo, okay lang,” dagdag ko.
Walang salitang umupo siya.
“I didn’t say I don’t want,” sagot niya.
“I just didn’t expect you to cook.”
“Ganito talaga ako,” sabi ko habang nagsasalin ng kape.
“At isa pa, huwag kang umasa ng kung ano.”
“That’s not what I meant.”
“You look calm.”
“Ganito lang talaga ako,” sagot niya. “But that doesn’t mean I’ll force what I want.”
Tumingin siya sa akin nang diretso.
“We already talked about this.”
“You still have time,” sagot ko.
“Time to think,” diin ko.
“Not time to agree.”
Tumango siya.
Habang kumakain kami, hindi ko napigilang magtanong.
“Pwede bang magtanong?”
Tumingin lang siya.
“About what?”
“Kung seventy years old ako nung kinasal sa’yo sa papel,” giit ko.
Napataas ang kilay niya.
“Then?” malamig niyang sagot.
Pinaikot ko ang mata ko. Kung masungit siya, maldita naman ako.
“Don’t roll your eyes,” babala niya.
“Eh ikaw nga sinusungitan mo ako. Nagtatanong lang naman ako!”
“Tsk.”
“So bakit nga?” ulit ko.
“Nothing,” sagot niya.
“And I’m too busy to think about having a young wife.”
“Ah?” yun lang ’yon?
Pero bigla niyang dinugtungan
“Honestly, Val… it’s not like your body is particularly appealing.”
Parang may malamig na tubig na binuhos sa akin.
Nainit ang pisngi ko sa galit, sa hiya, sa kung anuman.
“Ay iba ka rin, ha?” sabi ko. “Nakita mo na nga ang katawan ko, ganyan pa sasabihin mo?”
Sa inis ko, hindi ko na siya kinausap. Ayokong may masabi pa akong pagsisisihan.
Kazuki POV
Pagkatapos naming kumain, mabilis na inayos ni Valerie ang paligid. Ilang minuto lang malinis na ulit ang kusina.
She’s efficient.
Controlled.
Determined.
Tumunog ang cellphone ko.
Lucien.
“Did you convince her?” tanong niya agad.
Napangiti ako, walang saya.
“I’m not rushing anything.”
“Three months,” paalala niya.
“Yes,” sagot ko.
“Three months.”
“You’re serious?”
“Time to think,” sagot ko.
“Not time to agree.”
Napatingin ako sa pintuan ng silid niya.
She’s stubborn.
Smart.
Independent.
And that’s exactly why I have to be careful.
Three months.
Enough time to prove that I respect her.