KAZUKI POV Tahimik ang sala habang nag-uusap kami nina Darkness. Mabigat ang usapan negosyo, seguridad, at mga isyung hindi puwedeng ipagsigawan kahit kanino. Nakaupo ako sa sofa, nakasandal, habang hawak ang baso ng alak na matagal nang hindi ko iniinom. Biglang naputol ang usapan namin nang may marinig kaming kaluskos sa hagdan. Footsteps. Mabilis. Parang nagmamadali. Lahat kami napatingin sa itaas. At doon ko siya nakita. Si Val. Naka-jacket kahit naka-pajama, gusot ang buhok, at halatang kaka-gising lang. Pero malinaw ang urgency sa kilos niya habang bumababa ng hagdan. Tumayo ako agad. “Val,” tawag ko, mabilis siyang sinalubong. “Where are you going?” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya—hindi pa talaga siya fully rec

