Kabanata 25 Valerie Pagdating namin sa bahay. Tahimik ang buong paligid, parang kami lang dalawa ang tao. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, agad na bumukas ang pinto sa side ko. “Careful,” sabi ni Kazuki habang inaabot ang kamay ko. “Ako pa ba?” natatawang sagot ko. “Hindi naman ako baldado.” He raised an eyebrow. “Still. You’re not feeling well.” Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na okay lang ako, parang ayaw niyang paniwalaan. Daig pa nga nito ang isang bata sa kakulitan. Pagpasok namin sa loob ng bahay, agad siyang nag-utos sa mga tao sa kusina. “Prepare something warm for her. Soup. And ginger tea,” sabi niya sa malamig na tono. Nagkatinginan si Megan at Nicole pero mabilis silang kumilos. “Opo, sir,” wika ng dalawa. “Gra

