Chapter 2

2723 Words
Chapter 2 Pinauwi na ng pilipinas si Prince Martin ng mga magulang nito at hindi pinaalam sa press na uuwi sya dahil sa ayaw ni Prince Martin na pinagkakaguluhan sya ng mga tao at ayaw din nya na pinapakilala sya ng mga magulang nito na isang king and queen ng bansa. Tatlo ang naging anak ng mag asawang Scottland dalawang babae at nag iisang lalake at ito nga ay si Prince Martin. Sa airport. " Ang init naman dito, sinabi ng ayaw kong bumalik dito dahil sa ang ingay na nga ng mga tao ang init pa." Pagkausap ni Prince Martin sa sarili. Nag aabang na rin naman ang susundo kay Martin at ito nga ang pinsan nitong ni Hence.Nakita na ni Hence si Martin na palabas ng waiting area at tinawag ito. " Hey Prince.." tawag ni Hence kay Martin. Agad namang nakita ni Martin ang pinsan at nilapitan na ito. " Hey what's up! bakit ganyan ang mukha mo? hindi kaba masaya na bumalik kana sa bansang sinilangan mo? oh by the way, how's your trip?" tanong ni Hence kay Martin. "Tired... and I don't want to stay here." "Sorry kana lang, because you stay here for good." " Kakainis nga eh... ang init at ang ingay pa naman dito sa pilipinas." "Masanay kana sa maingay, sa mainit and of course sa traffic." "That's why I hate it." reklamo pa rin ni Martin. " E ikaw gumawa ka ng kalokohan don tapos mag rereklamo ka kung pauwiin ka ng parents mo." Nakarating na sila Martin sa palasyo at agad na sinalubong ito ng mga magulang. "Oh my prince Maty.." salubong ng mommy ni Martin sa kanya at saka pinupog ng halik. "Mom... stop it." saway ni Martin sa ina na panay ang halik. "Namiss ko lang naman ang baby ko." "Mommy I'm not a baby." reklamo naman ni Martin. "Third, magpahinga kana at maya maya mag di-dinner na tayo, and Eliza stop that." Saway ng daddy Martin the 2nd sa asawa nito. "Ano ba kayo nag lalambing lang naman ako dito sa baby ko, three months din kaming hindi nag kita." hindi parin paaawat ang mommy Eliza ni Martin. "Dad, Mom papasok na muna ako sa room ko." Paalam ni Martin sa magulang. Pinauwi si Martin ng mga magulang nito dahil sa hindi ito nag aayos ng pag aaral at puro barkada ang inaatupag at puro gulo pa ang nakakarating sa mag asawa kaya naman napag disisyonan ng magulang nito na pauwiin at dito na papag aralin, buti nalang kakasimula palang ng pasukan kaya makakahabol pa ito sa klase at dahil sa ang lolo nya ang may ari ng school na papasukan nito kaya hindi na nahirapan pa na makapasok. Friday at katatapos lang ng klase ni Bredie ng maisipan nyang dumiritso ito sa Bredie's Jewelry shop at sya na muna ang nag bantay sa cashier dahil ang tita Magie nya ay may pinuntahan ng araw na yon, ng may pumasok sa shop nya at hindi nya ito tinitingnan kung sino ang pumasok dahil busy ito sa pag design ng ginagawa nyang bracelet. Si Martin ang pumasok ng sa shop ni Bredie dahil sa may nakita syang bracelet na ireregalo nya sa Mommy at sa mga kapatid nito at kinuha ito sa lagayan at babayaran nya ito gamit ang credit card. " How much is this miss?" Tanong ni Martin kay Bredie. Tiningnan naman ni Bredie ang binili ni Martin at ng pag angat nya ng mukha at makita nito si Martin ay na pa nga-nga ito at natulala. " Hey miss... miss... "patuloy na pag tawag ni Martin. At dahil sa nakatingin lang si Bredie kay Martin kaya naman ang kinausap nalang ni Martin ay ang sales lady. " Hey miss paki balot nito at ito na ang bayad." kausap ni Martin sa saleslady. " Wait lang po sir." Nilapitan ng sales lady si Bredie at niyogyog ito dahil sa hindi parin nag sasalita at nakatunganga parin ito kay Martin. " Ma'am Bredie, may customer po na mag babayad na." Pag kausap ng sales lady kay Bredie. "Hey miss... ok kalang ba? baka maihipan ng hangin yang bibig mo at maging ganyan na yan, or ganyan na talaga ang bibig mo naka buka." - si Martin. At dahil sa sinabi ni Martin ay agad naman nag ayos sa sarili si Bredie, at agad na gumawa ng form para pa fill-up-an kay Martin. At ng matapos na ang ginagawa nito ay agad nya itong prinint at nilapitan si Martin na naka upo sa sofa na kung saan hintayan ng mga customer kung may mga order ito na kailangan pang kunin sa store room. "Hi sir... paki fill-up po nitong form na ito." bigay ni Bredie sa form. Kinuha naman ni Martin ang form na binigay ni Bredie at binasa ito. " Name, nick name, name of school? birth day, may ganito ba? kailangan ko pa ba tong sagutan?" tanong ni Martin kay Bredie. "Yes sir." " Para saan?" "Ahh... for info nyo po sir dahil alam mo naman baka may mali sa nabili nyo at kailangang palitan may form po kayo na katunayan na dito nyo nga po binili." Paliwanag ni Bredie. " Wala akong time na sagutin ito, at tamad ako sa mga ganyan." "Ako nalang po ang mag susulat para po sa inyo kung tinatamad po kayo." agad namang sabi ni Bredie. “Name?” tanong ni Bredie. “No name!” “ Scottland, Martin Third,” Sagot ni Bredie dahil sa hindi nakiki pag participate si Martin. “Nickname?” muling tanong ni Bredie. “Secret!” “ Ang ganda naman ng nickname mo secret... ” at isinulat na ni Bredie ang words na secret sa form na pini-fill-up-an nya. “Birthday?” muling tanong nito. “Secret!” “Secret na naman?... July, 4 1997.” sagot na naman ni Bredie. “Bakit alam mo birthday ko?” tanong ni Martin. “ Secret...Address?” muling tanong na naman ni Bredie. “Liko liko street di mahanap...” “ Ahahahahaa... may address bang ganon?” “ Oo....address ko nga diba?” Dahil sa alam ni Bredie ang address ni Martin kaya sinagot na naman nya ito ng tama. “ # 143 lot, Royal ascout ... ” “Pati address ko alam mo?” singit ni Martin. Ngunit di pinansin ni Bredie ang sinabi ni Martin. “ Nakakkatuwa ang # ng address mo parang I love you... 143, hahaha....Ok next question, School? saan ka nag aaral at what year mo na?" “Ano? pati school ko kailangan pa talangang alamin?” reklamo ni Martin. “Syempre... dahil karamihan sa customer ko eh puro student kaya kailangan mong sagutin ito.” (sana sagutin nya itong tanong na ito dahil yon ang di ko alam kong saan sya nag aaral, ang alam ko sa kanya sa america sya nag aaral) sa isip ni Bredie. “Di ko sasagutin yan, dahil baka mamaya nyan eh staker pala kita.” “Kailangan mo tong sagutin.. anong school mo?” “Wala! wala akong school.” “Bakit wala kang school?” “ Dahil hindi ako nag aaral.” “Bakit? ... dahil ba sa kararating mo lang dito sa bansa natin kaya di mo pa alam kung saan ka mag aaral?... oh my... wait! bakasyon ka lang ba ngayon?” hysterical na tanong ni Bredie. “ Oo at sa america pa rin ako nag aaral dahil bakasyon namin." "Eh di yong pangalan nalang ng school mo sa america ang ilagay mo dito." Pilit paring sabi ni Bredie. "Wait.. kanina pa ako nakakahalata sayo ah... pahingi nga ng ibang form mo at ako na ang mag pi-fill-up." hingi ni Martin dahil sa nakakahalata na sya kay Bredie na ibang form ang pinapasagutan nito sa kanya. " Wala na kaming form ubos na last na ito." Hindi naman na niniwala si Martin kaya tumayo ito at nilapitan ang sales lady. "Miss may form pa ba kayo?" "Sir? a... anong form po sir?" tanong ng sales lady. "Yong kagaya nong pinapasagutan sakin nong babae don." turo nito kay Bredie. "Eh sir wala naman po kaming form na kailangan pong sagutin ng mga customer po namin." "Ano?" At galit na galit na nilapitan ni Martin si Bredie dahil sa naisahan sya ng isang babae, at ngayon lang ito nangyari sa kanya. Napansin ni Bredie na galit na ang mukha ni Martin ng palapit na ito kaya agad syang tumayo at nag tatakbo palabas at tama naman na may nakita syang taxi at agad na sumakay ito. " I'm sorry my prince Martin.."Hinging paumanhin ni Bredie dito. "Bumalik ka dito..." Sigaw naman ni Martin habang hinahabol ang taxi na sinakyan ni Bredie. "Manong pakibilisan lang po at wag nyo pong e-stop itong sasakyan nyo, parang awa nyo na." pagmamakaawa ni Bredie sa taxi driver. At binilisan na nga ng driver ang pag papatakbo nito at naiwan na si Martin. “Ang wierd ng babae na yon, di kaya staker ko? pati pangalan, address at birthday ko alam..." pag kausap ni Martin sa sarili habang naglalakad pabalik sa shop. Nakarating na si Martin sa shop ni Bredie at tinanong ang sales lady. " Miss sino yong babae dito kanina?" "A si ms Bredie po yon." sagot ng sales lady. "Sya ba ang may ari nito?" muling tanong ni Martin. "Opo..." "So sa kanya pala pinangalan itong shop na to." "Yes sir. Do you need anything sir?" muling tanong ng sales lady. "No more, thanks." " Bakit ba ako kilala non?" muling tanong ni Martin. " Ahhh... kayo daw po kasi ang love at first sight nya." Naubo naman si Martin pakarinig sa sinabi ng sales lady. "Pano akong naging love at first sight non?" "Sa pag kakaalam ko po sir e sa magazine po nya nakita ang pictures nyo at ayon nga lahat ng tungkol sayo e inalam nya." "Hmmm... love at first sight pala.." bulong nito. "Sige miss salamat dito, And I have to go." Paalam ni Martin. "Ok sir." Si Bredie ay nag pababa sa driver sa di kalayuan ng makita nyang hindi na sumusunod si Martin at muling bumalik sa shop. Pag dating ni Bredie sa shop nya ay naupo sya at inilabas ang form ni pinil-apan ni Bredie para dito at kinuha ang phone at pinicturan. Paka picture ni Bredie sa form ay nilapitan nya ang sales lady. "Anong sabi ni Prince martin?" "Tinanong lang naman ang pangalan mo." "What? galit ba sya?" "Hindi naman sya galit ang bait nga nya." " Talaga?" "Grabe ka miss Bredie ah... talangang naka nga nga kapa." alaska ng sales lady kay Bredie. "Oo nga eh.. nakakahiya buti hindi tumulo laway ko." " Naku buti nalang talaga dahil sobra sobrang nakakahiya talaga yon." "Di ko mapigilan ang self ko, alam mo na... ang pogi nya pala sa personal." "Oo nga noh? diba sya yong nasa picture mo?" tanog ng sales lady kay Bredie. "Oo sya nga yon, di ko inaasahan na dito pala kami magkikita." sagot naman nito. "Babalik pa kaya yon sa america? sana dito na sya mag aral." "Para ano? hanapin mo ang school nya at don ka narin mag aaral?" tanong ni Mabel na kakapasok lang at narinig ang pinag uusapan nila Bredie at ng sales lady. "Hi best friend... huli kana sa balita... oh wait pano mo nalaman na si Prince Martin ang pinag uusapan namin?" Tanong ni Bredie sa kaibingang si Mabel. "Narinig ko kaya kayo and I know you... pag sya na ang topic e para kang wala sa sarili, gaya ngayo.. tingnan mo itsura mo para kang nag dday dream dyan." "Oo na, kasi naman ang pogi talaga nya sobra... alam mo yon parang huminto ang pag t***k ng puso ko kanina pakakita ko sa kanya." "Over..." "Di nga totoo yon," Hindi inaasahan ni Bredie na muling babalik si Martin. "So muli palang bumalik dito ang batang ito." singit ni Martin. "Excuse me, I'm not kid." pag tataray naman ni Bredie. "Hahaha... your not kid? pero ano yong ginawa mo kanina? e gawaing pambata yon." "Hindi no... gawain ito ng taong inlove." " Inlove? kanino ka naman inlove?" Tanong ni Martin. "Sayo!" Naubo naman si Martin pakarinig sa sinabi ni Bredie. " Your what? are you my staker?" " Hindi, ngayon palang." "Are you crazy?" "No?" "Akin na yong form na pinil-apan mo kanina." Hingi ni Martin sa form na ginawa ni Bredie. "Ayoko ko nga." "Pag hindi mo sakin ibinigay yan ipagkakalat ko tong shop mo na walang kwenta!" banta naman ni Martin. Agad namang inilabas ang at ibinigay kay Martin. "Oh ayan... tutal alam ko naman na ikaw nga si Princ Martin at ngayon na nakilala na kita masaya ako, sana mag kita pa tayong muli. balik ka dito ulit ah.." "No way... hindi na ako babalik dito sa shop na ito." sabay kuha ng form at umalis na ito. "Nice meeting you may prince..." sigaw ni Bredie. "Over ka naman dyan... feeling close na agad kayo ni prince martin." - si Mabel. "Oo naman at magiging close pa kami lalo.." " And why? anong binabalak mo?" tanong ni Mabel. "Basta... sana dito na sya mag aral talaga, di kasi nya sinabi kong saan sya nag aaral." "So may pa fill -up fill -up ka pa ng form na nalalaman dyan, pero ano binawi naman sayo.. hahaha" pang aalaska ni mabel kay Bredie. "Hahaha... wise ata to.. aya oh.. ang form nya."pinakita sa cellphone ang form na pinicturan nya. "Wow... smart girl." "Talagang smart ako." "So magkita pa kaya kayo nong prince charming mo?" "Oo naman noh..." "At pano?" "Basta mag paplano pa tayo kong pano ko sya hahapin." "wait wait wait... TAYO? you kasama ako sa plano mo na hanapin ang price na yan?" "Of course..." "And why?" "Because you're may best friend." "So di mo man lang tatanongin ako kong papayag ako sa gusto mo?" "Alam ko na papayag ka, dahil what are friends for kung di mo ako tutulongan." "Hay naku ano pa nga ba ang magagawa ko... yan na naman ang pamatay dialog mo." "Hahaha... kaya nga love na love kita eh." sabay yakap ni Bredie sa kaibigang si Mabel. Pag dating ng bahay ni Martin ay agad syang sinalubong ng pinsan nitong si Hence. "Pinsan... anong nangyari sayo at bakit mukhang nakipag away ka dyan?" "May nakilala lang naman akong babae ang kulit at sinabi pa na ako daw ang love at first sight non." "Hahaha.. talaga? anong pangalan?" " Berdie? Bree... di ko tanda parang berdie..." "Hahaha... ano to kulay green?" "Basta ang kulit tol.. sobra." "Maganda ba?" "Hmm... high school or college student na yon." "Ang tanong ko maganda ba sya?" "Hmm.. mukhang barbie." "Wow... tol.. ibig sabihin maganda dahil mukhang barbie." "Ganon na nga, at di ko sure kung anong year na yon ang tangkad nya tol." "Baka naman tol, model yon." "Hindi siguro." "Hahaha... talagang kinuntra mo na ah...dahil ba sa ayaw mo sa mga model?" tanong ni Hence. "Lol... di naman kasi sya mukhang model, mukha nga syang barbie." "Ano may spark din ba? nong makita mo?" "Anong spark spark ang pinag sasabi mo?" "Alam ko kasi ang mga tipo mo... baka kasi may spark kayo at di maglaon eh ligawan mo." "No way tol... ang kulit sobra, biruin mo pasagutin ako nitong form na to..." Pinakita ang form na kinuha nito kay Bredie. "Hahaha... ano to tol, slam book?" "Yon nga eh.. " "Saan mo ba to nakita ang babae nayon?" " Sa may shop... yong jewelry shop." "Pano ka naman na punta don?" "May nakita kasi ako na bracelet at ibibigay ko kay Mommy at sa kanila ate, kaya pumasok ako at bumili ako, and take note ha.. pakakita sakin nong girl na tulala at naka nga nga pa." "Hahaha.. talagang naka nga nga as in?" "Oo tol.. at ayon nga ito pinasagutan sakin, e di ko nga sinagotan, sya naman ang nag sulat, at alam nya name ko, address, birthday ko...ang wierd nya." "Di kaya stalker mo?" "Yon din ang tanong ko sa kanya, at ang sagot ba naman eh, ngayon palang daw." "What anong ibig sabihin non?" - si Hence "Yon nga eh..." "Naku wag mo ng pansinin yon baka naman na crush-an kalang." "Baka nga..." "So pano yan sa monday start ng ng klase mo." "Yon na nga eh.. classmate ba tayo?" "Yeap..." "Buti naman.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD