"Grabe bestfriend di ko inaasahan na makikita ko sya agad agad... di kaya destiny kami?" kinikilig na kwento ni Bredie sa kaibigan.
"Oa mo naman... destiny agad agad, diba pwedeng napadaan lang yong tao dito at may binili?"
"Panira ka talaga ng moment kahit kailan."
"E ikaw palaging nag nag d-dream don sa prince na yon, e alam mo naman na hindi ka papansinin non dahil ang hahanapin din non e prinsesa... Prinsesa kaba?"
"Oo, ng Popsi ko."
"Ang tanong ko prinsesa kaba ng bansa? hindi prinsesa ng lolo mo."
" Alam mo panira ka lagi eh... may galit kaba?"
" Ang oa mo talaga sinasabi ko lang ang reality..."
" Na ako poor at sya ay prince?"
" Oh diba prince naman talaga sya?..."
" Tanongin ko nga si Popsi baka may lahi rin akong prinsesa... malay mo prinsesa pala ako ng bansang..."
"Antarctica ..."Agaw ni Mabel sa sasabihin ni Bredie.
" At ginawa mo pa akong Prinsesa ng mga dolphins... hahaha"
"Ayaw mo non? prinsesa ka pa rin... yon nga lang prinsesa ng mga dolphins."
" Oo na at least prinsesa parin."
"Ayan... wag mong palaging iniisip ang prinsipe na yon."
"I can't help it..."
" Ewan ko sayo... o ito piso kausapin mo at akoy naguguluhan na sayo."
"Wala talaga tong kwentang kaibigan... makikita mo ma iinlove ka rin at pag na inlove ka wag kang mag ku-kwento sakin at kukontrahin din kita."
" Talagang hindi ako mag ku-kwento sayo... dahil hindi mo naman ako papakinggan. Sige na nga at aalis na ako.
"Sabay na tayo, ihahatid kana namin sa inyo at gabi na."
"Mabuti naman at naalala mo na gabi na pala."
" Oo na.."
Kinabukasan at Monday ng ma late magising si Bredie at nag mamadali itong maligo dahil sa late na ito ng 5 minutes kaya di na sya kumain ng almusal, nakarating sya sa school nya ng 8 am at late na ito ng 30 minutes dahil nag sisimula ang flag ceremony nila ng 7:30 at pag na late sila sa school nila ay mag lilinis sila ng toilet at sa labas mag wawalis. Ang akala ni Bredie ay sya lang ang nalate ng araw na yon, ngunit hindi pa man sya nag sisimulang mag linis ng may dumating pang estudyanteng nalate din, at walang iba kundi si Prince Martin. Hindi nakilala si Martin ng guard ng pumasok sya ng school at sinita ito at sinabi na kailangan nitong mag linis ng toilet dahil sa nalate ito at yon ang patakaran ng school. Nag reklamo naman si Martin ngunit hindi ito pinansin ng guard at binigyan na ito ng apron at glove saka pinabit-bit ang balde na may mop.
" Hindi ba ako nakilala ng guard na yon? na akong apo ng may ari ng school na ito eh pag lilinisin ng toilet? makikita ng guard na yon at isusumbong ko sya kay Lolo." pag kausap ni Martin sa sarili.
Habang nag lilinis si Bredie ay kumakanta ito at ang kinakanta nya ay ang favorite band nyang korean na 2ne1.
Kakasimula palang kumanta ni Bredie ng makita ito ni Martin na umaawit at sinasabayan pa ng pag sayaw.
D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E
D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E
D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E
D.O.Y.O.U.L.O.V.E. DO YOU?
Natatawa naman si Martin dahil sa itsura ni Bredie na habang kumakanta ay sumasayaw ito habang kinukuskos ang sahig, at ginagawang mic ang hawak na mop.
Do you love me?
Do you love me?
Do you love me
like The way I love you babe?
At pumasok na si Martin at tama naman na paharap si Bredie sa pintuan.
"D.O.Y.O.U.L.O.V.E. DO YOU? ..." hininaan ang boses...
Natawa na ng tuluyan si Martin dahil sa itsura ni Bredie na napatulala na naman ito at nakabuka ang bibig.
" O ang bibig... naka buka." hinawakan ang bibig ni Bredie at itinikom ito gamit ang kamay. "baka mahanginan.."
"Prince charming... I mean... Prince Martin.. Anong ginagawa mo dito?" pautal utal na tanong ni Bredie.
" Hahaha... ipag patuloy mo lang yong ginagawa mo, nakaka intertain.." sabi ni Martin kay Bredie.
"Sagutin mo muna tanong ko at ipagpapatuloy ko ang pag kanta ko..."
"Sige ano bang itatanong mo?"
"1. Bakit ka nandito? 2.dito kana ba mag aaral? 3. Anong year at section mo kung dito kana nga mag-aaral? 4.Bakit nandito ka sa toilet?" sunod sunod na tanong ni Bredie.
" 1 Dahil sa nalate ako, 2.Oo. 3. 4 year at section A. 4. Dahil nga sa nalate ako kaya pinag linis ako.. thanks to the guard kaya ako nandito.. now ikaw naman."
"Yes!... ibig sabihin lagi na tayong mag kikita..." tuwang tuwa na sabi ni Bredie.
" Now yong pinapagawa ko sayo... gawin mo na dahil boring dito."
"Ano ba yong pinapagawa mo sakin" pag mamaang maangan ni Bredie.
"Nakalimot agad?"
"Ahhh... ito na po..."
At muling kumanta si Bredie.
Do you love me?
Do you love me?
Do you love me
like The way I love you babe?
Gimaghin uriui mannami Ppeonhan chaggageun ani getjyo Kkwag maghin dabdabhan nae mameul Heundeureojwoyo ROCK N ROLL
Sumingit na si Martin.
"Wait wait... ano bang salita yan at di ko naman maintindihan.."
" Korean song yan, ito pa."
At inawit naman ni Bredie ang isa pang song ng 2ne1 na Falling in Love at sinabayan pa ng sayaw nito
I keep falling in love,falling in love
Neoman bomyeon nae maeumi oh oh oh oh
Falling in love falling in love
Neol gatgosipeo na eotteokhae boy
"Ano my Prince charming na intertain na po ba kayo? ayan ah sobra ng bayad yan sa tanong ko kanina kaya may kapalit pa ito."
"At ano namang kapalit?"
" Pahingi ako ng mobile number mo... ohh.. wag kang kukuntra dyan..."
"Ayoko ko nga..."
"Sige na ibigay mo na di kita kukulitin, hindi rin kita tatawagan promise."
" E me-message mo lang?"
"Ganon na nga... may LINE kaba? or viber? para free chat tayo."
"Oh sabi mo di mo ako kukulitin, pero nag tatanong ka naman kung may LINE at viber naman ako.."
"Diba sabi ko sayo di kita tatawagan..." pangungulit parin ni Bredie.
" Sige sa isang kondisyon..."
"Sige ano yon?" excited na tanong ni Bredie.
" Ikaw ang gagawa ng mga ito"
Ang tinutukoy ni Martin ay ang paglilinis ng toilet ng lalake dahil sa lalake sya kaya dapat sa boys toilet sya mag lilinis kaya lang naman sya napasok sa girls toilet dahil sa narinig nitong may kumakanta at sinilip nya at nakita nga nya na si Bredie.
"Ano deal?" tanong ni Martin.
" Sure!... pero mag bantay ka sa labas para pag may papasok na boys harangan mo."
"Oo ba."
"Wait patapos na ako dito."
Pakatapos malinisan ni Bredie ang girls toilet ay kinuha nya ang jogging pants nya sa loob ng bag nito at sinuot dahil sa ang uniform nila ay maiksi at pag tumutuwad sya nakikita na ang cycling shorts nya.
"Ok dyan ka sa labas ah..." bilin ni Bredie kay Martin.
At nag bantay nga si Martin sa labas ng toilet at ng may paparating na mga estudyante na lalake ay pumasok sya ng toilet at inilock nya ang pinto. Hindi naman napansin ni Bredie na pumasok na pala si Martin sa toilet dahil sa busy ito sa pag lilinis. Nagtataka naman ang mga estudyante sa labas ng toilet dahil sa hinti ito mabuksan at agad naman syang nag report sa office ang mga ito at pumunta ang head cleaner ng school at kinuha ang susi, at muling bumalik ng toilet at binubuksan ito, dahil sa nag papanic si Martin ay nilapitan nya si Bredie at tama naman na paharap ito at agad na tinakpan ang bibig nito at napakalapit din ng mukha ni Martin sa mukha ni Bredie dahil sa kunti lang ang itinangkad ni Martin kay Bredie.Ang makakakita sa dalawa ay iisipin na nag hahalikan ito, Hihilahin na sana ni Martin si Bredie ng bigla namang bumukas ang pinto ng toilet at dahil sa pagkabigla natumba ang dalawa at nakaibabaw si Bredie kay Martin at nag lapat ang mga labi nito. Sa makakakita dito ay parang may ginagawang iba ang dalawa dahil sa nakataas ang palda ni Bredie at hindi nakita na naka jogging pants naman ito.
Nakita naman ng mga estudyante ang nangyari sa dalawa at agad na kinunan ng pictures ang mga ito at nag si alisan na. Agad naman na tumayo si Bredie at inayos ang sarili. Ganon din si Martin. Ang principals naman nila ay papasok sa toilet at nakita ang dalawa.
" Anong nangyayari dito?" tanong ng principal ng school na si Mr. Salazar.
"Sir... nakita po namin tong dalawa na nag hahalikan po dito sa toilet." sagot ng head cleaner.
"Ano? You two come to my office..." nauna ng pumuntang office ang principal at nakasunod naman ang dalawa dito.
" Ano bang nangyari? at bakit ba kasi pumasok ka sa loob? e diba sabi ko sayo magbantay ka sa labas..." tanong ni Bredie kay Martin.
" E nataranta ako kanina pakakita ko na may mga papalapit na lalake kaya pumasok ako at nilock ko ang pinto hihilahin sana kita sa loob ng cubicle kaya lang huli na at bumukas na ang pinto at ayon na nga ang nangyari.." Mahabang paliwanag naman ni Martin sa nangyari.
"Anong gagawin natin? " Nag aalalang tanong ni Bredie.
" I don't know... wag mo akong tanongin dahil hindi ako makapag isip ng maayos ngayon."
Nakarating na ang dalawa sa office.
"Sit down.." utos ng principal sa dalawa pakapasok.
" E sir mali po yong iniisip nila ang totoo po non naglilinis po ako ng toilet ng boys at itong si Martin e sa labas po sya para mag bantay..."
"Sa labas? e bakit nasa loob? kong sa labas sya para mag bantay." singit ng principals.
"Yon nga sir di ko po alam kung bakit sya nakapasok... ano ba Martin ikaw ang mag paliwanag sa principal natin." utos ni Bredie kay Martin.
Ngunit si Martin ay wala sa mood na mag salita at mag paliwang kaya hindi sya umiimik.
"Anong mga pangalan nyo?" tanong ng principal sa dalawa.
" Ako po si Bredie Mojica at ito naman po si Scottland Martin Third po." sagot ni Bredie.
"Scootland Martin Third? ikaw ba yan? si Prince Martin?" tanong ng principal kay Martin.
"Opo sya nga po yan.." muling sagot ni Bredie dahil sa hindi parin nag sasalita si Martin. "Ano kaba mag salita ka naman dyan, ano bang nangyayari sayo? "tanong ni Bredie kay Martin.
"Ikaw nga si Martin, at anong ginagawa mo sa toilet? at bakit ganyan ang suot mo?" Sunod sunod na tanong ng principal.
Siniko naman ni Bredie si Martin.
"Hoy tinatanong ka.." - si Bredie.
"Hayaan mo na sya iha sige na pumasok kana sa room mo at ako na ang bahala kay Prince Martin.
Tumayo na si Bredie ngunit tumayo na rin si Martin at sinundan si Bredie.Hinayaan nalang ng principal ng school si Martin at agad agad na nag punta ang principal sa lolo ni Martin para sabihin dito ang nangyari sa apo nito .
"Hoy, ano bang nangyayari sayo? bakit ang tahimik mo na dyan?" tanong ni Bredie.
"Di kaba nababahala sa nangyari?" tanong ni Martin kay Bredie.
"Hay salamat naman at nagsalita ka narin ang akala ko napipi kana."
"I'm serious..."
" Bat naman ako mababahala? e wala naman nangyar... OMG.... "ngayon lang naalala ni Bredie na nahalikan sya ni Martin, at agad na hinawakan ang lips.
"OMG... my first kiss... ikaw? ikaw ang first kiss ko? "
" Oh ngayon mo lang naalala?"
"OMG talaga... I can't believe it na may first kiss na ako at ikaw pa na my first love..."kinikilig na sambit ni Bredie.
"Anong pinag sasabi mo dyan?" tanong ni Martin.
"Ok lang na may first kiss na ako ikaw naman,, kaya di ako magagalit. I like it naman eh."
"Sira kana ba? alam mo ba ang mang yayari sa reputasyon mo ngayon? at alam mo bang may kumuha ng pictures sa atin habang nakahalik ka sakin?"
" Ano? at ako pa talaga ang sinasabi mo na humalik ah... e accident lang naman yon... e ikaw nga dyan di na nakapag salita, siguro nagustuhan mo ano?"
"What? nagustuhan ko? ako nagustuhan ko ang halik mo? hindi noh, at hindi yon matatawag na halik para sakin dahil ang halik ay ganito..." biglang hinalikan si Bredie sa lips at matagal ito hindi naman makagalaw si Bredie dahil sa nabigla sya at di nya alam ang gagawin, Hindi nila alam may kumuha na naman ng picture at saka vinedeo sa mga ito, dahil sa nanghihina si Bredie kaya napayakap sya kay Martin. At gumanti narin ng halik si Bredie, natigil lang sila ng may narinig silang tumakbo.
“Bakit mo ko hinalikan?” Tanong ni ni Bredie kay Martin habang hawak hawak nito ang labi.