THIRTEEN

3291 Words
Intramurals "We'll start at five minutes so be ready!" sigaw ng isa sa mga SG na naroon. Grabeng pagpupuyat ang ginawa ko at ng mga kaklase ko. Rinig ko na rin ang mga sigawan nila sa labas. Nasa backstage kaming lahat ngayon at pang-anim ako sa rarampa. Kagabi ko na rin pinractice ang mga gagawin, sa herowear at sa talent. "Smile naman dyan girl! Gandang babae halatang kabado! Don't worry! Mas matatalbugan mo sila sa contour palang dyan sa cleavage mo!" sabi ni Pixie habang nakatapat ang phone sa harapan ko. Nakangisi pa ito at bahagyang tumatalon at inaalog naman siya ng kasama niya na ngayong araw ko lang nakita. Agad rin naman akong ngumiwi dahil naalala ko ang mga pinagsasabi nila kanina. Flashback "Bakit kaya ganon no Pixie? Nako! Kadalasan sa mga volleyball players ay mga flat talaga! Sabagay, mukhang iyon naman ang tipo nila fafa Ryder at fafa Reed! Pero mukhang kahit anong uri pa na gumagalaw ay naaakit sa kanila!" sabi ni Katie na nag-aayos sa buhok ko habang kinikilig sa likuran ko at nagkikikislot. Nabanggit ko kase sa kanila na volleyball player ako at dancer kaya kahit papaano ay fit naman ang katawan ko. Ang kadahilanan naman ng pagkakilig ni Katie sa likod ko ay ang pagkindat sa kanya ni Ryder at pag ngiti sa kaniya ni Reed pagkatapos nila kaming bigyan ng pagkain. Kasama raw 'yon sa pagiging babysitter ni Ryder, ani niya. Kasama ba roon ang paglandi sa mga taong nasa paligid ko? Pero! Mas tumatak sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa pagiging player ko. Talagang nainsulto pa dibdib ko dahil lang sa pagsagot ko sa tanong nila kanina. Mga hayop! "Ano ka ba Katie! At least ang alaga ko kahit flat, pweds naman gawan ng paraan! Contour lang ang katapat niyan, pwede na siya rumampa! At tsaka sa ganda ng alaga ko ay talaga namang mabibihag ang puso ng mga prince charmings ng school na ito!" ayos naman niya sa eyeshadow ko na ginagawa niyang smoky. Napakunot rin ako sa kumento ni Pixie tungkol sa 'kin at sa magkapatid na Azucena. "E yan bang mukha mong parang pinagbagsakan ng langit at lupa magagawan ng paraan?" dagdag pa ni Ally na ngayon lang dumating dahil tumulong muna siya sa booth, "Kung ako nga e, mas nanaisin ko pang makita ang pagmumukha ni Marlou araw-araw, kesa makita ko ang mukha mo kahit once a year," ngumisi muna ito bago ituro ang waterbottle ko na nakapatong sa harapan ko at tignan ako, tinatanong kung akin iyon. Tumango ako at hinayaan siyang uminom roon. Napangisi ako sa pagiging maldita ni Ally ngayon. Magaling talaga mag-hire sila mommy ng mga tauhan. Maganda, pulido at mabilis si Pixie. Ganoon rin naman si Katie kahit mukhang dinamay lang siya ni Pixie sa pagpunta rito. "Aray naman momshie Ally!" Ngumisi na lang ako at napailing sa asaran ng dalawang bakla at ng kaibigan ko. End of flashback Wala na si Ally at pumwesto na sa mga bleachers kung saan nakaupo ang mga ka-section ko. Ngumiti ako roon sa phone na hawak ni Pixie, pero mas napukaw ang atensyon ko sa dalawang lalaki na naglalakad patungo sakin. "Looking good Celestine, I know you'll do great," ngumiti sa 'kin si Reed bago ako lapitan at halikan sa gilid ng ulo ko. Natulala ako ng kaunti roon, hindi ako mababalik sa reyalidad kung hindi pa nagsalita si Ryder. "Your partner on hero wear won't make it," malamig na sabi sa akin ni Ryder habang inaayos ang name plate niya sa I.D. lace na nakasabit sa kanyang leeg. "What?" tingin ko roon sa name plate niya. Student Government: Vice President, Brooklyn Ryder Azucena. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya at ang titulo na binigay ng school sa kanya. Muli niya akong nilingon ng maayos niya na iyon at naramdamang nakatingin pa rin ako sa kanya. "I said your partner Prince Eric, won't make it," iritado niyang ulit sa akin. Ano problema nito? Parang kanina ayos pa kami ah? May pagbigay pa nga ng pagkain na naganap. Nakita ko rin ang mga band-aid na nakalagay sa kamao nito. May sinapak ba 'to? "His name is Edward, ang layo ng Eric sa Edward," kunot noo kong sabi sa kanya na ikinataas lang ng kilay niya, "And what are you saying that he won't make it? Did he tell you? What happened?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya na ikinakunot na ng noo niya. Mas lalo ko yata siyang nainis. "I don't know, he just texted me to replaced him. He even sent his f*****g lame, short lines for the play," irap nito sa kawalan at hilot nito sa sentido niya. Of all people, bakit si Ryder pa? Bakit hindi na lang si Reed? Joke. I mean, he's not even a Luke for Edward to ask him for a favor. "We kinda know each other," sagot niya sa akin na akala mo'y nabasa niya ang nasa isip ko. Tumango na lang ako nang magsalita na ang isa sa SG na nakatayo roon malapit sa stage. "Just stick to the lines, luluhod ka lang naman mamaya," tinignan ko silang magkapatid. Nakakunot ang noo ni Ryder habang si Reed ay may kausap ng iba na SG officer. "We'll talk after I walk." Iniwan ko na siya roon ng sunod-sunod na kaming nagsilabasan at ipakita sa lahat ng manonood ang aking ngiti. Rinig ko ang ingay nila ng humilera kami. Prenteng naka-pose at ngiti lang ako roon habang ginagala ko ang paningin ko ng hindi manlang natatanggal ang ngiti sa aking labi. Nakita ko rin ang Luke sa gawing kaliwa, roon sa taas ng bleachers habang may mga tarpaulin na hawak. Mukha ko at mukha ni Carlos ang mga naroon. "Go Celestine! Carlos! We'll fight! Defend the crown!" sigaw pa ng mga kaklase namin. Mero'n rin akong nakita na sumasayaw habang may panyong iniikot sa ere. Mero'n rin namang ibang sumisigaw sa pangalan ko na taga ibang section, strand at department. Lalo akong napangisi nang tatawagin na ang pangalan ko. "Ang susunod na kalahok na tatawagin natin ang pinaka matunog ang pangalan sa lahat!" sabi ni Reed na siya palang MC sa laban na ito. Hindi ko siya napansin dahil okupado ang isip ko sa mga nangyayari sa paligid. Tumingin ako sa mga taong nanonood. Hinahanap ang isang taong gusto kong makitang nakatingin sa 'kin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero bigla ko lang siyang gustong makita na nanonood sa 'kin. "Sabagay, ikaw ba naman ang lumaban ulit matapos manalo last year, dapat nga 'di na kasali 'yan e," dugtong pa ni Ryder habang gamit ang tamad na boses. Rinig kong nagtawanan ang audience dahilan kung bakit napailing ako habang nakangisi. Nasa ibaba ito, sa harapan ng mga judges sa ibaba ng stage. Nakatanaw sa amin. Sa akin. Kaya pala hindi ko siya makita kasi nandoon siya malapit sa mga hurado. Ang layo ng tingin ko pero nasa harapan ko lang pala siya. "Candidate number six!" sabay nilang tawag sa akin. Kaya naman pagkabagsak pa lang ng beat ay lumakad at rumampa na ako. Nginitian ko silang lahat. Lalo na ang mga hurado. Lumapit ako sa gawi ni Reed para kindatan siya at nginitian. Humalakhak lang si Reed at umiling sa ginawa ko, kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagrampa. Kabado pa ako nang lumakad na ako pababa ng stage para makapunta sa harapan ng mga judges. Nangangatog ang mga tuhod ko nang makita kong papalapit na ako kay Ryder. Nakangisi ito habang madilim at malalim pa rin ang mga mata. Mukhang inis pa rin siya. Lumapit sa akin si Ryder at bumulong sakin bago tapatan ako ng mic. "Wala rin ba akong kindat dyan?" ani nito bago pa man ako makalapit. "Wag mong masyadong galingan, you making my feelings even worst," ngumisi siya dahil alam niya kung ano epekto noon sa akin. What does he mean by that? Lalo siyang naiinis sa akin? Alam niyang maiinis ako sa sinabi niya kaya naman kinuha ko ang mikropono sa kamay niya habang nangangatog pa ang mga kamay. "G-good morning! De F-Familia!" bati ko sa kanila na na-utal pa. Heck don't stutter Celestine. "Ano kaya binulong ni Ryder dahilan para mautal ng ganon si Celestine?" "Oo nga hindi naman siya karaniwang ganyan." Bulungan ng mga ibang kalahok na malapit lang sa akin. Mga chimosa, pati iyon gusto pa nilang malaman. Bakit kasi ngayon pa napili ni Ryder mang-inis? 'Yan tuloy at ako'y kinakabahan na ngayon. Baka magkamali ako sa sobrang inis ko. Hingang malalim Celestine. Just chill out. 'Wag pansinin ang kurimaw na nasa tabi mo. "If I got you to fall in love with me last time, I can repeat that and make you fall even deeper," ngumisi ako tumingin sa paligid bago sa mga hurado, "I'm candidate number six, the it girl of section Luke!" pagkasabi ko noon ay bigla na lang tumugtog ang chorus ng kantang It Girl ni Jason Derulo. Rumampa ako pabalik na parang hindi manlang ako kinabahan sa harap. Si Ryder naman ay nagbabantay na sa hagdanan, handang alalayan ako pabalik sa taas. "Can't say you lied, I really did fall even deeper." Ano ba ginagawa mo Ryder? Hindi na ako natutuwa. Napatingin ako sa kanya roon bago ako makaakyat na talaga sa stage para sa huling rampa ko bago sumama sa iba pang tapos nang magpakilala. Nagkakagulo na rito sa backstage dahil, gaganapin na ang herowear. Nakapag-usap na rin kami ni Ryder kanina kung paano ang mangyayari. And damn, he's really good. Alam niya na agad ang mga sasabihin niya mamaya habang nakatali. Mangha rin ako dahil nasa kanya na rin ang costume na gagamitin niya para maging kapareha ko. Huminga ako nang malalim dahil ngayon, ako ang ma-uuna sa pag acting sa harap. Nag bunutan kase ulit kung paano ang pagkakasunod sa herowear. Sa mga nangyayari ngayon, hindi ako confident na manalo. Lalo na sa mga pinagsasabi at gawa ni Ryder. Well, babysitter mo nga diba Celestine? Kaya nga laging nasa tabi mo. "Stand by ka na Celestine kase after magsalita ni Reed sasalang ka na agad," sabi ni Ally. Hindi ko rin alam kung bakit napapasama siya sa pag aasikaso dito e. Siguro, sa sobrang laking event na ito ay pati ang mga president ng mga senior high ay kailangan rin tumulong. Hindi ko alam kung nagpapasalamat ba ako dahil muse lang ako sa room namin o ano. Inabutan niya ako ng tubig nang napansin niyang kinakabahan ako. Pa'no ako hindi kakabahan? Hindi ko naman talent ang pag-arte. Idagdag mo pang si Ryder ang kasama ko sa pagsalang. Kaya mo 'yan Celestine, there's nothing you can't do. You're prepared, right? Pero, hindi ko na alam kung prepared pa nga ba ako nang makita ko si Ryder na palapit sa amin habang suot ang costume nito. Admit it or not Celestine, nagulantang ka kung gaano kagandang tignan lalo ni Ryder sa suot nito. Patawarin mo ako Reed at ako'y nagkakasala. Ngumisi sa 'kin si Ryder bago ito humawak sa kanyang mga bewang gamit ang dalawa niyang mga kamay nang makalapit na siya sa harapan ko. "Looking good Diana, or should I say Wonder Woman?" ngumisi siya lalo nung mapansin niya ang reaksyon ko. Bakit parang uminit rito? Pinatay niyo ba yung aircon? Sa costume mong iyan Celestine naiinitan ka pa? Kumagat labi ito bago ako kindatan at sumaludo, "Captain Steve Trevor, at your service." Lalong umingay sa loob ng gym ng bigla na lang kaming tawagin ni Reed. Hinatak pa ako ni Ryder palabas. Damn! I'm not even ready yet! "Lets give it up, for Celestine Ricalde of Luke!" Mas lalong umingay nung lumabas na kami. Hindi ko napansin na nakatali na si Ryder at hawak ko ang dulong tali nito. Kulang na lang ang pagluhod niya sa harapan ko. "Lets do it ma chéri," kumindat ito bago lumuhod sa harapan ko at medyo tumagilid para kita siya sa harap. Huminga ako nang malalim at kumunot ang noo. Habang ina-antay ang linyang sasabihin ni Ryder. "My name is Captain Steve Trevor, pilot, American Expeditionary Forces. Serial number 8141921. Assigned to British Intelligence," pagsimula ni Ryder sa pag-arte. "Ang sarap namang bihag niyaaaan!" sigaw ng mga grupo ng bakla na malapit lang sa entablado. "Ako rin Celestine itali mo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sa malayo. Ngumisi ako ng antayin ko pa ang susunod na sasabihin ni Ryder. Tumingin siya sa lubid na nakatali sa kanya habang nakakunot ang noo bago ibalik sa 'kin ang tingin. Masyado mo namang ginagalingan Ryder. Mukhang mas dadami ang mga babae mo ngayon. "What the hell is this thing?" pag-arte niya pa kaya naman ngumisi muna ako bago sumagot. "The Lasso of Hestia compels you to reveal the truth," hinawakan ko ng mabuti ang tali at tignignan pa siya ng mas malalim para mas gumanda ang pag-arte ko. "But it's really hot," sagot niya habang nakatingin sa 'kin bago kumindat. Fucking Ryder, hindi dapat ganyan ang pag-arte mo! Lalong kumunot ang noo ko. Mukhang naiinis na talaga ako dahil nagloloko na lang si Ryder sa harapan ko. "Sobrang hot naman talaga niyan bilang Wonder Woman!" rinig kong sigaw ni Ally na kasama na pala ang mga kaklase namin. "It is pointless and painful to resist. What is your mission?" sabi ko habang umiigting na ang panga ko sa inis. I know that we should have another character for the role of Hippolyta. Pero pagginawa namin iyon ay masyado ng mawawala ang focus ng audience sa 'kin. Lalo na ng judge. Yun ang sabi ni Pixie sa akin. "Whoever you are, you are in more danger than you think," kumindat pa ito sa akin habang nakangisi. Lalo naman nagwala at hiyawan ang nga manonood. Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon dahil parang totoo talaga ang pagkakasabi nito. "Delikado na talaga ang puso ko sayo Ryder!" sabi ng isa sa mga kandidata kaya kita ko rin kung paano siya tignan ng masama ni Dominique. Na nakapwesto lang rin malapit sa entablado. Pinapakilig lang nito ang mga babae e. Hindi niya pinapamangha! "What is your mission?" bahagya kong hinatak ang tali dahilan para mapagalaw rin siya. Umarte pa siya na pinipigilan niya ang sarili niya sa pagsabi ng totoo. "To-to make you, f-fall in love with me," kumunot lalo ang noo ko dahil sa gulat. Pero hindi ko ipinakita iyon. Paanong hindi ako magugulat, e wala naman sa script 'yon! Bakit niya iniba? Sisirain niya ba performance ko? "Hulog na ako fafa Ryder!" sigaw ni Katie na malapit lang rin sa amin. "May ganoon ba sa movie?" "Pagkakatanda ko wala, kelan ko lang pinanood 'yon eh." "Baka naman iniba nila para may impact ang pag-aarte nila." "Oo nga tama tama." Bulungan ng mga kandidato. Tumingin ako sa mga hurado at nakangiti sila at tumatango pa. Tumahimik na lang ako nang biglang tumayo si Ryder at hinawakan ang kamay ko para makapag-bow bago umalis roon. Nanatili lang akong tahimik habang nagsilapitan sa amin ang ibang mga aarte pa. Pinuno nila kami ng papuri. Sinasabi kung gaano daw kaganda ang spark na pinapakita namin kanina. Niretouch na ako ni Pixie at ni Katie dahil may labanan pang mangyayari bago matapos na talaga ang contest na ito. Padamihan ng magpapa-picture sa amin, kadapicture ay may multang 100 pesos. Ang maiipon naman na pera ay paghahatian ng contestant at ng SG dahil gagawin rin raw nila iyong pondo para sa mga susunot na event na gagawin ng school. "Celestine ako rin papicture," sabi ng isang studyante na sa mukha ko lang kakilala. "Sure," ngumiti ako sa camera. Hindi ko na rin alam kung pang-ilan na siya sa nagpa-picture sa 'kin dahil, hindi ko na rin mabilang sa sobrang dami nagpa-picture sa akin kanina. Pero maya-maya pa at naka-isang oras at kalahati na ako dito sa booth namin. Nag-aantay sa mga iba pang magpapa-picture. "Tignan mo naman 'tong dalawang jar na magtatatlo na sa sobrang daming nagpa-picture sayo Celestine!" tumalon talon pa si Ally sa tabi ko habang ang laki ng ngiti nito, "Alam kong mananalo ka ulit panigurado! Pero, himala naman yata at nabakante ka ng isa't kalahating oras?" Ilang minuto na lang kase at matatapos na ang oras sa pagpapa-picture naming mga contestant rito. Nagkalat kasi kami sa campus. "Mukhang may papakyaw na kase kay Celestine sa huling mga minuto ng laban," nakangiti si Reed habang papalapit sa amin, "Pa-picture daw si Ryder, kahit isang picture lang daw at magbabayad daw siya ng malaki." "Aba'y dapat lang!" ani ni Ally dahilan tignan ko ito ng masama. Nginisihan lang naman ako pabalik nang makita ang iritasyon sa aking mata. Biglang tumabi si Reed para maipakita niya sa amin si Ryder na nakapamulsa ang dalawang kamay at nakasuot pa rin siya ng costume niya bilang Steve. "Pa-picture daw yung piloto mo," bulong pa sa 'kin ni Ally habang sinisiko ako. Kaya naman napailing na lang ako at inaya si Ryder sa tabi ko. Laking gulat naming dalawa ni Ally nang makita namin kung magkano ang binabang pera ni Ryder sa pangatlong jar. Limang libo. Hindi ko alam kung ano itsura ko sa picture dahil nagulantang ako sa presyong binagsak ni Ryder. Lalo na dahil sobrang lapit niya sa akin at nakapulupot na ang kanang kamay niya sa balakang ko. "Iba talaga ang ganda ng kaibigan ko, sa isang litrato lang, nagkakanda halaga na ito ng limang libo," tinapik niya pa ang balikat ko, "iba ka talaga kapatid." "Mr. and Ms. Intrams candidates, please proceed to the gymnasium to tally your scores, and we'll announce who will win the crown," rinig namin sa mga speakers na nagkalat sa buong campus. Agad naman kaming umalis at dumiretso roon. Medyo nahuli pa si Ally dahil binilin niya pa ang booth namin sa mga kaklase namin. Agad rin akong naayusan nila Pixie at Katie na hindi manlang umalis doon sa backstage. "Hindi ako makapaniwalang muntikan ng matalo ni Keycee si Celestine sa herowear." "Oo nga, lamang lang ng tatlong daan si Celestine sa kanya no." "Ang galing nga't naka-fifteen thousad siya siya." Chismis ng dalawang kasali habang inaayos ang formalwear nila para sa coronation. Umirap na lang ako habang inayos ang ngiti dahil tinawag na kami para lumabas at marinig kung sino-sino ang mananalo. Sabay na rin kaming uuwi ni Ally at ng mga kaklase ko pagkatapos naming magligpit sa booth. Ako nag-uwi ng korona, habang sumunod naman si Keycee sa akin. Sobrang malapit lang ang points namin kaya naman kinabahan pa ako kanina baka siya na talaga ang mag-uwi nitong hawak ko. Which are bouquet of flowers at ang corona na nasa ulo ko at ang sash na nasa katawan ko pa. Hindi ko na rin nakita ang magkapatid na Azucena dahil mukhang marami pa silang aayusin at liligpitin. Padabog akong nahiga sa kama ko nang matapos akong maligo. Napansin ko ang flash drive na nasa ilalim ng lamp ko. La Mia Stella Basa ko pa ulit sa nakalagay roon. Agad naman akong nagtaka kaya sinearch ko ang ibig sabihin noon. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko lang rin itong naisipan na pakeilaman. "My star," bulong ko pa habang hawak ang phone ko. Dali-dali ko namang kinuha ang laptop ko at sinaksak roon ang flash drive. Nagulat ako sa laman noon nang makitang puro stolen pictures ko ang mga iyon. May mga nakasimangot, nakangiti at natatawa. Pero tsaka ko lang napagtanto kung kanino iyon dahil may nakabukod na file roon at ang puro laman ay mga documents. "Reed Azucena," ang nakalagay doon sa file name noon. Ibig sabihin ay sa kanya ito? Bakit may mga pictures ko rito kung ganoon? Gusto niya rin ba ako? Wala akong ginawang iba kung 'di isipin at isipin ang flash drive na iyon at si Reed bago na lang ako makatulog dahil sa pagod at pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD