Hold
Last night went well, nakapagbake kami at maganda naman ang ikinalabasan noon, nakausap ko na nga rin si mom para sa handler ko, and she told me na dadating mamaya ang tinawagan niya. Dahil mamaya magaganap ang pictorial ko para sa Ms. Intrams.
Natapos ang gabing iyon ng hindi na kami nakapagaway ni Ryder. Ally even told the story behind how Reed ended up in my house last night. She just want some answers by looking at Reed's and Ryder's reaction.
To be honest, I didn't get what she's saying.
Reaction to what?
And, did she get what she wants?
Parehas na kaming naglalakad ngayon papuntang room bitbit ang mga nabake namin kagabi. Its two boxes na puno ng tapperware ang loob. Puro desserts ang laman. Nagdala kami ng samples for them to have an idea what our products will taste like. Hindi yung gagastos sila ng hindi manlang natitikman ang katas ng binayaran nila. Kahit mamaya pa lang magkakasingilan. Araw-araw kami magsisingilan para hating-hati ang pagbayad sa mga bayarin.
"Magkakaroon ba ng klase ngayon, Ally? Dapat wala dahil bukas na start ng intramurals."
"Hindi pa sure if meron, busy rin kase lahat para bukas. Tulad nga nang sabi mo, openning na bukas."
Hindi na nasundan ang pag-uusap namin nang makarating na rin kami sa classroom namin. Pinapamigay namin iyon sa mga kaklase namin ng tumawag sa 'kin si mommy at sinabing parating na ang handler ko.
Uunahin ko muna mag-shoot para sa mga tarpulin na ipapakalat sa campus.
'Andito na ako ngayon sa gymnasium kasama ang mga ibang kalahok sa Mr. and Ms. Intrams dahil magbubunutan na rin daw para sa herowear.
Nag-aantay kami ngayong lahat sa SG dahil sila ang mag-aasikaso sa bunutan.
"Sana swertihin ako sa mabubunot ko."
"Ako rin sana, first time ko pa naman masasali sa Ms. Intrams."
"Ano kaya mabubunot natin 'no?"
"Ikaw Celestine, ano sa tingin mong mabubunot mo?" bulong sa 'kin ni Carlos nang makalapit siya sa pwesto ko.
Bakit nanaman nandito 'to at kausap ko nanaman?
Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. Ano naman sasabihin ko? Eh hindi ko nga alam kung ano man ang exact choices na nakapaloob sa bunutan.
Lahat kami ay naglingunan sa pagbukas ng pintuan ng gym at iniluwa noon ang mag kapatid na si Ryder at Reed.
Si Ryder ay may hawak na fish bowl at si Reed naman ay may hawak na papel.
Siguro doon niya ilalagay kung ano makukuha namin.
"Good morning to all candidates of Mr. and Ms. Intrams," lahat kami ngayon ay nakatuon na kay Reed na nakatayo ngayon sa aming harapan.
Nasa bleachers kaming lahat habang si Reed ay nasa harap at si Ryder ay nasa tabi nito.
Nagmumukha siyang secretary pagkasama niya kuya niya.
I chuckled at the back of my head.
Hindi ko mamamalayan na napapatitig na ako kay Ryder kung hindi pa dumapo ang tingin niya sa gawi ko at kinindatan ako.
Napatingin ako sa ibang direksyon dahil sa kakahiyan ng gawin ni Ryder iyon sa 'kin.
Nasa second row ako gawing kanan kaya hindi rin sa 'kin ang unang bagsak ng mata mo kung sakaling titingin ka sa pwesto naming lahat ng mga candidates.
"So yeah, Reed already told you what are the characters that you might get. At dahil si Celestine ang mukhang kanina pa sabaw, siya ang unang bubunot," napalingon ako ulit kay Ryder nang sabihin niya iyon.
Lahat sila ay nakatingin na sa 'kin ngayon. What? Nasabi na ang mga choices pero hindi ko 'man lang narinig?
Damn Celestine, you're spacing out too much these days.
I shook my head at sinubukang haluin ng mabuti ang mga papel na nasa loob ng fish bowl.
"I wish you get Black Widow or Cat Woman. Black suits you better," kindat niya ulit sa akin at ngumisi ng kay lapad.
Hindi ko alam kung bakit pero napadasal ako na sana ay black widow or cat woman ang makuha ko.
Holy mother of cheese,Celestine! Kelan ka pa ba napaikot ng lalaking ito?
Malaking ngiwi ang nagawa ko nang makita ang nabunot ko.
Parehas kaming naka dungaw ni Ryder sa papel na nabunot ko.
"Damn Celestine, that's even better," ngiti niya sakin at gulo niya sa buhok ko bago umalis sa harap ko at binigyan ng pagkakataon ang ibang candidates para maka bunot.
Kinakabahan nanaman ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Why?
Tinignan ko ulit ang munting papel na hawak ko.
Kakayanin ko kaya ang paggaya dito?
Umupo ako nang mabuti sa upuan para makita ko ng ma-ayos ang ginawa sa akin ni Pixie, ang handler na kinuha sa 'kin ni mom.
Naka-beach wave ang buhok na kala mong prinsesa ang style. Pinarisan rin ito ng light make-up na kaya elegante ang dating nito.
Tumayo ako at inayos ang damit na suot ko.
Nakasimpleng black shirt na naka lagay ang section namin. Ang luke. Pinarisan din ito ni Pixie ng white pants na high waist at silver stilletos.
"Naluluwagan ka ba sa shirt mo? I have pins here hija, I'll tighten it for you if you want," lahad naman sa 'kin ni Pixie sa kumpol ng safety pins na nasa palad niya. She's walking towards me while handing it to me.
"No thanks, I just want to check my shirt if there's something's wrong, pero mukhang wala naman."
Bumuntong hininga ako dahil kaming dalawa na lang ni Carlos ang walang tarpulin na nakapalibot sa buong campus.
Can I do this? I have a lot things to do. Tutulong pa ako sa section namin, we'll do some bakings pa mamayang gabi. But I think while doing that I'll practice what I'll do for my talent.
Bumuntong hininga ako before giving myself a last glance at the mirror.
Come on self, you can do it. You are Porschia Celestine Ricalde. You can do anything.
Except having some powers.
I laugh at myself.
Silly me.
"Ready for intramurals?" I smiled when I saw his reflection on the mirror.
But then, I ask myself.
Why do I feeling this excitement just because he's here? Just because I'm seeing him?
"Of course Ryder, always." Irap ko sa kanya sa salamin at humarap sa kanya.
He smirked at me and walk towards me.
"Then goodluck. I'm rooting for you." Ngumiti siya at tinapik ang aking balikat bago nag lakad palayo.
Weird. Why he's suddenly like that?
Why are we suddenly like this?
I shook my head and face my handler.
"I'm ready."
Tumango ito at humarap na sa mga studyante under ng photography club para sabihing handa na ako sa gaganaping photoshoot.
Apat na pictures lang naman ang kukunin. Isa para sa close up na naka-fierce, pangalawa sa close up na nakangiti, pangatlo para sa wholebodyshot at ang pang-apat ay para sa Mr. and Ms. Intramurals ng Luke.
I took a deep breath and let it out nang lumapit sa 'kin si Carlos.
Naka-shirt rin itong itim at inayusan rin ng kaunti sa mukha. Maayos rin na nakatayo ang kanyang itim na itim na buhok.
"Nice look Celestine or should I say, nice face?" ngumiti na lang ako habang naiiling at siya naman ay humahagalpak na sa biro niyang hindi naman nakakatawa.
Konting pag-aantay pa ang ginawa namin bago ito nagsimula.
They started with me.
Kaya naman ang tatlo kong shots ay mabilis at maayos kong naitaguyod.
Easy daisy.
Nang umalis na ako roon para mapalitan naman ako ni Carlos, nakita ko sa malayo si Reed at Ryder na nag-uusap. Naglalakad papalapit sa pwesto namin.
We're at the field dahil para hindi mahirapan sa lighting ang kukuha.
Agad akong kinabahan nang mamataan na malapit na ang magkapatid.
Kanino ako nagpa-panic ng ganito? Kay Reed or kay Ryder? Damn Celestine maybe both? Ang landi mo namang tunay dyan?
Mabuti na lang napabaling sa iba ang atensyon ko nang ayusan ako ulit ni Pixie.
Nakita kong nag-uusap pa rin ang magkapatid habang nakatayo na sa tabi ng kumukuha ng litrato namin.
They are both good looking.
Reed has a good image. The angelic face. While his brother has a badboy look, in any way.
Sinisigaw ang mga itsura nila kung ano sila bilang tao.
Naglakad na ako papalapit sa pwesto nila nang tawagin ako nung kumukuha.
Parehas na napalingon sa akin ang magkapatid. Kita sa mata ni Ryder ang pagkinang nito nang makita ako ulit.
Nabudburan ba ng glitters ang mata nito?
"You're done already? We came here to watch you shoot," ngumiti sa akin si Reed.
"Oh come on kuya, she's not going to play basketball," walang kwentang banat ni Ryder sa kuya niya.
Kumain siguro ito ng isang sakong mais kaya ganito na lang kung magbiro.
"Yeah, kanina before Carlos' turn to shoot," sagot ko kay Reed at ngimiti bago lumapit kay Carlos.
Ngumisi sa akin ang kapareha bago ako hawakan sa balakang.
Uh, should we pose like this? Do he really have to touch me like this?
Hindi ko na lang pinansin iyon at humawak na sa kaliwang balikat ni Carlos. I'm at his left side while my body is facing at our right side, nakatingkayad rin ang paa ko para mas maganda ang anggulo nito. Nakatayo lang ng diretso si Carlos at nakahawak sa balakang ko.
Naging tense ako nang makita ang hindi mabasang tingin ni Ryder sa akin.
Really Celestine? Siya ang una mong napansin imbis ang crush mo?
But looking at Reed, he looks fine. He looks like, he's enjoying what he's watching.
"Face here, Celestine," utos ng studyanteng kumukuha sa amin nang mapansing kung saan-saan ako tumitingin.
Lalo akong inilapit ni Carlos sa katawan niya dahilan kung bakit dumikit na ang dibdib ko sa kanyang katawan. Iyon rin ang dahilan kung bakit gumalaw ang katawan ko dahil sa biglaang pwersa na ginawa ni Carlos.
"Stop moving," utos ulit nung studyanteng iyon. Humingi ako ng tawad rito bago humarap sa kasama ko at bigyan ito ng masasamang tingin.
I know what he's f*****g doing.
Hindi man lang tumalab ang tingin kong iyon sa kanya dahil nakangisi ito at nakailang ulit subok na rin ng pagkuha ng litrato.
Napansin kong masama na ang timpla ni Ryder. Mukha na itong galit.
What happened?
Napansin ko rin na ang kuya nitong nasa tabi niya ay bahagyang nakukunot na rin ang noo. Nagtataka siguro kung ano nangyayari.
Bago pa umulit ng panglimang beses ay nagsalita na si Ryder.
"Stop it, if you can't get a shot doing that pose, do another one," tiimbagang nitong sabi sa amin bago maglakad palapit sa amin.
"Remove your f*****g hand on her f*****g waste, or I'll break it," he hissed.
Agad naman nitong tinanggal ang kamay at parehas kaming nagulat sa sinabi at reaksyon ni Ryder.
Hinawakan ni Ryder ang braso ko at ipinuwesto sa harap ni Carlos.
" He think that move is un-noticable? Dumb move," he said slowly. You can feel that he's really mad.
Maybe this is part of my baby sitting?
"Oh brother just hurry up so they can finish already," ngisi ni Reed sa kinatatayuan niya.
He's amused. Why?
"Shut the f**k up Reed," lakad nito pabalik sa tabi ng kapatid.
Kunot ang noo nito at madilim ang mata habang nakatingin sa amin.
Reed shook his head and taps his brother's shoulder. Inis naman iyong hinawi ng kapatid.
Nauwi ang huling picture namin sa isang simpleng pose lang.
Carlos is at my back, on the right side while I'm in front. Giving them a fierce look.
Mag-isa na lang ako ngayon sa field, sa ilalim ng puno habang nag-aantay kay Ryder.
What happened lately is kind a weird to me.
Why do he have to act like that?
Kase nga Celestine its part of babysitting! Tignan mo nga at nag-aantay ka sa inumin at pagkain na ibibili niya para sayo.
Naniwala akong pagod ako sa ginawang shoot kanina kahit saglit lang iyon at hindi naman kami bilad sa araw.
Maraming puno rito. May mga bandiritas na rin at tarpulin ang mga ibang kalahok. Maybe they will put ours later this afternoon.
Hindi na ako umalis dito dahil dito rin naman kami magpa-practice ng production number para bukas. Hindi pwede sa gym dahil may mga tao roon na nag-aayos para sa gaganaping openning bukas ng intramurals. Ngayon lang kami magpa-practice dahil madali lang naman daw ang ituturo sa amin.
I sighed. Naiinitan na rin ako. Buti na lang hindi ganoon kakapal ang makeup na ginawa sa 'kin ni Pixie kanina. And its a good thing that she gave me a tissue before leaving.
Natatanaw ko sa malayo ang pagdating ni Ryder.
He's holding a two plastics. Maybe our lunch.
Buti na lang kahit papaano ay may upuan at lamesa rin rito sa field, sa ilalim ng mga puno.
Nice place to hang out when there's no students walking and running around.
I'm at peace.
Nakalapit na sa akin si Ryder at nilapag na ang mga pagkain sa harapan ko.
"Eat, so you won't space out while practicing," labas niya sa mga pagkain na nasa plastic. Naka-styro ang mga iyon. Naglabas rin siya ng isang boteng tubig na malaki at maliit. Binigay niya sa 'kin ang malaki.
"I'll blow with this much of food, lalo na sa dami ng tubig na 'to, Ryder."
"So? You'll suck even more if you're hungry," halakhak niya.
For the past days, weeks, or even month we're getting cool to each other. Aminin ko man o hindi, I noticed how his treatment changed. Even though we had a fight last night.
Kinda. Nature na namin mag-away.
I smile at the thought.
"Stop smiling, you look creepy," asar niya sa 'kin na inirapan ko na lang. "You're giving me goosebumps," ngisi niya pa sa akin.
"Psh, admit it or not you admire my smile," asar ko sa kanya.
"Yeah-yeah, just eat," walang pake niyang utas at itinulak pa ang malaking styro na merong maraming laman na pagkain.
Hindi ko rin maiwasan na maraming babaeng tumitingin sa kanya habang kumakain kami. He's unaware that he's catching their attentions.
Duh? He's famous here, he's Ryder.
Napailing na lang siya sa 'kin at itinapon na sa basurahan ang mga styro nang mapansing hindi ko maintindihan ang tanong niya.
"Come on ma chéri, we're getting late for your practice," hinawakan niya ako sa kamay at hinatak na papunta sa mga nagkukumpulang mga kalahok sa Mr. and Ms. Intramurals.
Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makalapit kami roon at kausapin niya ang mga nandoon pa lang.
Lahat sila ay distracted sa kamay naming magkahawak. Kaya naman ipinlit kong agawin sa kanya iyon pero hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak do'n kaya napakunot ako.
Kinakabahan nanaman ako.
"One two three! One two three! Then, enter boys!" sigaw ni Dominique sa amin.
Kasali siya sa dance troupe. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang napiling magturo sa amin.
Nabuo naman na namin ang buong production number at nililinis na lang namin ngayon ang kabuoan ng production.
Pero hindi ko rin maiwasan na mapansin na kanina pa mainit ulo ni Dominique, hindi ko alam pero parang ang sungit niya magturo at lagi akong pinupuna sa mga galaw ko kahit naman tama ang mga ginagawa ko.
Where do I go wrong?
"You're doing it wrong Celestine! You have to twist and bend before the boys could come in!" nagtiimbagang ako sa sinabi niya.
That is what I exactly did!
Lalo lang ako nairita nang makitang mukhang nag e-enjoy si Ryder sa panonood. Habang ako ay pinapagalitan dito ng ex niya.
Lumingon si Dominique kay Ryder at bumalik sa akin ang masasamang tingin nito. Mas tumalim pa nga.
"Again!" sigaw niya hapang nakahawak siya sa bewang niya.
"Wait," lahat kami napalingon kay Ryder. Naglalakad na siya papunta sa harapan namin. "I didn't see any errors though?"
"Baka may hinanakit."
"True, mas madalas na kasi nakakasama ni Ryder si Celestine."
Napakurap ng ilang beses si Dominiques bago buksan ang bibig at isara ulit ng hindi siya naging sigurado sa mga sasabihin.
"Are you sure you're doing a fine job? Seriously, none of the candidates did a wrong move," tuloy pa ni Ryder sa kanyang sinasabi ng hindi makapagsalita ang ex nito sa kanya.
Tumingin pa ito sa paligid bago ngumisi sa kausap nito, hindi pa rin naaalis ang iritasyon sa kanyang mga mata. Nang hindi nanaman sumagot ang kausap nito ay hinarap niya naman ang kanyang kapatid.
"Am I right brother?" ani nito kay Reed na nakasandal lang sa puno na hindi kalayuan kung nasaan kami. Nahimigan ko rin sa boses niya kung ano talaga ang nararamdaman.
Ano ba itong ginagawa mo Ryder? Nakakahiya!
Ngumisi si Reed bago tumango sa amin at nagbigay pa ng thumbs up.
I blush.
"Does it concern personal matters?" tumaas pa ang kilay nito habang nag titiimbagang na. Hindi matanggal ang dilim sa mga mata nito nang lingunin niya si Dominique.
"Uh hindi Ryder I just-" sinubukan pa niya humawak kay Ryder. But he flinched.
"I hate people like you, I loathed them," he said with his icy voice.
Lahat kami ay napanganga sa sinabi ni Ryder sa kanya. Hindi alam ni Dominique kung paano ang gagawin, kung aalis ba o ipagpalatuloy ang paglilinis sa sayaw namin.
Ilang beses na ako nakakarinig na ganito si Ryder sa mga babae, pero ngayon lang ako nakasaksi kung gaano pala talaga siya kagago sa babae.
Bumuntong hininga muna si Reed bago lumapit sa kapatid.
"That's enough, you're just too eager to make it perfect miss Peralta," ngumiti siya kay Dominique at sa akin na ginantihan ko lang rin ng ngiti. "Pero masyado na kayong mapapagod niyan lalo na at bukas na ang laban niyo, let's packup and call it a day."
Lahat kami ay nagtanguan at isa-isang nagsiligpit ng mga gamit bago unti-unting nawawalan na ng tao doon hanggang sa kami na lang tatlo nila Ryder ang natira.
"I'll go first to start the car," ngumisi siya sa akin at sa kapatid niya bago tumalikod at pumunta na ng parking lot.
Why am I with Ryder again?
"Are you alright? I'm sure you're tired," hawak ni Ryder sa mga braso ko at tingin sa mga mata ko.
"Yes, uh, you see Ryder, you don't have to snap at Dominique like that. Lalo na sa harapan ng ibang tao," iwas ko sa mga tingin niya dahil parang malulunod na ako roon pagpinatagal ko pa ang pagtingin.
"Do you want something to eat? We'll buy some foods while we're on our way home, okay?" iwas niya sa topic na binubuksan ko.
Tumango na lang ako nang maramdaman na hindi niya gustong masermonan ngayon.
Ngumiti siya bago niya kunin ang bag ko at hawakan ako sa kanang kamay bago mag lakad para sundan ang naunang kapatid.
"I don't like everyone hating you just because I'm showing some affection," bulong niya sa sarili na ikinabigla ko.