"Yes Ally, sa bahay na lang tayo mag-practice kung panong bake ang gagawin natin para sa menu natin," hilot ko sa sentido ko habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan nila Ryder.
Pinayagan siya ni Reed gamitin ang sasakyan dahil, nasa kanya naman na ang susi dahil sa paghatid ni Ryder kila Ally.
Nagpaalam ako kay Ally na didiretso na lang ako sa bahay dahil nawalan na rin naman na ako ng gana para maglibot-libot at matulungan sila sa pagpili sa mga sangkap na gagamitin.
"Osige tawagan na lang ulit kita kung malapit na ako matapos at kung papunta na kami dyan," ani Ally.
Agad rin naman namin pinutol ang linya nang sabihin niya iyon.
Gaganapin sa buong linggo ang paligsahan para sa mga booth kung kaya'y ia-announce ang mananalo rito sa biyernes ng linggo na iyon.
Hindi tulad ng sa Mr. and Ms. Intrams na sa mismong araw rin ng paligsahan ia-announce ang mga mananalo.
Kailangan ko na nga pala makaisip ng pang-talent ko at kailangan ko rin ng handler.
Maybe I'll call mom later about that.
Napabalik na lang ako ulit sa reyalidad ng bigla na lang nagsalita si Ryder.
"Balita ko si Carlos nanaman ang isasalang niyo bilang Mr. Intrams ng Luke?" matigas ang pagkakasabi niya rito at hindi manlang tinatanggal ang paningin sa daan.
Ano problema nito at mukhang masyadong nababad ang mukha sa tubig? Masyado ng lukot sa pagkakakunot e.
"Yeah," tumingin ako sa labas at napapansin kong bumababa na ang araw. Kinalabit ko si Ryder at tinuro ang pindutan kung saan maaari kong ibaba ang bintana. "Can I?" tanong ko sa kanya na medyo nahihiya pa dahil sayang ang hangin na ibinubuga ng aircon ng sasakyan nila kung ibababa ko lang rin ang bintana.
Tumango ito na agad ko namang ikinangiti at agad ginawa ang bagay na itinanong ko sa kanya.
Natuwa naman ako nang maramdaman ko ang hangin na nasa labas, tama lang ito sa pakiramdam. Hindi mainit, hindi rin malamig.
"So," nilingon ko siya habang ang katawan ko ay nananatiling nakatingin lang sa gawing bintana ng sasakyan,"nasabi sa 'kin ng kuya mo na dapat daw ikaw ang isasalang nila but you refused."
Ngumiti naman si Ryder ng nakakaloko, dahilan kung bakit agad nagharumentado sa pag t***k ang puso ko.
Ano nangyayari?
"Baka kase mag selos ka pagnakita mong maraming nakatingin sa 'kin, lalo na sa ganda ng katawan ko," ngisi niya pa lalo kaya naman napatingin ako agad sa labas ng sasakyan.
"Bakit naman ako mag seselos h-ha?"
"Oh come on ma chéri, you're stuttering," ngayon, sa tono ng pananalita niya ay alam kong lalong ngumisi ito.
Kumunot ako at hinarap siya. Huminga muna ako nang malalim nang makitang nakangisi pa rin siya at papalit-palit na ang tingin niya sa 'kin at sa kalsada.
"Alam mo kung bakit? Naisip ko kase kung gaano nakakatawa ang itsura mo pag-herowear na, baka si Adan pa ang mabunot mo bukas kung sakaling kasali ka pa," kurot ko ng mahina sa tagiliran niya na hindi naman niya ikinadaing.
Maraming ganap bukas para sa mga kasali sa Mr. and Ms. Intrams dahil kasali ito sa opening para sa intramurals. Isa na sa mga gaganapin bukas ay ang pagbunot kung sino ang gagayahin mo para sa herowear.
Nabanggit rin kanina sa meeting na hindi naman lahat ay sa hero matatapat, para daw may twist ay lalagyan nila ito ng mga karakter mula sa kung saan mang libro. At isa na nga sa mga halimbawa niya ay si Eba't Adan.
"Just tell me Celestine, that you might get jealous because you're not the only one who will see my sparkling body. You want me only for yourself," ngumisi siya lalo, na mas ikinainis ko pa dahil lalo akong kinabahan sa mga sinasabi niya.
"Just kidding. We're here."
Oo! Kinakabahan ang term sa pag aalburoto ng puso ko. Alangan namang dahil sa gusto ko siya? Malabo yon dahil si Reed ang tinitibok lang nito.
"Celestine?"
At tsaka ano ka ba Celestine, di porket ilang beses ka na niyang binubwisit ng ganoon, ay maniniwala ka na gusto ka na niya.
"It takes a million years for a playboy to change," bigla ko na lang nasabi ng hindi ko namamalayan.
Bakit ba masyado akong sabaw ngayon?
"Nope, it only takes a one special girl for a playboy to change."
Napabaling ako kay Ryder. Nakangisi nanaman ito ngayon. Bakas sa kanyang mukha na para bang sigurado siya sa kanyang sinabi.
He's amused. I don't know why. Dapat nga ay mainis siya doon sa sinabi ko. Hindi ko rin naman aakalain na mapapalakas pala ang pagkakasabi ko no'n kanina.
Kumurap ako ng ilang beses at tumingin sa ibang direksyon. 'Di ko kase kayang tagalan ang mga mata niya ngayon. Delikado. Lalo na ang kanyang ngisi.
Inilibot ko ang mga mata ko at napahinto ang paningin ko sa isang bahay.
Eh? We're here? Bakit hindi man lang niya sinabi?
"I told you that already but you're spacing out. Your thoughts are too cloudy for you to hear me."
Ang bilis mag-shift ng mood nito. Meron ba siya ngayon? Kung oo ay ipapabili ko siya kay Ally ng napkin.
Tinignan ko ulet siya pero ngayon, nakatingin na siya ngayon sa gawing kaliwa niya kung saan nakabukas na rin ang bintana nito.
"I-uhh," panimula ko para naman tignan ako ni Ryder. Hindi naman ako nagkamali sa ginawa dahil agad rin naman siyang lumingon sa akin.
"I just w-want to thank you for giving me a ride home," I added.
"Sure thing," pagkasabi niya noon ay agad naman akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay.
Ally's POV
Haynako, bakit nga ba kami sumalang agad sa bakbakan? Without knowing what ingredients should we buy for the foods that we're planning to sell!
"Tanga mo sa part na iyan Ally," kamot ko naman sa ulo ko.
Dahil bake nga naman gagawin namin, paniguradong kailangan naman ng mga harina at itlog?
O mga tools muna kaya ang bilin namin? Pero baka naman kase mero'n na sila Celestine ng tools para sa baking?
You dumb Allyshia, malamang! Tita Celestia loves baking!
Great! Ano una kong bibilhin dito?
Matawag nga si Ricalde.
Bakit pa kase pinauwi ko pa ang dalawang kaklase ko?
Kumamot muna ako sa ulo ko sa inis bago ko buksan ang bag ko para kunin ang phone ko para matawagan si Celestine. Nahinto ang paggalaw ko ng may narinig akong nagsalita.
"May kuto ka ba miss Julian?" nagulat na lang ako ng marinig ang tinig na iyon.
Hindi ako maaaring magkamali.
"Reed! Ano ginagawa mo dito?"
Ano naman ginagawa nung crush ni Ricalde dito? Akala ko ba magkasama sila ngayon? Sayang lang ang pakikipag-away ko kay Ryder kanina kung hindi lang rin naman pala sila magkakasama ngayon.
"Wala lang naman, I was just looking for something to eat habang hinahatid ng kapatid ko si Celestine pauwi," hinatid ni Ryder si Celestine pauwi?
I smell something fishy.
Napangiti ako at the back of my head nang makaisip nanaman ng mga kalokohan.
You're so genius talaga Ally! Hindi ka tatawaging maganda kung hindi ka lang rin talaga matalino!
Celestine's POV
Papasok na ako sa bahay nang marinig kong bumukas rin ang gate namin.
What the?
Nakita kong ipinapasok na ni Ryder ang sasakyang gamit niya sa bakuran namin.
Aba naman talaga, paano naman ang kuya niya na nag-aantay para sa kanya doon sa campus?
"Hoy Azucena! Ano ginagawa mo?! Umalis ka na at sunduin ang kuya mo! Kawawa naman kuya mo na nag aantay doon sa campus!" palo ko sa hood ng sasakyan niya ng makaparada na ito sa harapan ng bahay namin.
Ang kapal naman talaga ng mukha nito, talagang kumaway pa sa mga katulong namin na nakadungaw sa pintuan ng bahay namin.
I wonder kung gaano kakapal ang libag sa katawan ng taong ito para lang hindi siya mahiyang lumandi sa harapan ko.
Nakangisi pa rin siya nang lingunin niya na ako at patayin ang makita ng sasakyan niya.
Huminga ako nang malalim at pinakawalan rin ito sabay pumadyak paalis sa harapan niya.
Jerk! Ano ba ginagawa ng kurimaw na yan dito sa pamamahay ko?
"Come on ma chéri, don't worry too much! Tinawagan ko na ang kapatid ko na mamasahe na lang pauwi!" sigaw niya habang sinusundan na rin ako papasok ng bahay.
Rinig kong tumunog ang kanyang sasakyan at ang kasunod naman noon ay ang tunog ng kanyang mga yabag. Pasunod na kung saan ang tungo ko.
Bakit naman kase ngayon pa natapat na hindi nakapagdalawa ng sasakyan si Reed.
"Good afternoon po miss Celestine, sir Ryder," sabay na bati ng dalawang katulong na nakaabang sa may pintuan para lang pagbuksan kami.
Tumango lang ako sa kanila at walang ganang bumati pabalik dahil inis ako sa taong nakasunod sa akin. Wala namang ibang ginawa ang kurimaw na ito kung hindi ngisihan at kindatan ang dalawang nakahawak sa malaking pintuan ng bahay.
Minsan nga bibilan ko ito ng panghilod sa katawan para lang naman mabawasan ang kakapalan nito.
Dalin ko na lang kaya siya sa spa?
Dumiretso ako sa kusina para ihanda ang mga gagamitin namin nang tumawag nanaman si Ally sa akin.
"Hello? Bakit ka nanaman napatawag? Malapit ka na ba? Pagbubuksan na kita ng gate," bungad ko sa kanya habang nagbubukas ng mga drawers at cabinet dito sa kusina para lang mahanap ang mga baking tools.
"Hindi pa dahil tatanungin ko pa lang sayo kung ano ang mga bagay na dapat kong bilin."
Napahawak na lang ako sa aking noo nang maalala kong hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang mga indredients na dapat bilin.
Siya rin naman kase ang may kasalanan kung bakit hindi ako nasama.
"Haynako Allyshia Rixelle! Edi i-search mo!"
"Sige sumigaw ka para marinig ka ni Reed kahit hindi ka naman naka-speaker! Malalaman niya kung gaano ka talaga kabungangera!" bulong niya na may diin sa akin.
What? Kasama niya si Reed?
"Bakit mo naman kasama si Reed dyan?"
"Basta, we just bump into each other when I was picking some shits kanina for the booth. I'll give you the deets later pag na-send mo na sa 'kin yung mga ingredients para sa mga ibe-bake natin," humalakhak siya na kala mong kinikiliti siya hanggang paa.
"Teka nga now mo na-"
"CIAO!" sigaw niya sa kabilang linya bago na lang maputol ito.
Heck, what was that? Bakit hindi na lang niya sabihin sa 'kin over the phone?
Bumuntong hininga ako habang labag ang pag-se-send ng mga ingredients kay Ally. Nasabi ko naman kanina sa meeting ang mga desserts na nasa isip ko, hindi ba siya nakinig? O talagang wala siyang pang data? Malabong wala siyang load. Nakalinya kaya yung phone niya!
I shook my head at tinignan ng masama ang lamesang nasa harapan ko.
"What's with the grumpy face?" nilingon ko si Ryder na ngayon ay nakahilig na sa daanan papuntang kitchen. And take note! He's holding an apple na may kagat-kagat na niya.
Umirap ako at ibinaba na lang ang mga gagamitin namin sa pag be-bake.
"Manang Gretha? Have you washed this stuff?" turo ko sa mga gamit na nasa lamesa ng mapadaan dito sa kusina si manang Gretha.
"Oo Celestine, kanina pa nung tumawag ka sa 'kin."
"Good."
Inayos ko na ang mga gagamitin nang lumapit sa likod ko si Ryder.
"What?" tanong ko sa kanya ng hindi ko inaalis ang paningin ko sa ginagawa ko.
Hindi siya sumagot, basta na lang siya humawak sa bewang ko at ipinatong ang baba sa aking balikat.
"I'm tired," bulong niya.
"Pake ko? Sino ba kase nagsabing tumambay ka pa rito?" inis kong sagot at hawi sa kanya dahil iritado ako sa kanya ngayon.
Tamo 'tong lalaking 'to kala niya siguro malalandi niya ako ng ganon na lang?
"Don't act like you're the one that I like, you're not Reed," pag-irap ko pa sa kanya.
He chuckled then went in front of me.
"Are you aware that you just admit that you like my brother?" ngisi niya sa harapan ko.
E? Maski ako nagulat sa sinabi ko.
Why did I even say that?
I shook my head at itinuon na lang ang mga mata sa mga gamit na nasa lamesa.
Nagulat ako ng tulangan niya akong magpunas ng mga gagamitin namin sa pag be-bake. Akala ko wala na siyang ibang gagawin kung hindi ang asarin ako.
"And so?" pagmamataray ko pa sa kanya ng hindi niya pa inaalis ang mga ngiti niya sa labi.
Para naman hindi rin halata na maski ako ay hindi ko inaasahang sasabihin ko iyon.
Pero hindi mapang asar ang ngiting iyon.
Its like, he's hurting?
Tama ba nakikita ko? Or I just assumed too much?
Hindi na lang ako umimik sa ginagawa niya at pinagsasabi niya. Alangan naman magreklamo pa ako? Tinutulungan na nga ako ng tao mapadali ang gawain ko.
We spent one hour and thirty minutes preparing and waiting for Ally. I even took a shower to make myself busy. Ayoko namang mag-antay sa sala kasama ang bwisit na Azucena na 'yon.
And at last! Sakto namang nag susuklay na ako ng buhok ko at pababa na ng hagdan nang marinig ko ang doorbell.
"Buksan mo ang pinto baka si Ally na 'yan!" sigaw ko kay Ryder nang makitang nakataas lang ang mga paa nito sa coffee table at chill sa pag bubutingting sa phone niya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay at hindi sinunod ang utos ko.
Tangina talaga ng lalaking 'to.
This past few weeks okay naman na kami, but right now? He's acting like a jerk!
Well, he is one.
"I said open the door! Didn't you hear me?!" sigaw ko ulit sa kanya nang marinig ko ulit ang doorbell. Senyales na nawawalan na ng pasensya ang tao sa labas.
What the hell?
He's not even moved by it!
"Chill, I heard you. I just don't want to obey your f*****g favor," ngisi niya sakin at agad na lumingon sa phone niya at nagsimula ulit magpipipindot doon.
What a f*****g jerk!
Nawala sa isipan kong dumiretso sa pinto para pagbuksan si Ally dahil sa galit.
Dumiresto ako kung nasaan ang kurimaw at agad siya pinalo sa likod ng ulo niya.
"Ano ba? Hindi porket alam mo na ang sikreto ko e, mas lalo kang magiging gago. You're in my house! Have some manners will you?!"
Binuhos ko ang inis ko roon sa palo na iyon kaya alam kong nasaktan siya don.
Kita sa reflection niya sa TV kung paano siya ngumiwi sa sakit.
"What the actual f**k? I don't give a damn about your feelings for my beloved brother, so why did you f*****g do that? Are you f*****g nuts?!" agad naman siya tumayo at hinarap ako.
"Anong nuts?! Kung sinasabi mong ako yon, nagkakamali ka! You're the one who's acting like a ballsack!"
Parehas kaming nagbabatuhan ng masasamang tingin sa isa't isa. Yung akala mo ay mamamatay na kami dahil sa sobrang talim ng mga paningin na binabato namin.
"Are you two okay?"
"Akala ko ba ay okay na kayo? Pang-ilang world war na ba 'to? Naiistress nanaman ang beauty ko sa inyo."
Parehas kaming napalingon sa dalawang nag salita. Nagulat ako ng makitang si Reed iyon at si Ally. Parehas silang may dalang plastics. Tig-isa bawat kamay. Napansin ko rin na sumusunod sa kanila ang ibang katulong namin, nilalapag ang mga nakakahon na pinamili.
Iyon na siguro ang mga pinamili nila.
Tumingin rin ako sa paligid at nakitang lahat ng katulong na nasa sala ay nakatingin. I even saw some maids na nakadungaw pa ang mga ulo galing sa kitchen.
Mga chismosa.
Pinagtaasan ko ng kilay ang mga katulong na nasa paligid namin.
Wala ako sa mood para maging mabait ngayon. I'm pissed because of this jerk! Ang mas masama pa doon, nakita pa kami ni Reed! My goodness.
Nakita ni Reed?
Nandito siya?
Di kaya narinig niya ang pinag-awayan namin ng kapatid niya?
Humarap ako kay Reed at napasigaw saglit dahil sa gulat na narito siya.
Napatingin ako sa kanya habang ang mga mata'y nanlalaki.
Bakit nandito 'yan?! Buti na lang nakaligo na ako. Ano ba nasa isip ni Ally at sinama pa 'yan dito?!
Lumapit agad sa 'kin si Reed at hinawakan niya ako sa mag kabilang braso. Sinuri niya pa ako. Lumalalim na rin ang paghinga ko dahil sa mga titig nito.
Bakit nagkakaganito ako ngayon? Bakit ang OA ko naman yata ngayon? Di kaya dahil sa nagulat rin ako sa presensya niya?
"Are you okay? Bakit ka napasigaw? May masakit ba sayo? Ryder what did you do? Did you hurt her?" kunot noo na niyang tinitignan si Ryder ngayon.
Umirap lang si Ryder at naglagay ng earphones sa tenga niya at pasalampak na umupo ulit sa sofa.
"She's just over reacting Reed," habang nag pipipindot sa phone niya. "Kinikilig lang yan," bulong niya pa dahilan para mapalingon rin ako sa kanya.
Tinignan ko ng masama si Ryder na hindi naman pinansin.
"What did you say?" tanong ulit ni Reed na mukhang di nga narinig.
Agad ko namang hinarap ang mukha ni Reed sa akin. Na agad ko ring pinagsisihan dahil napatingin agad siya sa mga mata ko.
Shit? Did I ever say how good he looks, especially this up close?
"A-aray. Masakit lang y-yung tuhod ko dahil sa pag m-madali kanina," yuko ko pa para mahawakan yung tuhod ko. Um-acting pa ako na nasasaktan talaga. Papikit-pikit pa ako para naman mas magmukhang makatotohanan ang pag-acting ko.
Magandang palusot. Kahit mukhang hindi naman talaga kalusot-lusot Porsch.
Tinignan ko ang kaibigan ko at nakitang bumubungingis na ito ngayon.
"Galing ah," bulong nitong asar sa akin.
Sinamaan ko lang ito ng tingin kaya naman mas lalo lang itong tumawa sa reaksyon ko. Nahinto lang ako nang magsalita si Reed sa harapan ko.
"Really? I'll treat you then," humarap ito sa napadaang katulong at nagtanong rito kung meroon ba kaming panglunas rito sa bahay. Magsasalita na sana ang katulong nang bigla akong nagsalita.
"N-no I can manage, pahinga lang ito," umupo ako sa sofa pero malayo pa rin sa pwesto ni Ryder.
Galing mo talaga Celestine, mukhang paniwalang paniwala si Reed sayo. Kahit tanga lang ang maniniwala sa iyo.
"You sure?" tanong niya ulit ng nakaluhod sa harapan ko habang tinatapunan rin ako ng nag-aalalang mga mata.
Tumango ako para maassure siyang okay lang talaga ako.
Okay lang naman talaga ako dahil hindi naman talaga ako naaksidente kanina. Palusot ko lang 'yon dahil ayokong magtaka si Reed bakit na lang ako napasigaw kanina.
Eh ito naman kaseng si Ryder! Baka sabihin niya sa kuya niya about sa nararamdaman ko.
Nang mawala na si Ally at Reed para ayusin ang mga pinamili at ilagay sa lamesa ay kinausap ko si Ryder.
"Don't you dare tell your brother. That's none of your business," sabi ko habang nakatingin pa rin sa patay na TV.
"What am I? Gay?" he chuckled, "Don't worry I won't kiss and tell, ma chéri," ngisi niya sabay sunod sa dalawang nasa kusina.
Nang makaalis siya ay napansin ko ang isang flash drive na nakasuksok malapit sa sandalan ng sofa.
Sinuri ko ito at may nakitang nakasulat sa likod nito.
La mia Stella.
What does it mean?