TEN

3329 Words
Chase "Its been three weeks na hija, ngayon mo lang naibalita na pasado ka sa dalawang grupong pinag-audition-an mo," mom is slowly blowing the smoke coming out from her cup of tea. Kakadating lang nila ni dad galing sa meeting nila from Singapore. Yeah, nasa ibang lugar nanaman sila kung kaya't sa isang munting laptop ko nanaman nakakausap ang aking ina. "Mom its not a surprise anymore, dapat ay-" napahawak na lang ako sa sarili kong noo ng putulin niya ako sa sasabihin ko. "Well anak tama ka, hindi na dapat ako magulat pa, sa galing ba naman ng talented kong anak," ngumiti ang aking ina at hinimas ang screen ng kung ano mang ginagamit niya para makausap ako. Bumuntong hininga ako dahil mali ang akala niyang sasabihin ko, I was about to tell her that I'm going to tell them once they arrived here, pero dahil nga daw sa emergency na nangyayari ay kailangan nilang lumalipad pa punta sa ibang bansa kung saan ay wala ako roon. "By the way anak kamusta naman si Ryder sa pag babantay sa iyo? Is he doing good?" humigop ang aking ina ng bahagya sa mainit niya tyaa. "Well he's doing fine, parang may babysitter ako sa loob ng campus." I'm not exaggerating, I'm telling the truth. For the past three weeks he always asking me or should I say commanding me to eat with him every break. Maski sa mga kaibigan ko ay nililimitahan niya kung sino ang pwedeng makasama ko ng matagal. Kadalasan sa mga pinagbabalaan niya ay ang mga kaklase kong lalake. Kaibigan man o hindi. Hindi ko alam kung kasama pa ba iyon sa utos ng aking mga magulang na dapat ay bantayan niya ako. Hatid sundo rin ako ng lalaking iyon, that's why I feel, secured? Is it, weird? That I feel secured sa mga pinaggagagawa niya imbis na lalo akong mainis? Well naiinis naman ako pero hindi yung tipong aawayin ko ulit siya. Nag simula lang ito matapos ang pangyayari roon sa waiting shed noong acquiantance. "Sabagay, hindi naman siya mag pre-presinta kung hindi niya naman talaga ginusto," higa naman ng aking ama sa likurang bahagi ng aking ina. Nakaupo kasi si mom sa kama habang ang gamit niya namang gadget ay nakapatong sa isang coffee table. Nagpresinta? Akala ko ba ay napilitan siya sa mga pinaggagawa niya dahil napag-utusan lang siya? Ang weird naman. "Oo nga hija, when I called their mom Madeline, she told me that Reed can't do my favor. So, Ryder voluntarily and willingly accepting my favor from them." Voluntarily and willingly huh? Akala ko kaya niya ito tinanggap ay dahil para asarin ako. But I don't feel like he is doing it for that? Maybe he has other intentions? Baka may kailangan siya kila dad or sa 'kin? Stop asking to many questions Celestine, at least now you know that it his will to take care of you. "Osige na hija umuwi lang kami para makapagpahinga muna saglit at dahil ay didiretso ulit kami sa kompanya." Ngumiti ang aking ina bago ako bigyan ng halik sa hangin. My laptop's screen went to pitch black. Nagpakawala ako ulit ng hinga ng maisip na mag-isa nanaman ako sa bahay dahil matatagalan ang aking mga magulang sa pag-uwi. Gumayak na ako bago pa ako tawagan ni Ally. Pupunta kami sa school dahil sa gaganapin na intramurals. Mag mi-meeting kami buong section dahil kailangan bawat section ay may booth. Nagkataong si Ally ang president namin kaya wala akong magagawa kung hindi sundin siya. Pag-uusapan na rin namin kung sino ang mga sasabak para sa Mr. and Ms. Intramurals. I'm 15 minutes early nang makarating na si Ally sa bahay. "Wala bang maghahatid sundo sa atin dyan?" Salubong ni Ally habang papasok siya ng bahay. Talaga namang nag hanap pa ng driver dito. Meron naman sila no'n bakit kailangang sakin pa mag tanong. "Mang Edong is quite busy right now, maraming inuutos sila dad sa kanya." "I'm not talking about mang Edong, Celestine. I'm talking about Ryder." Ilang beses nya akong tinaasan ng kilay habang komportable siyang nakaupo sa sofa. Alam ko namang hindi si mang Edong ang tinutukoy nito nag babakasakali lang naman ako na hindi si Ryder ang tinutukoy niya. "Ryder can't come with us. Alam mo namang vice president siya ng student government." Ngumisi lang siya at tumango tango. Minsan talaga may sakit 'tong kaibigan ko na ito. She knows I like Reed but yet here she is, giving me a nonsense look. Agad kaming sumakay ng taxi. Napagdesisyunan rin naming mag commute na lang muna papunta dahil baka raw isabay kami ni Ryder pauwi. Iba talaga 'tong mag isip itong babaeng 'to. Nakarating kami ng school. Lahat ng mga studyanteng naroon ay mga nakacivilian. Sabagay binigay ng school ang araw na ito para sa preperasyon sa darating na intrams sa susunod na araw. "Nasa classroom na raw silang lahat tayo na lang ang kulang," sabi ni Ally habang nakatingin sa phone niya. We started walking at marami ng bandiritas at kung ano-ano pag mga dekorasyon na makikita mo pag intrams. Meron na ngang mga tarpaulin para sa mga sasabak sa Mr. at Ms itrams e. Kada isang tarpulin ay isang kalahok. Marami kaming nakasalubong bago kami makarating sa aming pupuntahan. May mga nakita rin kaming mga studyante na nag aayos ng booths nila. Buti pa sila ay napagusapan na kung anong klaseng booth ang gagawin. Kami ay ngayon pa lang. Nakarating kaming classroom habang nag kakagulo silang lahat. "Hoy tumahimik na kayo." "Nandyan na sila Ally! Mag sitahimik na kayo kung gusto niyong matapos agad 'to!" "Grabe naman kase sila ma'am kung mag bigay ng gawain yan tuloy hindi tayo nagkaroon ng oras para mag isip sa gagawin nating booth." "Oo nga edi sana nag aayos na rin tayo." "Buti na lang matic na kung sino sa Mr. at Ms. Intrams natin." "Sige na! Mag siupo na kayo ng matapos na nga ito! Meron na akong mga naisip pero mag lapag pa rin kayo ng mga suggestion niyo!" Ito maganda kay Ally, alam niya kung kelan mag seryoso. Magaling siyang tumayo bilang leader. That's why she's our captain ball at president. "Kayo muna mag lapag ng mga suggestions niyo." "Why not sell pastries? May mga magaling naman ditong mag bake." "Marriage booth? Tutal marami namang malandi sa school na 'to." "Dedication booth kaya? Marami rin namang mga torpe rito at may mga galit sa ibang tao." "Selling pastries will be too common lalo na yung mga natirang dalawa, but pwede naman nating gawin lahat, pagsamahin nating lahat." Singit ko sa mga sinasabi nila. "Good idea Celestine, wala na bang tututol roon?" tumingin sil Ally sa lahat bago ako tignan ulit. "Ilahad mo yung nasa isip mo." "I'm thinking that we can sell pastries, pero yung hindi madalas nabebenta dito sa pinas. Like Ice cream mochi, crepe roll, crepe cake, at mga iba pa. Habang may side tayong kainan may marriage booth din tayo, parang pang reception lang sa mga kinakasal ang twist naman dito pwede kang ikasal kahit kanino basta payag sila na ikasal sayo. Kahit nga sa prof pwede. As for sa dedication naman hindi pwedeng yung mga ikinasal lang mag lalahad ng nararamdaman nila hindi ba? Pwede mo iyong ipabigay anonymously o hindi, pwede mo rin iyon ipa-announce sa campus speakers or ibigay na lang ng letter talaga yung hindi na babanggitin pa sa buong campus kung mahiyaan ka talaga. Pwede rin namang idikit na lang sa gagawin nating bulletin board. " Nag tanguan silang lahat at ang mga iba naman ay halata mong excited sa naisip. "Mukhang mananalo tayo ngayon!" sigaw ng isa sa mga lalaki kong kaklase. "Tatawagin iyong, 'Luke (look) who's loving you' tutal halos puro pang kalandian ang laman ng booth natin, " dagdag naman ni Ally. Meron rin kaseng contest para sa mga booth kung sino ang pinaka maraming kita, yun ang mananalo, may cash price at incentives rin iyon. Meroon rin namang incentives ang ibang section hindi nga lang kasing ganda sa mananalo. "Sa Mr. and Ms. Intramurals naman, automatic naman ng si Celestine ang sa miss dahil siya ang muse natin." What? Bakit nawala sa isip ko na baka nga ako ang isalang nila para sa miss intamuralss? Parang bago pa sa iyo iyon Celestine? Eh ikaw nga ang muse kaya natural ikaw ang isasalang nila. Wala akong nagawa kung hindi sumangayon. "Si Carlos naman para sa mister intramurals." Napairap ako roon sa sinabi nila na iyon. It's settled kung sino ang mga isasali nila. Ilalahad na lang ni Ally kung pa'no magiging ikot ng Mr. at Ms. Intramurals. "Gano'n pa rin naman, may casual, may talent at may online voting rin para sa face of the millenials, ang iniba lang ngayon ay imbis sports wear ay hero wear, kung saan mag co-cosplay ang mga kasali, meron ring picturan na magaganap doon, iikot si Celestine at Carlos sa campus habang nakacostume, kada may mag papapicture sa kanila ay may isang daang bayad. 'Yun yung pinagmeeting-an naming mga president kahapon." Mukhang mahihirapan ata ako ngayon? Hindi lang ang mga judge ang dapat kong pamanghain. I shook my head at tumayo na rin ng magsitayuan na ang mga kaklase ko. "Okay na tayo ha? Bukas na tayo mag ayos ng booth, dahil ngayon tayo bibili ng mga recipe para sa ibebenta nating pastries at mga gamit na gagamitin para sa dedication at marriage natin. Sumama na samin yung ibang nasabihan kong sasama samin ngayon, bukas na ako maniningil para sa mga magagastos, ako muna mag papaluwal ngayon." Ng apat na lang kaming natira sa silid na iyon pinagusapan na namin kung ano ba ang mga gagawin naming pagkain para sa booth. Umalis na kami ng silid ng matapos na namin ang usapan para sa booth. Nahinto na lang kami ng makasalubong namin ang magkapatid. Mukhang hindi naman mag kanda mayaw ang dalawa pa naming kasama ng makita ang dalawa na papalapit na sa 'min. "Oh Celestine, Ally, tapos na kayo sa booth niyo?" tanong sa 'min ni Reed nang makarating na siya sa harapan namin. "Hindi pa, bibili na sana kami ng mga gagamitin namin para sa booth namin, mag cocommute na nga sana kami e," pagkasabi ni Ally ng mag co-commute ay agad niya namang tinignan si Ryder kaya napatingin rin ako kay Ryder. Nagulat ako ng makita kong nakatingin lang sa akin ito, walang imik. Ano problema nito? Bakit mukhang tulala? "Wag na kayo mag commute, samahan na lang kayo ni Ryder, tutal wala naman na siyang gagawin, papasama lang rin naman sana ako sa kanya." Lahat kami ay naka tingin na kay Ryder pero nanatili pa rin siyang tahimik at nakatingin sakin. "Hindi ba Ryder?" kuha naman ni Reed sa atensyon ng kanyang kapatid. "Yeah sure," ngumisi ito at tumabi sakin. "As long its for ma chéri," bulong niya at umakbay sakin. Ano ibig sabihin ng sinabi niya? Sometimes he can say many weird things katulad na lang noon. Ma chéri? "So, where are we going ladies?" maligaya niyang sinabi habang tinitignan kaming lahat. "Nako Ryder hindi kasama si Celestine, kung baga mag papalit kami ni Reed. Ikaw sasama sa 'min at si Celestine naman ang sasama sa kanya," tumawa si Ally ng mahina at namula naman ang mukha ko ng mapagtanto kung ano ang binabalak ng isang 'to. "What? Why? Pero si Celestine ang dapat kong samahan siya ang binabantayan ko," kunot noo namang tanong ni Ryder. "Kase para- Aish! Basta! Sumama ka na sa 'kin!" dali niyang hatak kay Ryder kaya muntikan na rin akong masama roon dahil sa pag kakaakbay ng kurimaw na iyon sa akin. Tumutingin pa sa 'min si Ryder habang hinahatak na siya ni Ally palabas ng campus. Nang makalayo na sila ay napahawak na lang ako sa batok ko at hinimas iyon. "Ang kulit talaga nung babaeng 'yon nasaktan pa tuloy yung batok ko dahil sa paghatak niya sa kurimaw na 'yon." "Are you okay? Does it hurt?" agad naman nawala sa ritmo ang aking hininga ng hawakan niya ang kamay kong nakahawak rin sa aking batok. "Ah! Hindi naman," tawa ko ng tanggalin ko na ang kamay ko sa aking batok. Nginitian niya ako ng pagkandaganda ganda habang ang kanang kamay niya ay nasa ere pa dahil sa biglaang pag alis ko ng kamay ko sa aking batok. "Okay then, lets go? Sa likod pa tayo ng junior building mag sasabit ng mga bandiritas," ngayon ko lang napansin ang dalawang kahon na naka lapag sa sahig ng hallway na pinagtatayuan namin. Binuhat ko ang isang kahon na puno ng bandiritas. Mukhang mabigat dahil medyo malaki ang kahon na pinaglalagyan. Nauna siya sa pag lalakad sa 'kin paalis sa hallway na iyon. Hindi ko siya masabayan sa pag lalakad dahil hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Should I stay quiet while we are walking? Kung mag sasalita ako ano naman sasabihin ko? "I bet, Ikaw nanaman ang isasalang nila para maging miss intrams ng Luke?" nilingo niya ako habang may ngiti pa rin sa mga labi. I would do anything just to see that smile anytime. "Yeah, I can't do anything about it, ako ang muse namin," tumawa pa ako para maibsan ang kabang nararamdaman. "Hindi na ako mag hahanap pa ng ibang mananalo dahil paniguradong ikaw ulit," tawa niya rin habang napapansin kong bumabagal siya sa pag lakad. Pinapantayan, sinasabayan niya ako sa paglakad papuntang junior building. He's just being a gentleman Celestine, dahil bastos kung hahayaan ka lang niya sa likuran hindi ba? Its not good to the eye of the others when they saw you guys like that Celestine, keep your hopes out of the way. He's just kinder than you thought. Huminga ako nang malalim nang marating na namin ang likod ng junior building. Patapos na nilang lagyan ang mga iyon ng bandiritas at ng mga kung ano-ano pang dekorasyon. I even saw some tarpaulins for the candidates of Mr. and Ms. Intramural. Tumabi si Reed sa akin at tinignan rin ang mga tarpaulin na nakahilera sa magkabilang gilid kung saan may mga puno. "Ikaw na lang at ang Mr. Intramuralss niyo ang walang tarpaulin sa buong campus," binaba niya ang kahon sa tabi ko kung saan may lamesa. "Baka bukas ako mag photoshoot para dyan, hindi kami prepared ngayong taon kanina lang kami nakapagusap ng mga kaklase ko kung paano ang gagawin namin para sa intramurals," "Paniguradong may makukuha nanaman kayo katulad na lang last year." Ngumiti ako at umiling sa sinabi niya. Masyado naman yatang ang taas ng tingin niya sa section namin. Sadyang palaban lang talaga mga kasama ko. Lalo na yung president namin. Tumuntong siya sa isang upuan na naroon at sinisimulan na niyang lagyan ng bandiritas ang mga punong wala pang kahit ano maski tarpaulin. "Scissors please," sabi niya habang nakalahad ang kanang kamay sa 'kin at nakaharap ang mukha sa puno. Inabot ko sa kanya ang malaking gunting na nakalagay sa kahon na binuhat niya kanina. Umupo ako sa lamesang naroon. Gumupit pa ng ilan si Reed roon bago mag lagay ulit ng bandiritas sa punong iyon. "Kung ganoon sino ang lalaking sasalang sa inyo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa bandiritas niyang inilalagay. "Si Carlos lang ulit," tumayo ako galing sa pagkakaupo ko sa lamesa. Mukhang nahihirapan siya sa pag abot ng mga bandiritas na nasa lapag, sumasabit kase iyon sa kahon. "Mag pe-pair kayo ulit sa hero wear?" last year kase ang sports wear namin ni Carlos ay pangkarera, ako ay nakapang racer girl habang may hawak na flag at siya naman ay nakapang racer outfit rin pero ang pinag kaibahan namin ay nasa motor si Carlos habang ako ay nasa gitna ng bilog na ginagawa niya. We even make a pose ng makatapos na siya sa pag ikot. He carried me na ikinainis ko no'n dahil hindi ko alam na gagawin niya iyon. "Siguro? Hindi pa naman namin napag uusapan ang susuotin namin para sa hero wear," hilot ko sa sentido ko ng maalala ko ang ginawa ng lalaking iyon sa akin last year. "Wag kayong mag pair dahil hindi na pwede iyon," nagulat ako ng banggitin niya iyon. Nananatili pa rin ang tingin niya sa kanyang ginagawa. Bawal? Ano naman ang rasong kung bakit ipinagbawal na iyon? Its not that I'm complaining about it, gusto ko pa nga iyon para hindi ko makapareha si Carlos roon. "Huh? Talaga? Bakit?" "Ewan ko ba sa kapatid ko, siya nakaisip ng patakarang iyon, hindi daw kase makita ang kapasidad ng isang contestant pag mag papareha lang rin ang magka-section." Akalain mo nga naman, ang kurimaw pala ang may dahilan kung bakit hindi ko na makakapareha iyon. "I don't get his point." Makikita pa rin naman iyon kahit na ba magkapareha kami? "So did I," he's doing some final touches na sa mga banderitas na nakasabit roon sa puno bago ako lingunin. "Sino nga ba ang magiging Mr. Intrams niyo?" tingin ko sa ibang direksyon ng bigla na lang siyang tumingin sa mga mata ko. "Dapat si Ryder but he said 'My darling might get jealous if every girls in there are watching me, so no' kaya ibang kaklase namin ang sinalang namin." Darling ha, diba dapat darlings? It should be plural dahil paniguradong marami sila. Puro babae na lang iinisip ng lalaking iyon, hindi manlang tumulong sa ikauunlad ng section nila. Wow Celestine ha, uunlad rin ang pinas pag ginawa ni Ryder ang iniisip mo. "Kahit kelan ang taas talaga ng tingin sa sarili," baliwala ko naman sa sarili kong nakikipag talo lang rin sa 'kin. Tumawa si Reed bago bumaba at umupo sa damuhan. Tinapik niya ang kanang bahagi ng inuupuan niya kaya naman ay sinunod ko kung ano man ang nais niyang mangyari. "We can't do anything about it, sakit na iyon ng kapatid ko," sabay kaming tumawa nang biglang humangin ng malakas. "Even the wind is laughing with us." "Yeah," huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata ng unti-unti rin akong sumandal sa puno. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama mo yung taong gusto mo sa tahimik at mahangin na lugar. Naririnig ko rin ang pagkikis ng mga dahon sa puno at ang pagsayaw ng mga d**o dahil sa hangin. Iminulat ko ang akin mga mata at laking gulat ko na ang lapit ng mukha ni Reed sa akin habang may isang dandelion na nakapagitan sa amin. "Make a wish while the wind is still going, while the God of the wind can hear you." Taka ko siyang tinignan. "Silly," nginitian ko siya. Habang nginunguso niya pa ang munting halaman na nasa gitna namin. Ngumisi siya bago ako huminga ng malalim at ipikit ang aking mga mata. May the God of the wind give the right man for me. Even if its not the man in front of me. I can take whoever you can give if he's really the right one. Pag hipan at pag dilat ng mga mata ko ay nakangisi pa rin sa akin si Reed. Pero isang galit na Ryder ang mas nakapukaw ng atensyon ko natatanaw ko siya mula sa malayo. Is it weird? Parang ang blurry ng mga nakapaligid sa kanya at tanging siya lang ang malinaw sa paningin ko. "Iuuwi na kita Celestine," hinatak niya ako ng makarating na siya sa pwesto namin ni Reed. Well, at least nasabi ko muna ang wish ko before ako mahatak ng kurimaw na ito. Lagi na lang panira ng kaligayahan ko. Pinasok na niya ako sa sasakyan niya habang ang mga mata ay nag didilim at ang panga ay umiigting. Marami pa siyang murang binubulong sa sobrang inis. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero hinayaan ko na lang siyang ganoon. Bago pa kami tumulak ay nag salita muna siya. "I can't do it anymore," yuko nito habang ang hininga ay mabibigat at malalim. "I won't hold back. I'll chase my dream this time," tingin niya sa akin at ngumisi bago paandarin ang sasakyan at tumulak sa kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD