NINE

3868 Words
Acquiantance  "Ayan! Ayaw pang bilisan!" palakpak pa ni Ally habang nakatayo sa likod ko. Matapos ng ilang araw ng klase ay sa wakas ay magaganap na ang aming acquiantance. Formal itong gaganapin kaya naman ay naka-mermaid gown ako na talaga namang hapit sa aking katawan. Tube iyon na may balahibo sa gawing dibdib nito. Kulay new hope gray ito at kumikinang. Tama na gabi gaganapin ang party. Meroon rin akong puti na gloves na mukhang net. Ang buhok ko naman ay parang buhok ni Marilyn Monroe ngunit pinong itim lang itong akin. Nag lagay pa ako ng silver jewelries sa akin para bumagay sa kulay ng aking suot. "Maganda! Mukhang dadalawin mo ang patay na patay mong puso kay Reed ah? Kakanta ng let it go?" pamewang na sabi ni Ally bago kami makapasok ng sasakyan at ihatid ni mang Edong roon. Inirapan ko na lang ang sarili kong kaibigan dahil kung ano-ano ang mga pinagsasasabi nito. Ang suot ni Ally ay nude na long gown. Isa lang ang strap noon kaya mas lalong kumurba ang hinaharap nito. ang pinakapang bawi ng kanyang damit ay ang slit nitong na kay taas. Hanggang bewang na nga ata! Kaya naman nang makarating na kami sa campus ay maraming tumitingin rito dahil maganda ang kanyang katawan. Bawat pag lapat ng paa sa sahig ay siyang pag angat rin ng gilid ng balakang. Tilang siyang model na rumarampa. Nang makapasok na ay agad akong namangha dahil sa maganda ang theme nito. May pagka-vintage ang paligid. Its like, we're in 80's! Nakangiti lang ako habang inililibot ang aking paningin. Nakita rin namin ang mga ka-team namin sa volleyball. Maski ang mga kaklase namin ay nakikita namin. Nung una ay nais pang pumunta ni Ally kila Blair. Ngunit natigil lang iyon nang mahinto kami sa pag lalakad dahil sa lalaking humarang. Si Carlos. Kaklase namin. May sapak ba ito sa ulo? Bakit bigla na lang haharang? "Hi Celestine! Looking good," ngisi nito habang tinitignan pa ako taas baba. Agad namang nag sitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kanyang ginawa. Hindi ako komportable! Pinuri na rin nito ang kaibigan ko na nasa tabi ko lang. Nang ibalik na niya sa akin ang paningin ay nag iwas ako ng tingin. "You can join us on our table," sabi pa nito habang hindi natatanggal ang ngisi sa kanyang labi. "No need for inviting us, Carlos," iritadong sabi ni Ally. Umirap pa ito para maipakita sa lalaking nasa harapan ko na hindi na natutuwa ang babaeng kasama ko sa presensya nito. Maski ako rin naman. Pero mas ilang ako kesa ang mainis dahil sa pinapakita nito. He's a playboy. Everybody knows that. Pero mas grabe naman sa babae yung kurimaw na tagabantay ko. Tinignan ko ang lamesang tinuro nito at nakita ko na halos puro lalaki ang naroon. Mga nakatingin ito sa gawi namin at naka ngisi rin. "Oh sorry President. So it means mag kukusa kayo?" lumaki ang ngisi nito sa amin. Kaya naman maski ako ay napaikot na lang rin ng mata sa kagaguhan nito. Natahimik ako bigla ng makita ang pigura ng isang lalaki sa likod nito. Nakamaroon na coat ito at naka itim na polo sa loob. He's really attractive. "I have reserved tables for them Carlos," singit ng lalaki sa usapan. Kalmante lang ito na naka tingin sa lalaking nasa harapan niya. Kita ko naman ang pag ngisi ng kasama ko rito sa aking tabi. Kinindatan pa ako nito bago tignan rin ang dalawa sa harapan namin. Bahagya kong siniko si Ally dahil hindi rin matanggal ang ngisi nito ngayon. Nag usap pa ang dalawa bago umalis si Carlos sa harapan namin. Nilapitan naman kami ni Reed at binati rin kaming dalawa. "I'll lead you to our tables," nauna pa itong mag lakad sa amin papunta sa mga lamesa na nasa harapan. "Teh, 'our' daw. Ibig sabihin kasama natin siya," siko at bulong sa akin ni Ally. Pinalo ko naman siya ng mahina sa kanyang braso dahil baka marinig ng lalaking nasa harapan namin na natutuwa si Ally sa mga nangyayari. Ako rin naman ay natutuwa pero hindi ko kayang ilabas iyon dahil nahihiya ako rito. Nakarating na kami roon at agad rin namang kaming pumwesto. Pinaghila pa nga ako ng upuan ni Reed na nakapwesto lang sa tabing upuan nito. Nilingon ko ang kaibigan ko at nakita ko na nakangisi nanaman ito sa akin bago takpan ang bibig at tumawa. Umiling ako at nakinig sa nag ho-host ng gabing ito. Hindi nila isinali ang mga SG officers na grade twelve sa pag papalakad ng gabing ito ngayon marahil gusto nilang mag saya lang ito ngayong gabi ng walang iniintindi. Marami pang nag salita bago mag botohan para sa magiging lady of the night sa taong ito. Natawag ako at ang kaibigan ko para umakyat sa stage dahil kasama kami sa mga nominado. May ilan pang natawag bago umakyat ang isang babae na nakadark green na long gown. Si Keycee iyon. Nakita ko rin na galing ito sa table namin. Kaya naman ay tumingin ako roon at nakita kong naroon na si Ryder. Naka all black ito. Maging ang pang loob man at pang labas. Nakita ko na hindi naka butones ang tatlong butones nito dahilan kung bakit medyo nakikita ang dibdib nito. Sumandal ito sa kanyang sandalan kaya naman ay napansin ko ang pag galaw ng naka lawit na hikaw nito sa kanyang tenga. Silver iyon na bagay sa mga mata niyang madilim. Bahagya ring nahuhulog ang buhok nito sa kanyang noo. Ang delikado niyang tignan. Hindi ko mapapansin na napapatagal na ang tingin ko sa kanya kung hindi ko lang napansin na naka tingin pala nito sa akin! Umiwas ako ng tingin bago tumingin sa malayo. Wala akong tinitignan sa mga mata niisa. Dahil ganoon naman ako lagi pag nasa entablado. Pagkatapos rumampa roon ay agad rin naman kaming bumaba. Nagulat pa nga ako na nakalahad ang kamay ni Reed sa akin. Nginitian lang ako nito kaya naman ay ganoon lang rin ang ginawa ko. "Thank you," mahina kong sinabi dahil nahihiya ako rito. Ngumiti lang siya ulit sa akin bago ako tulungan sa pag upo. Tinulungan niya rin naman si Ally kaya medyo nag tagal pa ako roon sa lamesa namin. Tahimik lang ako dahil naiwan nanaman ako kasama ng lalaking ito. I don't know what to say. "You look stunning." Sabi nito kaya naman ay napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa harapan habang tamad na nakasandal sa kanyang sandalan. Nagbigay naman ako ng pasasalamat rito para naman hindi iyon bastos para sa kanya. Ayoko ng away ngayon marahil gusto kong mag saya ngayong gabi. Ibinalik ko lang rin naman sa kanya ang papuring sinabi. I told him that he looks good. Binasa nito ang mapupula niyang labi bago ngumisi sa akin. "That's a first," sabi nito bago tumayo at umalis. Ano? First? Ano ibig sabihin roon? Dumating naman agad sa tabi ko si Ally at si Reed. Kaya napaayos na ako ng upo at itinuon na sa kanila ang atensyon. "Grabe. Si Keycee pala ang date ni Ryder ngayon ano?" sabi nito bago tumingin sa hagdanan ng entablado. Nakita naming inaalalayan na ni Ryder si Keycee sa pag baba. Malaki ang ngisi ng babae dahil marami itong atensyon na natatamo mula sa mga nanonood sa kanila. Ganoon naman talaga. Nakakaagaw atensyon talaga pag isa sa mga Azucena ang kasama mo. Kaya rin pala dito galing sa lamesa namin si Keycee. So it means makakasama namin ang babae na iyon sa iisang lamesa? Nakita ko rin naman sa malayong lamesa ang pag simangot ni Dominique habang tinitignan ang dalawa. Jealousy. That's what I see into her eyes. Meron pang sumayaw at kumanta sa entablado. Mga member iyon ng teatro de'eleganza. Kaya naman ay natuwa akong panoorin ang mga ka-member ko. Kumaway pa ako sa kanila ng makita nila ako kaya naman ay kumaway rin sila pabalik. Habang kumakaway ay lumapat ang mata ko sa dalawang nasa harapan ko. Binubulungan ni Keycee si Ryder. Ang lalaki naman ay nakangisi lang habang umiinom ng kung ano mang inumin na nasa harapan. Iniwas ko ang paningin dahil hindi ako mapakali sa nakikita. Ang sakit sa mata. Ilang oras pa ay nag sabi na ang host na maaari ng kumain ang mga studyante. Kaya naman ay noong tatayo na ako ay agad akong pinigilan ni Reed. "Stay here. Ako na kukuha ng pagkain mo. What do you prefer? Light meals or heavy?" tayo nito sa tabi ko kaya naman ay tiningala ko pa siya dahil ako ay nakaupo lang. "Light meals, please," ngiti ko rito. Tumango ito bago balingan ang kaibigan ko. Mag sasalita pa lang ang lalaki sa tabi ko ng putulin na ng kaibigan ko ito sa pag sasalita. "Nope. Lilipat ako ng table. Inaaya ako ng crush ko sa lamesa nila," ngisi na sinabi ni Ally. Tumango naman ito bago mag paalam sa akin na aalis na ito para makakuha. Binalingan ko ang kaibigan ko at nakipag talo pa sa kanya marahil iiwan pa niya ako rito sa lamesa nila. Nakita ko naman na palapit na sa amin ang crush nitong varsity player. Ito yung captain ball sa basketball ah?! "Ano ka ba Porsch! You have your date, she have hers, and I'll have mine. Para pare-pareho tayong masaya ngayong gabi!" ngisi nito bago kumapit sa lalaking matangkad at maganda ang pangangatawan. Umirap ako roon at hinayaan nang umalis ang kaibigan ko sa tabi ko. Nag paalam rin si Ryder na kukuha siya ng pagkain para sa kanya at sa kanyang date. Umirap ako ng palihim nang marinig ang boses na ipit ni Keycee. Gross. Ilang sandali pa ay nag salita na si Keycee sa harapan ko. Sino nag bigay ng permiso na kausapin ako nito? "I see you have Reed as your date?" maarte nitong sinabi bago tignan ang maayos nitong kuko na mukha pang bagong linis. "He's not my date. I don't have one. Nilapitan niya lang ako." Oh how I wish na tinanong ako ni Reed na maging date nito. "Well, if you say so," sabi nito bago bigyan ng hagod ang damit nitong suot, "do you know that Ryder asked me to be his date?" lingon niya ulit sa akin. Parang hindi ko alam iyon. Ngayon na magka-date sila. As if I care. That is something you can't be proud of Keycee. Ang ngiti mong iyan ay nakakasira na ng gabi ko. "Ganito pala ang pakiramdam na maraming tumitingin sa iyo pag kasama mo ang isa sa mga Azucena. I can't even imagine na ganito ang atensyon na nakukuha mo araw-araw," ngisi nito bago sumimsim sa juice na nasa harapan. What the? Ano yung sinabi niya? Parang kasalanan ko pa na malapit ako sa mag kapatid. "Yeah, poor you. Ngayon lang nakatamo ng atensyon. I understand naman Keycee because you're just seeking for attention. Well enjoy it while it last, but not for long," ngisi ko sa kanya pabalik para mas maasar siya. Sorry, hinasa ata ako ng date mo pag dating sa asaran. Mukha naman siyang nainis at na-offend kaya galit na ito ngayon nakatingin sa akin. I rolled my eyes bago humalukipkip at sumandal sa upuan ko. Desperadang gaga. Nakita kong mag sasalita pa siya nang mamataan niya ang magkapatid na paparating na sa aming lamesa. "You'll pay for what you've said to me Ricalde," banta nito sa akin. Bumuntong sininga ako bago mag kamot sa aking sentido gamit ang isang daliri. "Magkano?" sabi ko bago tignan si Reed ng ilapag na niya ang pagkain ko sa harapan ko. Kumain lang kami doon habang paminsan-minsan ay kinakausap ako ni Reed. We just having small talks kaya naman ay hindi mabura ang ngiti sa aking labi. Paminsan minsan naman ay nahahagip ng mata ko ang pag tingin sa amin ni Ryder. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag patuloy na lang sa pakikipag usap kay Reed. "Hindi naman mukhang lamay ang pupuntahan niyo ng kapatid ko," asar sa akin ni Reed kaya naman ay napailing na lang ako sa pang aasar nito. "Ako kase, pupuntahan ko ang mga patay na patay sa akin. How 'bout you Porsch?" singit naman ni Ryder sa usapan namin. Kelan ba ito matitigil sa pangingielam sa amin? Lagi na lang nakikisali pag nag uusap kami ni Reed. At talagang ipinagmamayabang niya pa kung anong klase siyang lalaki. Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ng lalaking nasa harapan ko. Itinuon ko na lang ang atensyon sa harap nang mag salita na ang lalaking host ng party na ito. Sinabi nito na maaari na kaming sumayaw. Dahil pagkatapos noon ay ia-announce na ang mga mananalo ng mga award para sa gabing iyon. Nakakatuwa nga lang at pati ang mag kapatid ay nominado rin sa pagiging gentleman of the night para sa taong ito. Marami na ang mga nag sisilakad at pumepwesto sa gitna para magnap na ang sayawan. Nag simula lang ito sa isang slow music. Narinig ko pa nga na inaaya na ni Keycee si Ryder sa pag sasayaw. Dahil roon ay napatawa na lang ako sa isip ko. How come na inaya ito ni Ryder para maging date kung wala rin namang gana ang lalaki para pakisamahan siya buong gabi. Ayaw niyang paunlakan ang pag aaya ni Keycee. Nabalik lang ako mula sa aking isipan nang ilahad ni Reed ang kanyang kamay upang maaya ako sa pag sasayaw. Bigla naman akong nakaramdam ng init sa aking mukha dahil sa kilig na nararamdaman. Tumango lang ako para hindi niya makita ang tunay na nararamdaman. Ramdam ko naman ang paninitig ng kanyang kapatid sa amin ng hawakan ko ang kamay ni Reed at mag simula nang maglakad papunta sa gitna ng dance floor. Saktong pag bagsak naman ng kanta ay agad naman kaming nakarating sa gitna. Speechless ni Michael Jackson ang tumutugtog roon. Maganda ang mensahe noon. Parang pinapatamaan ako. Hindi naman ako mapakali marahil parang ang tugtog na iyon ay parang kung ano ako kay Reed. Inilagay nito ang kamay ko sa kanyang balikat. Tumingin lang ito sa aking mga mata kaya naman ay hindi ko na rin naiwasan na mapatitig rin rito. Ngumiti lang ako sa kanya habang isinasayaw ako nito ng mabagal. Hindi kami nag kibuan. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa habang dinadama ang kanta. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Nakailang kanta rin kami roon bago ko siya ayain na umupo na sa aming pwesto. Naabutan namin si Ryder na mag isa na lang na nakaupo roon. Tinitignan kami nito na may madilim na mga mata. He clench his jaw and look away nang umupo na kami sa aming mga upuan. Ano problema nito? Where's his date? Pero tilang sinagot ko lang ang sarili ko ng makita na kasayaw na ni Keycee ang ibang lalaki. Namataan ko rin na malapit sa kanila na nakikipag sayawan si Ally. Hindi ito ang date niya ngayong gabi. Siguro ay isa sa mga tagahanga nito iyon. Ganoon naman si Ally. Mabait lalo na sa mga may gusto sa kanya. I rolled my eyes while smiling. Ang landi pakinggan ng kaibigan ko sa aking naisip. But knowing her, I know she's not that kind of girl. Nang matapos na ang pag sasayaw ng lahat ay sinabi na nila na babanggitin na nila ang mga nakatanggap ng award. Hinilot ko ang aking paa dahil nag tagal rin ang sayawan ng ilang oras. Kunot noo kong tinanggal ang sapatos at hinilot ang aking paa. Napapapikit na lang ako nang makaramdam ng sakit at ginhawa habang ginagawa ko iyon. "Masakit? Let me help you," abot ni Reed sa aking paa ngunit iniwas ko iyon sa kanya. Nakakahiya na ipapamasahe ko pa sa kanya ang paa ko. "No kaya ko na," iling ko habang hinahawak ang paa na masakit. "I insist Porsch," sabi nito at unti unting kinuha ang paa na iyon. Napakagat na lang ako ng labi sa kanyang ginagawa. Kunot noo niya itong minamasahe kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin sa amin si Ryder. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad naman siyang umiling at tumingin sa taong nag sasalita sa harapan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi nang tawagin ako sa entablado bilang lady of the night. Kakamasahe lang sa paa ko ay tatayo nanaman ako. Umiling ako at inayos ang sarili. Nagulat pa nga ako nang mag lahad sa akin si Ryder para alalayan ako paakyat ng stage. Umirap ang date nito sa akin ng tumingin ako sa babaeng katabi nito. Ibinalik ko ang paningin sa kamay nitong nasa harapan ko at tinanggap iyon. Inalalayan ako ni Ryder hanggang sa makaakyat ako roon. Nag bigay pa ako sa kanya ng pasasalamat bago siya tumango sa akin at umalis. Binigyan naman nila ako ng sash at tumpok ng mga bulaklak. Kinuhanan pa kami ng litrato roon bago ako paupuin sa isa sa mga upuan na nasa entablado. Dalawa iyon isa sa akin at isa para sa lalaking tatawagin. Nabura ang ngiti sa aking mga labi ng tawagin nila si Ryder. Ngisi lang ang ginagawa nito bago tanggapin ang mga inaabot sa kanya. Ganoon pa rin ang itsura nito nang kumuha na rin sila nang litrato. Marami pang tinawag kung sino ang iba pang nakakuha ng award. "Guess we still end up with each other," bulong nito habang hindi mabura ang ngisi sa kanyang mga labi. Inirapan ko ito bago kami tawagin sa harapan para kuhanan kaming dalawa. Marami pa akong naririnig na bagay kami para sa gabing iyon dahil parehas ng kulay ang mga suot namin. Black and gray. Nag closing remarks naman na ang mga tao roon kaya nag handa na rin ang iba sa pag alis. Nag paalam si Ally sa akin na ihahatid na siya noong date niya pauwi kaya naman ay mag-isa ako rito. Halos mag hahating gabi na. Kaya iniisip ko kung mag papasundo pa ba ako kay Mang Edong. Mag-isa ako ngayon rito sa waiting shed dito sa parking lot ng school. Nag paalam sa akin si Reed na may kakausapin at aayusin daw siya sa loob kaya mukhang hindi rin ako makakasabay roon. Siguro ay mag co-commute ako? But damn Porsch nakakalimutan mo yatang walang gaanong dumadaan ngayong oras na ito. Tumingin lang ako sa harap at tiningala ang langit na tinatakpan na ang buwan. Mukha pang uulan. Ngumiwi ako sa isiping maii-stranded pa ako rito sa waiting shed. Saan naman kaya ako pwedeng makisakay? "Why are you still here?" tinig ng isang lalaki sa aking likod. Hinarap ko iyon at nakita ko si Ryder na nakapasok ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Nakita ko rin na wala na ang mga inabot sa kanya. "Nag iisip kung paano uuwi," nang sabihin ko iyon ay bumuhos na ang ulan kaya naman pati siya ay naki silong na sa waiting shed. Malungkot kong tinignan ang langit marahil ang lakas nang pag patak ng ulan. Rinig na rinig iyon sa bubong ng sinisilungan namin. "I can drive you home," sabi nito bago tumingin sa malayo at naka pirmi pa rin ang mga kamay sa kanyang bulsa. Parehas na naming tinitignan ang ulan. Its cold but calming. Hinawakan ko ang mga braso ko at hinimas iyon taas baba para hindi ako lamigin. "Really? Hindi ba labag iyan sa iyo?" pang aasar ko sa kanya na may ngisi. Tumawa lang ito bago umiling at tumingin sa akin. "No Porsch," ngiti niya bago niya hubarin ang kanyang coat at lumapit sa akin. "Okay," sabi ko dahil wala naman na akong choice kung hindi ay sumabay sa kanya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang ilagay niya ang coat sa aking likod upang hindi ako lamigin. Para may panang gala ako sa lamig na hatid ng ulan at ng gabi. Nag pasalamat ako rito at muling nanahimik. Ganoon rin naman siya. Nang mabingi na ako sa katahimikan ay tinanong ko kung nasaan ang date nito. Sinagot lang ako ng simpleng "I don't know." "Porsch?" tawag nito sa akin ng hindi ako nililingon. Tinignan ko ito habang ang panga niya ay umiigting. "Uh, yeah?" ilang kong tanong sa pag tawag nito. "Can I have this dance?" hinarap niya ako at inilahad ang kanyang kamay. Tumawa pa ako roon dahil dito niya pang napiling sumayaw. Madilim. Tanging ilaw lang ay ang ilaw na naka paligid sa parking lot. And besides walang tugtog at umuulan. "How? Walang tugtog," sabi ko rito habang naka ngiti sa kanya dahil sa kalokohan na naiisip nito. Bumuntong hininga siya bago ako lapitan at hawakan sa magkabilang braso na meroon ring nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. "Don't worry," sabi nito bago niya ilagay ang dalawang kamay ko sa kanyang batok, "Just, leave it to me," dadag niya pa bago niya ilagay sa likod ng balakang ko ang kanyang dalawang kamay. Making me move closer to him. Naamoy ko na rin ang pabango niya sa pwesto kong ito. Tinignan niya pa ako sa mata bago hawiin ang takas na buhok na nahuhulog sa aking noo. "Your love is magical, that's how I feel But I have not the words here to explain Gone is the grace for expressions of passion But there are worlds and worlds of ways to explain To tell you how I feel."  Pag simula niyang kanta habang unti-unti niyang ginagalaw ang aming mga katawan. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang ginagawa niya iyon. Ngayon ko lang rin napansin na, kinakanta niya ang kantang 'Speechless' na isinayaw namin ni Reed kanina. "But I am speechless, speechless That's how you make me feel Though I'm with you I am far away and nothing is for real When I'm with you I am lost for words, I don't know what to say My head's spinning like a carousel, so silently I pray." Umiikot na kami sa pwesto namin. Ang mga madidilim niyang mga mata ay kay ganda sa pag kislap. Maraming emosyon ang mga nakapaloob roon. Kaya naman ay nakangiti lang ako habang hinahayaan siyang isayaw ako. Inilagay niya ang ulo ko sa kanyang dibdib kaya naman ay hinayaan ko siya sa nais niyang mangyari. Nakangisi lang ito habang sinasayaw ako. Paminsan minsan ay hinahawakan ako nito sa aking pisngi. Natulad na lang ngayon. Mainit ang kanyang palad, pinroprotektahan ako sa lamig ng panahon. "I'll go anywhere and do anything just to touch your face There's no mountain high I cannot climb I'm humbled in your grace."  Kanta niya pa nang hindi tinatanggal ang palad nito sa aking pisngi. Ang boses niya at ang ulan ay parang musika sa aking pandinig. Nag tagal pa kami roon sa pag sasayaw bago niya matapos ang kanta. "Speechless your love is magical, that's how I feel But in your presence I am lost for words Words like, 'I love you'."  Pag tatapos niya sa kanta. Kasabay nang pag hinto namin ay ang pag hinto rin ng ulan. Tahimik kami roon na nakatayo lang at nakaharap sa isa't isa. Inuwi niya rin ako pagkatapos ng ilang minuto nang pag tayo roon. Tinanong ko pa siya kung bakit niya ako sinayaw sa lugar na iyon pero ang tangi niya lang sinabi sa akin ay... "I just have to erase something."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD